short story 32

3 0 0
                                    

Excited ako para sa araw na ito. Sa wakas! Makalipas ang dalawampung taon, makikita na ulit kita. May pagmamadali ang bawat hakbang ko habang ako'y papalapit sa iyong kinaroroonan. Nang ako'y makarating sa iyong harap, ngumiti ako. Pa-simple ko ring pinunasan ang luhang umalpas mula sa aking mata. Aking inilabas ang dala ko para sa'yo.

"Papa, kumusta?" wika ko habang sinisindihan ang kandila.

SHORT STORIES/ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon