Epilogue

5 0 0
                                    

"Dad! Malalate nanaman po kame e, Masakit mawalan, pero hindi naman siguro yon dahilan para pahirapan ang ating kalooban at ikulong ang ating sarili sa nakaraan tama nanyang pagtitig kay mommy, mahal ka non"
Nangingising sabi ni marie

"Okay sige na aalis na tayo, pero kumain muna kayo"
Sabi ko habang pababa na sya ng hagdan

Muli kong sinulyapan ang litrato ng aking pinaka mamahal.

Ilang taon na din alliah simula ng lisanin mo tong mundo na to, tanggap ko na pero diko talaga mapigilang hindi mangulila sayo, mahal na mahal pa din kita. Gusto ko man na makapiling ka pero hindi ko maisip kung paano, tsaka alam kong magagalit ka kase walang maiiwan sa mga bata, kaya nga sakanila ko na lang binuhos yung lahat ng atensyon ko, alam kong masaya ka jan at nakangiting nakabantay samin. Mahal na mahal talaga kita Alliah! I miss you babe! I love you alliah.

Hindi ko pa din makalimutan yung araw na yon na halos gumuho ang mundo ko.

Tumawag ka, pero lalaki sumagot, puta! Kala kung sino nurse pala, tas puta nga! Naaksidente ka raw, hindi sana ko maniniwala kung hindi ko lang narineg yung sirena ng ambulansya eh.

Syempre babe pumunta agad ako, binilin ko na lang sa mga katulong yung mga bata, tapos babe pagpunta ko sa ospital, hinanap kita syempre, dahil ikaw lang naman maganda don nakita ko na dnadala ka nila sa may emergency room, nung una babe hindi ko kayang pumasok sa nakita ko, yung magandang mukha mo napuno ng dugo, yung damit mong mabango puro dugo din, nanlambot yung tuhod ko babe at hiniling ko na sana joke lang to, pero narinig kita, yung boses mong walang kasing lambing.

Alam kong nahihirapan kana kaya hindi nga panaginip to, hinawakan pa lang kita sa kamay gusto ko ng ako na lang yung nasa kalagayan mo, alam kong nasasaktan ka pero dimo pinakita, jan ka magaling babe e, gusto mong ikaw na lang mahirapan kesa kame.

Pinilit mong ngumiti  ng matamis babe kahit alam kong nahihiraaan kana talaga at nadudurog yung puso ko, ngumiti ka kaya di ako nawalan ng pag asa.

Pero ilang segundo lang babe! King ina babe, di kita minumura babe ah! Pero kase eh! Huling ngiti mo na pala yon,

Nabibingi ako sa nangyayari pero yung tuwid na linya sa monitor na kung ano man yun at pag pulso sayo ng doktor, di ko malimutan yun oras na sinabi

"Time of death  1:11 a.m"

Nababaliw ako nung mga oras na yon babe! Pano ko? Pano mga anak natin? Yung mga kapatid mo babe? Sino  mag papaligo ke bunso? Yung baon nila pano aayusin? PAANO KO SASABIHIN SA MGA ANAK NATIN?

Ginigising kita babe pero ayaw mo, alam kong masakit yung mga sugat mo, at nahihirapan ka.

Pero hindi ko talaga maisip na bakit ikaw babe? King ina! Bakit ikaw pa babe?!

Ilang minuto pa kitang yakap yakap lang, pero kinuwa ka nila at dadalin daw sa morgue.

Tang ina! Ayaw talaga kitang ibigay ng mga oras na yon, ang hirap kasing tanggapin babe! Tangina! Ikaw na yon! Si alliah ko yon! Yung mahal ko yon! Tangina!

Pero kalaunan binigay ko na din yung katawan mo, naisip ko lang pagod kana nga pala, magalit kapa  sakin

Binantayan ko yung mga pinag gagawa nila sa loob, at Tanginang luha ko! Ayaw tumigil!

Habang inaayusan ka nila naisipan ko mung ipaalam sa mga kapatid mo, at ang hirap lang ipaalam sa kanila na wala kana, napasugod agad sila sayo, tanging iyak ang maririnig mo

Umuwi ako para sana ipaalam sa mga bata kaso pag dating ko nmn tinignan ko lang silang natutulog, bumaba ako sa sala at hinintay magising ang mga bata, ang mag isip na rin kung pano sasabihin sa mga bata.

Dumating ang umaga babe! At makitang masayang pagbaba nila mula sa hagdan na wala ka ay isang masakit na sitwasyon

"Daddddddyyyy"
"Good morning!"
"Dyyyy si Mommy po".
"May pasalubong ako panigurado!"

Sabay sabay na sabi nila na may ngiti sa mga labi nila, yung matatamis yung ngiti nila diko gusto masira yon kaya bahala na.

"Baby's ligo na kayo tas kain na din kayo aalis tayo"  naka ngiting sabi ko pero yung traydor kong luha kusang tumulo

"San naman po dy? Tsaka si mommy asan?" Ani ni marie

"Hala bat ka naiyak dy" nag aalalng sabi ni adrian sabay yakap nila

Masakit babe. Hindi ko masabi sa kanila. Hindi ko kaya. kaya dinala ko na lang sila kung nasan ka

Pagdating namin, alam kong alam na nila, dahil sa katalinuhan nilako kinaya yung sumunod na nangyari babe nakatingin lang ako sa kanila habang nagiiyakan na sila don sa sarap ng ataul mo, yakap yakap nila at pilit na ginigising ka,

At sakit sakit na wala akong magawa kung hindi ang umiyak at pagaanin ang loob ng mga anak natin.

Nung una babe ang sakit at diko pa talaga matanggap. Pero ng tumagal naisip ko, baka tapos na ang misyon mo sa mundong to, at yung ay turuan akong bigyan halaga at ituwid ang buhay ko, at bigyan ng makukulit na anak, tumulong sa mga kapatid, at bigyan ng saysay ang buhay ng iba.

Hindi ko akalain babe! Na pag aalus ka pala minsan ay pumupunta ka sa isang lugar kung saan yung mga tao doon ay tinulungan mong gumanda ang buhay.

Nagulat ako non ng malaman ko, hindi ka nakakalimot tumingin sa pinanggalingan mo babe, iba ka talaga, at sobrang proud ako na ikaw ang asawa ko!

Mahal na mahal kita babeeeee!
I love youuuuu! Kiss mo ko ah!
Hehehe love you babe!

"Daddy uy! Wag mong ikiss yang picture ni mommy!" Natatawang sabi ni adrian

"Namiss ko lang si mommy nyo to naman! Bawala naba ikiss?!"

"Tara na po kase late na kame e, mamaya na yan, maiintindihan ka ni mommy"

"Oo na tara na"

Bumaba kame para maka pasok na sa school yung mga bata.

Tinignan ko yun kabuuan ng bahay, wala ka man don babe, still buhay na buhay pa din yung presensya mo.

Mahal na mahal kita babe!

Masakit man na nawalaka, pero hindi naman siguro yon dahilan para pahirapan ang ating kalooban at ikulong ang ating sarili sa nakaraan

Alam kong masaya ka jan, at masaya na rin ako sa piling ng tatlong supling natin. Mahal na mahal kita alliah ko.

 ALANGANINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon