Love love love lang lahat! Sorry po sa typos!
---------------
ALLIAH'S POV
"Thank you po"
Ngiting ngiting sabi ng cashier sa binilhan kong Cupcakes para sa mga anak ko.lumabas nako ng shop na yon at nag intay ng taxi para maka uwi na dahil alas onse na at alam kong magagalit na ang asawa ko
Trenta minuto at wala pa din taxi kaya naisipan kong maglakad baka sakaling may makasalubong akong taxi
Hindi ko na naisipan tignan ang cellphone ko dahil alam kong tinadtad na ng calls and text yon ng asawa ko
Nangingiti na lang ako kapag naiisip ko yung mukhang nyang natatae sa pag-aalala at inis hahaha
Habang naglalakad ako malapit sa isang building may ingay akong narinig at ng lingunin ko na ay may kotse ng papalapit sa akin.
Pag mulat ko ay namamanhid na ko sa sobrang sakit ng katawan ko
Inaninig ko ang kapaligiran ko at maingay ang paligid gusto kong humingi ng tulong pero diko marinig ang sarili kong boses dahil sa ingay ng kapaligiran
Ito naba katapusan ko?
Napapikit ako para magdasal
Papa GOD kung ito na po yung oras ko MARAMING SALAMAT sa pagpapahiram ng buhay nato, maraming salamat sa pagbibigay ng tulad ni david. Maraming salamat sa pagbibigay ng mga anak na makukulit kayo na pong bahala sa kanila, mahal na mahal ko po sila.
Kung ito man ang katapusan ng buhay ko, masaya akong lilisan dahil naranasan ko ng magmahal at mahalin ng sobra masaktan at maging masaya at kuntento sa kung anong binigay ng nasa taas.
Pinilit kong idilat ang mga mata ko at nakita kong hawak ng isang lalaki yung cellphone ko
Baka kausap nya asawa ko, nako lagot yan haha
Pinilit kong ngumiti kahit na nahihirapan ako
Masakit man kung lilisanin ko na tong mundong to pero hiram lang kasi natin ang buhay natin
"Mam tatagan nyo po ang loob nyo, malapit na po tayo sa ospital, papunta na din po asawa nyo doon"
Narinig kong sabi ng lalaki sa gilid koIsipin ko pa lang yung mukha nyang nasasaktan pag nakita nya yung kalagayan ko nadudurog na yung puso ko. Masasaktan sya
Pumikit na lang ako at hinayaan silang gamutin ang mga sugat ko
Nanghihina na yung katawan ko at diko maramdaman yung ulo ko
Naramdaman ko na lang na may mahigpit na humawak sa kamy ko
Pamilyar kaya pinilit kong idilat ang mga mata ko"Babe! GOD please! Lumaban ka"
Mariin nyang sambit"I.. love . you" nahihirapang sambit ko at pinilit kong bigyan sya ng isang matamis na ngiti
At pumikit nako sa sobrang pagod at sakit na nararamdaman ko.
