Prologue

0 0 0
                                    

"Halika aking mahal. May gusto akong ipakita sa'yo." Masayang pagkakabanggit ng binata sa dalaga.

Kanina pa napapansin ng binata na palinga-linga ang dalaga,tila parang may hinihintay.

Hindi na lamang ito pinansin ng binata at muling inihila ang dalaga. Nang nasa tapat na sila ng isang pintuan-- na puno ng mga dahon at bulaklak-- ay tinakpan na ng binata ang mga mata ng dalaga.

"Andre. Anong ginagawa mo? Bakit mo tinatakpan ang mga mata ko?" Medyo kinakabahan ang tono ng dalaga kaya naman ay natawa ang binata.

"Huwag ka mag-alala aking mahal. May gusto lamang akong ipakita sa'yo.At sigurado akong matutuwa ka sa ipapakita ko sa'yo."

Binuksan ng binata ang pintuan tsaka niya dinala sa bandang gitna ang dalaga.

Dahan dahan niyang tinanggal ang piring ng dalaga.

"Sana magustuhan mo."

Iginala ng dalaga ang kaniyang mata.

Ang lugar ay punong puno ng mga Bulaklak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang lugar ay punong puno ng mga Bulaklak. Ngunit hindi lamang siya basta bulaklak. Dahil ang mga bulaklak na ito ang mga nakita niya sa kaniyang libro. Ang "Book of Roses" na libro na iniregalo ng kaniyang ina sakaniya bago ito namatay.

Gustong matuwa ng dalaga ngunit siya ay nangangamba dahil sa binabalak niyang gawin.

"Andre..." Bigkas ng dalaga.

"Nagustuhan mo ba mahal?"

"Nagustuhan ko,ngunit..."

"Ngunit ano?" Pagtataka ng binata.

"I'm sorry. Makikipag hiwalay na ako sa'yo." Hindi man umiiyak ang dalaga ngunit madarama mo mula sa tono ng kaniyang boses ang lungkot.

"Pero..."

"I'm really sorry Andre." at tumakbo ito palayo.

Papalayo kay Sol Andre Navoda.

My kind of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon