Short Story 31

11 0 0
                                    

"Mama, may program next week. Sasayaw kami. Manood ka, ha?"

Punong-puno nang pag-asam ang mukha ng aking anak. Kararating lang niya mula sa eskwelahan at iyon kaagad ang kanyang ibinungad sa akin pagpasok niya sa bahay.

Kumirot ang aking dibdib nang maalala ko ang tawag na aking natanggap trenta minutos lamang ang nakararaan. Kung pwede ko lang siyang panoorin. Kung napaaga lang sana ang program nila.

Matagal ko nang inaasam na makitang mag-perform ang anak ko kapag may program ngunit tila hindi iyon ipahihintulot ng tadhana.

Malungkot akong ngumiti sa kanya. " Pasensiya ka na, anak, kung hindi na naman ako makapanonood. Limang araw na lang kasi ay aalis na naman ako."

#SobrangShortStory
#WalangTwistYan

SHORT STORIES/ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon