Francisca.
Nerd. Obssess. Fan Girl. At hopeless romantic.
Yan ang tawag na pwede niyong masabi sakin. Psh. Masama ba iyun? Bawal ba magka-crush?
Bakit sila ba hindi nagkaroon ni minsan ng crush? Hindi sila humanga sa isang tao?
Yeah. Alam ko naman na hindi ipinagbabawal ang mag kacrush sa isang tao, pero bawal bang sagad sagarin na? As in, nangangarap ka na nga lang, ba't hindi mo pa pangarapin yung pinakataas? I mean, pag sa trabaho, pag papapiliin ka, waiter or manager? Employee or CEO? Vice President or President? Syempre pipiliin mo na yung pinakamataas. Mangangarap ka na lang eh, sagarin na natin.
Pero sabi nga nila, mangarap ka ng naaayon sa sarili mo. Mangarap ka ng naaayon sa GANDA mo. Eh ang kaso, wala akong ganda. Yung crush ko? Ayun sikat na sikat dito sa campus.
Paano ba hindi magiging sikat? Eh gwapo eh.
Hmm... let's describe his features and postures. He's tall. He's a cute player boy. His jaw is so perfect. He's charming. His charisma is so effective when it comes to every girl, especially to me. A bad boy. Bully at marami pang iba!
"Ouch!" Sabay hawak sa noo ko. Ang sakit nun ha! Parang magkakabukol ata ako nito.
"Haha, bagay lang sayo yan. Nerdy Francisca" sabay irap sakin ni Kristine at naglakad palayo kasama ang mga kasama niya. Isang volleyball player si Kristine at isa sa mga sikat na babae dito sa campus.
Maganda, sexy, killer smile, mayaman. Sino bang hindi maiinlove sa isang babae ganyan?
Yun nga lang sumablay. Yung ugali? A big no. Hindi maganda ugali niya kasi bully siya. Parehas sila ni Bryan my loves.
Bigla naman nagtilian yung mga babae na malapit sakin. Papalapit pala samin si Bryan. No, papalapit siya kay Kristine.
Haay, ang pogi niya talaga! Yung kaputian niya grabeeee! Tapos... tapos... tapos.... kyaaah! Those lips! Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.
Nakatingin lang ako sakanila hanggang sa napalingon ng onti si Bryan sa may side ko kaya napayuko na lang ako at napabuntong hininga.
Mas gugustuhin ko pang umalis kesa sa magstay dito sa field at pinapanood kung gaano kasweet si Bryan kay Kristine. Yung tipong bubuhatin pa ni Bryan yung bag ni Kristine at ikikiss ni Bryan yung noo ni Kristine at mag hoholding hands sila at sabay na maglalakad.
Ang sakit lang na makita yung 4 years crush mo na tumino sa isang babae. At ang mas masakit na part dun, hindi ikaw yung dahilan kung bakit siya nagbago. Nagbago siya dahil sa isang babae, nagbago siya para kay Kristine. Hindi para sakin.
Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula ng maglakad papalabas ng school. Keri lang kasi walking distance lang naman tong school kaya hindi na ako gumagamit ng kotse.
Dumiretso muna ako sa lugawan dahil nagugutom ako at kailangan ko ng comforter. At pagkain yun.
Pag dating ko sa lugawan konti lang yung tao. Buti na lang at konti lang yung tao at wala masyadong makakapansin ng pag eemote ko.
Umupo agad ako sa isang hilera ng table sa pinaka dulo. Lumapit agad sakin yung taga kuha ng order kaya sabi ko isang lugaw, isang platito ng tokwa at isang special hotcake.
Habang hinihintay ko yung order ko, kinoconvince ko yung sarili ko na wag umiyak. Na wag ako iiyak dito.
C'mon Cisca! Wag kang mag emote dito!
Ang hirap i-sink in sa utak mo na kahit ano ang gawin mo, di mo siya makuha kuha. Di ka niya magustuhan. Ano na nga ba ang nagawa ko para magkagusto din siya sakin? Wala.

BINABASA MO ANG
Love Potion (SOON)
Acak'GAYUMA' Naniniwala pa ba kayo sa salitang iyan? Para saan nga ba iyan? Diba para iyan sa taong gusto mo? Sa taong mahal mo? Sa taong hindi mo makuha kuha? Ano bang trabaho ng salitang iyan? Siyempre para ma 'inlove' yung taong mahal mo sayo. Pero...