5.HELP ME...

12.7K 288 7
                                    

"A-are you sure?" Para siyang mabibilaukan. Pero napalunok na rin. Bigla niyang binitiwan ang hawak hawak na travelling bag at walang pakundangang tinabig ang lalake. Hiniklat ang nakabukas na dahon ng pinto at halos muntik na niyang ibalibag pasara kung di pa niya naalala kaagad na puwede siyang makakuha ng atensyon kapag ginawa niya iyon.

Kagyat niyang ini-lock at halos hingalin sa kaba na napasandal siya roon. She closed her eyes,willing herself to calm down sa gitna ng panic na umaatake na sa kanya.

"Relax. He doesnt know you are here...with me,that's it." Obvious ang agarang pagdugtong na iyon ni Stanley even to him. But what the hell... "I just overheard down the corridor that a guy was looking for her missing girlfriend named Selma Paguirigan."

Gulat pang napamulat si Selma and glared at the man's retreating back. Napakagat-labi siya. Gustuhin man niyang huwag pansinin ang bawat galaw ng mamasel na kalamnan ng lalake sa pagkikislutan sa likod nito,hindi rin niya magawa. She was too aware of him. That body...it gave her so much to think about. That is,before she came to know this nightmare face to face.

Naglakad ang lalake pahantong sa kama at pahinamad na umupo. He gave her a cocky grin bago hinigit ang dalawang unan at pinagpatong. Doon ito sumandal at walang alinlangang pumikit matapos ikuros ang dalawang braso sa likod ng ulo.

Selma held her breath. Amidst her predicament,naglimayon ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lalake. He was clean shaven. Saka tila may nag-click sa utak niya. And my God,she just discovered now that the man was almost identical to Captain America minus the blue eyes and skin tones! Iyon ay noong sinaksakan ng pampalaki ng katawan and he came out from inside the machine with all those muscles and sinews abound. And he was a good kisser. A master lover with a big dick to match.

Chris Evans.

Muntik na siyang mapaungol. She was annoyed. Hindi dapat na mga iyon ang iniisip niya. She was in trouble. Big trouble.

Napasulyap siya sa salaming nakatayo malapit sa bukana ng pintuan. Her reflection told her she look awful. Para siyang dinaanan ng ipu-ipo dahil nakalimutan niya palang magsuklay. But given her predicament,hindi na rin iyon nakapagtataka. Pero sakali at haharapin na niya ngayon ang nobyo niya,ano ang sasabihin niya kung bakit ganoon ang hitsura niya? Would she dare told him that she fuck with a man she didn't know because she thought it was him?

Uhuh. She can't. Knowing how he could heatedly react, baka pati siya masapak nito nang wala sa oras. Huminga siya nang malalim,trying to compose herself.

"L-look. This may sound some kind of gobbledegook but I think I need your help."

Did he heard her right? Unti-unti ang ginawang pagdilat ni Stanley. The woman looked so lost and forlorn. But the glint in her eyes told him another story. Minsan pa,ramdam niya ang kagustuhang yakapin ito at ipayapa ang damdamin nito. But he checked himself immediately.

"All right. Fire away." His voice came out husky more than he intended.

Para tuloy hindi mapakali ang babae na lumayo-dumikit sa likod ng pinto. But when she finally made up her mind,she determinedly walk where her travelling bag was at binuhat iyon. Her lips in thin line. The set in her jaw was too rigid,giving the impression that she tried her best to fight back against a bigger opponent.

"Check out where Zander was actually staying. His room,that is. At ako na ang bahalang pupuslit."

He chuckled. Pero para ring may kung anong pagtutol na biglang nagkabuhay sa dibdib niya nang di sinasadya kung di pa niya napansin na hindi siya nakasagot kaagad.

Napailing siya. "You're sure?" Itinaas pa niya ang kilay,giving her the heavy hint.

Selma glared at the man. How dare this son of a bitch. Ang sarap katayin ang impaktong kaharap niya. Kailangan pa ba nitong ipamukha sa kanya ang pagkakamali niya ng napasok na kuwarto? Which eventually led her into this situation?

But she held her tongue.

"Just do it." May diin sa boses niya.

Tumaas na naman ang kilay nito. Parang may hinihintay.

"Please." But she rolled her eyes.

Napangisi lang ito. Saka siya nilampasan matapos tapunan ng isang sulyap ang mga labi niya sukat para tila natigil ang paghinga niya sandali.

Lumapit sa built-in cabinet sa dakong kaliwa ng silid. Binuksan iyon at tila wala siya roon na naghanap ng maisusuot. Ganun din ang aktuwasyon nito nang basta na lang inalis ang tuwalyang nakapulupot sa baywang nito.

Selma gasped. Nag-iinit kaagad ang mukha na nilaktawan ng tingin ang lalake. But the man was obviously intent on making her uncomfortable and embarrass. Or whatever he wanted her to feel. Para tuloy slow motion ang bawat galaw.

Napabuntong hininga siya nang marahas bago tinignan nang masama ang lalake.

"I'm not invisible you know. Maybe dapat nagbaon ka ng dictionary at nang makita mo din kung ano ang tinatawag na modesty. Di ka pa naliligo niyan."

Amused ang tingin ni Stanley na binalingan ang babae. "Tumalikod ka na lang kaya kung ayaw mong makita ang katawang ito? Ang alam ko,wala na naman akong maitatago pa sa'yo...and speaking of taking a bath..." Sadya niyang ibinitin iyon to let her fill in the blanks. And looked at her pointedly with blatant hunger and heat in his eyes.

Selma blushed. Dama niya ang paggapang nun mula tainga hanggang pisngi. And there was that delicious tingle na ewan niya kung bakit umeksena gayong pilit agad na iwinaksi sa isip ang nais nitong ipakahulugan.

-------❤❤❤-------
Next time ulit,ha?kahit iilan lang ang nagbabasa,okey lang. I just needed your vote,though. Puwede niyo din po siya ishare pero bindi niyo po pwedeng akuin na kayo ang nagsulat.salamat po...

Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon