Chapter One

6 0 0
                                    

“Gusto sana kitang ligawan kung okay lang?” Nagulat ako sa tinanong saakin ni Ericson.

“Pero... Bakit ako?” Bakit nga ba ako Ericson?

“Oo nga naman Eric. Bakit si Luna pa? Eh ang panget niyan. Look at her! Yung buhok niya na laging naka pony tail. Nakasalamin pa siya na malaki kasi nga malabo mata niya. Payat pa na akala mo hindi kumakain. In short--PANGET siya Eric!” Pagdadahilan ni Sharlot. Alam ko naman na panget ako pero hindi naman niya kailangan ipamukha pa saakin iyon. May damdamin din ako, marunong masaktan tulad niya.

“I don't care Shar. I wanna court her. Because I wanted to.” At dahil sa sinabi ni Ericson ay nanlaki muli ang mga mata ni Sharlot at naglakad papalayo. Ngunit bago siya lumayo ay may huling sinabi pa siya.

“Hindi ka niya seseryosohin Luna. He will NEVER take you seriously.” At umalis na nga siya ng tuluyan.

Hindi niya ba napansin na inenglish niya lang 'yung una niyang sinabi? Abnormal ata 'to si Sharlot.

Nagsimula na rin magsialisan ang iba naming ka-school mate. Pero ang iba sakanila ay mukhang may inaantay pang mangyari.

“Sorry sa mga sinabi niya Chanelle. Ngayon, pumapayag ka ba na ligawan kita?” Hinawakan ni Ericson ang mga kamay ko. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko ang mga ka-team ni Eric sa basketball. Sa kanan naman ay ang ilan sa mga admirers ni Eric at mga kaklase namin. Tumingin ako sa likod ni Eric. Sa 'di kalayuan ay may nakita akong lalake, na nakatingin sa direksyon namin.

Muli kong tinignan si Eric. Hindi pa rin ako makapaniwala dahil ang isa sa mga pinaka sikat na lalake sa buong school ay gustong ligawan ako. Hinawakan ko si Ericson sa balikat at unti-unti siyang pinapatayo mula sa pagkakaluhod niya.

“Sana hindi ito isang munting panaginip Ericson. Kaya oo, pumapayag ako na ligawan mo na ako. Sana 'wag mo ko biguin.” Sabay ngiti, upang ipakita sakaniya na gusto ko ang mga nangyayare.

“Thank you Chanelle. I won't let you down baby.” sabay yakap niya saakin ng mahigpit.

“Uy easy ka lang Ericson. Nasa ligawan stage pa lang tayo haha.” Sabay palo sakaniya sa balikat. Unti-unti na rin umaalis ang mga studyante sa paligid.

“Sorry na. Nae-excite lang ako na mapasagot ka. Anyway, let's go?” Tanong niya sabay inilahad ang kaniyang kanang kamay.Inabot ko naman ito tsaka ako nagtanong.

“Teka, saan tayo pupunta?”

“Ihahatid na kita sa classroom mo. Baka malate ka pa eh hahaha.”

“Hala! Oo nga pala. Tara na!” At ako na ang humila sakaniya.

~

“Panget ka! Paano mo nabihag si Eric my labs. Waah! Kainis ka naman eh!”

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom ay isang naka busangot na mukha ni Glow ang  sumalubong saakin.

“Sorry naman Panget. Hindi ko naman inaasahan 'yung nangyari kanina eh. Hindi pa rin nga ako maka move on eh. Hahaha. ”

Ang sarap alalahanin lahat ng nangyare kanina sa hallway. Except lang sa part na dumating si sharlot. Hahaha.

“Pero panget. Hindi kaya niloloko ka lang niya? I mean--”

“Glow! Napaka negative mo naman.”

“Hindi naman sa gano'n Panget. Nagaalala lang ako syempre. Ayoko masaktan ka.” At doon na ko natawa. Pero na-touch din sa mga sinabi niya. Dahil alam kong nagaalala talaga siya saakin.

“Mag-iingat ako Panget. At kapag sinaktan niya ko. Babayagan natin siya ng sabay.” At nagtawanan kaming dalawa.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang teacher namin.

“Sorry class if i'm late. Nagkaroon n biglaang meeting. Anyway, malapit na ang christmas break nyo and as our tradition here at our school. We are going to have a christmas ball.”

Lumapit ako kay Glow dahil may gusto akong ibulong sakaniya. Mahirap na at baka mahuli pa kami ni sir.

“Panget! Pupunta ba tayo? Parang nakakatamad eh.”

“Malamang OO! Baka nga ayain ka pa ni Fafa Ericson sa Christmas Ball. Tapos ako maiiwan mag-isa. All Alone with no one beside me.” Dahil nagsisimula nanaman siyang magdrama ay inunahan ko na siya agad ng isang batok.

“Aray!”

“You!” Turo ni Sir. Blake kay Glow.

“Bakit ka sumigaw ha?” Tanong ni Sir habang nakatingin pa rin kay Glow. Pati mga kaklase namin nakatingin sa direksyon namin.

“Ahh ano sir. May ano po kasi uhm. May...” Dahil mukhang wala siyang maisip na dahilan ay bumulong na ako.

“Sabihin mo may ipis kamo sa ilalim.”

“Ah Sir! May nakita po kasi akong ipis sa ilalim kaya nagulat ako. Ang ending tumama ung tuhod ko sa upuan.” Natatawa naman ako kay Glow. Dahil habang nage-explain siya ay para siyang kiti-kiti kung gumalaw.

At dahil sa sinabi niyang dahilan. Nagtilian ang mga kaklase namin.

“Omg! May ipis!”

“Ahhhh. It's so ewy!”

“Oh my gee! What to do!”

“Class! Settle DOWN! Lumabas muna kayong lahat at manatili sa Corridor. Tatawagin ko ang Janitor para hanapin ang ipis kung nandito pa sa loob.”

Agad nagunahan palabas ang mga lalake kong kaklase. Dahil panigurado mga masasaya 'yon. Dahil walang klase. At ang mga babae? Ayun mga nagiinarte na akala mo dinapuan nga ng ipis.

“Ang aarte. Tss.”

Nag-apir naman kami ni Glow at nagtawanan. Dahil sa mga oras na ito, alam namin na hindi tuloy ang klase kay Sir.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My kind of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon