David's POV"My Alexandra Marie"
Nanghihina nyang sambit"Uhm.. david?" Inaantok na ang mga mata nya pero pinipigilan nya kaya naman kinuwa ko ng maingat sa kanya si Marie
"Yes babe?" Sabi ko at hinalikan sya sa noo
"Pwede ko bang isunod sa apilido mo si Marie?" nagulat ako sa sinabi nya hindi ko inaasahan to
"Damn baby, oo naman pwedeng pwede." masayang wika ko. Yun lang ata ang hinihintay nya at ipinikit na nya ang mga mata nya.
After 5 months
"David ako na jan wala ka pang tulog, anong oras kana naka uwi?"
Nagising pala namin sya ni Marie, ang lakas kasi ng bungisngis ng anak ko.
"Ako na babe matulog kana uli, mga 12 nako naka uwi ang daming ginagawa e"
Tinignan nya ako ng masama, sabay kapit nya sa bewang ko at ginaya nya ako pababa at dumiretsyo kami sa kusina, kala ko naman papalayasin ako! Tsk.
"Kumain kana, mamaya magkasakit ka nyan, tas maglinis kana ng katawan mo, dun kana matulog sa kwarto namin iiyak yang si Marie pag wala ka sa tabi nya"
"Ay ang sweet naman ni babe" tatawa tawang sabi ko habang nag hahain sya sa lamesa pero ang sama padin ng tingin nya kaya naman nilapitan ko na
"Babe may problema ba tayo?"
Kinakabahan talaga ko pag gantong nagagalit na sya feeling ko hihinto na paghinga ko"Tss.." yan lang ang nasabi nya sabay kuwa nya kay Marie na bumubungisngis
"Kumain kana jan" sabay akyat nila sa kwarto nila
Nako naman, wala naman akong ginagawa eh, si alliyah naman laging galit o kaya nagtatampo, wala naman akong ginawang masama nagtrabaho lang naman ako buong araw, Tapos sasabihin nya kumain ako dito ni hindi man lang ako sinaluhan pano ko gaganahan nito? Tss.
Uminom lang ako ng isang can beer at naligo pagkatapos ay umakyat din ako sa kwarto nila tulad ng sabi nya ay dito daw ako matulog. Masunurin ako e Haha! Joke lang kinakabahan ako. Pagbukas ko ng pinto ay parehas ng naka higa ang mag ina kaya dumiretsyo na din ako sa kama, tulog na ang prinsesa ko habang tinititigan pala sya ng Reyna ko. Ang ganda lang pagmasdan, tumabi nako sa kanila
Nakita ko naman ang mataray na mukha ng asawa ko narinig ko pa ang pag "tss" nya
"Alliyah ano bang problema?"
"Ewan ko sayo" Naiinis nako! Lagi na lang ganto! Pero dahil mahal ko sya
"Pwede ba yun? Ano nga? Eto namang si babe init lagi ulo" pang iinis ko sa kanya
"Tigilan moko david ah! Hindi nako natutuwa sa ginagawa mo!" Pagalit pero mahina nya lang sabi
Nagtaka naman ako
"Ano bang ginawa ko? Gumising,Naligo,Kumain,Kiss sayo tas kay baby,tas punta sa trabaho,trabaho hanggang gabi, drive pauwi, nilaro si baby, uminom ng can beer, naligo, tas kinakausap ka"
"Ano?! Hindi ka kumain!? Nakaka inis ka talaga! Uminom kapa talaga!" nanggigigil na sabi nya
At dahil medyo napalakas ang pagsasalita nya nagising si baby Marie umupo muna sya tas kinarga si Marie
"E pano ko kakain nilayasan nyoko, nawalan ako ng gana kaya ayun, sorry na" ang hirap naman neto
"Bwisit ka david! Pag ikaw nagkasakit ah! Hahayan kita dyan bahala ka sa buhay mo!" Pagalit padin nyang.
