SHORTSTORY15

5 0 0
                                    

"Kara ka ba o Krus?" tanong ni Chito sa matandang lalaking nakatayo sa ilalim ng puno ng talisay.

Bahagya pa siyang nainis sa tagal nitong sumagot. Gusto na kasi niyang ihagis ang barya at likumin ang pusta ng iba pa. Nais niyang mabawi ang perang natalo sa kanya.

"Kara,panghuling taya ko na 'to dahil uuwi na ako."

Kinuha niya ang pusta nitong limang-daang piso.

"Anong oras ka ba pinapauwi ng misis mo?"

"Alas-singko."

Sinulyapan niya ang kaniyang bisig kung saan nakakabit ang humintong orasan at napangisi.

" Huwag ka munang umayaw. Alas-kwatro pa lang. May isang oras ka pa."

SHORT STORIES/ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon