Chapter 18
Sorry natagalan! Happy Teachers Day :))
-----------------------------------------------------------
Kath’s POV
“Uy! Sorry na. Joke lang naman yun eh. Promise, di na kita aasarin.” DJ.
T-t-teka?! Si DJ ba to? Nagsorry siya tapos halata sa mukha niyang seryoso siya sa pagkasabe niya yun.
Aishhh. ERASE the word “SERYOSO”.
Asa namang magseryoso to. Eh gago kaya to! Tsk. Ayan na naman siya sa promise niya na di na niya ako aasarin, tapos mamaya lang aarangkada na naman yang pagkapilyo niya sa pang aasar - _____-
“Sorry your face!” Ako.
“Kath! Sorry na nga eh. Wag ka ng umiyak.” DJ.
Ha? Umiyak?
What the?!!!!!! O____O
“Hindi ako umiyak noh. Napuwing lang ako.” Pagdadahilan ko.
Eh bat nga ba ako umiyak? Ano ba yan Kath, para kang tanga. Si Daniel John Ford Estrada Padilla lang yan, di ka pa nasanay sa kanya.
“Hindi daw. Sinungaling ka talaga.” DJ.
“Aba! Ang kapal mo talaga. Akala mo ba bati na tayo? Akala mo kasi nakakatuwa na yang mga biro mo eh. DJ, use your mind kahit isang araw lang. Oo, minsan natatawa pa ko sa mga pang aasar mo sakin, pero kasi parang sumosobra ka na. Hindi ko alam kung trip mo ba talaga ako o sadyang nagpapapansin ka lang. Hindi ako nagagalit dahil sinabihan mo kong panget ako, nagagalit ako kasi kahit minsan hindi mo ko sineseryoso. Babae ako Daniel, sensitive at nasasaktan din! Kaya kahit minsan lang bago ka magbitiw ng salita, pag isipan mo muna kung hindi makakasakit ng tao.”
BINABASA MO ANG
Love Can't Lie (KathNiel)
FanficMeet Kathryn Bernardo hindi nya inaasahang mapapadpad siya sa school kung saan una niyang makikilala ang kanyang FIRST LOVE :)))