AUTHOR'S NOTE

4.4K 66 19
                                    

Gusto ko pong malaman nyo na hindi ko pa talaga tapos na sulatin ito. Pero naka-outline na yong mga susunod pang mga huling kabanata. Mga 8K na lang siguro at nasa ending na. That's 5-6 chapters na lang. Gusto ko'ng magpasalamat na kahit ganito ako kabagal mag-update,nandiyan pa rin kayo at naghihintay pa rin. Sana maunawaan niyo na may buhay din po akong kailangang harapin. Sinisingit ko na lang ang magsulat. Pero sure na di ko naman po tatalikuran ito. May susunod pa rito basta matapos. Pero usad-pagong syempre. Kasi may series ako na gusto ko din matapos na rin. 7 books din yon. Kaya gumagapang na lang ako kapag may tsansa. Idagdag pa ang isang collab series po namin ng ibang co-writers for PHR😄😄

Aaminin ko na isa din siguro sa mga dahilan kung bakit medyo matumal ako gumawa ngayon ay dahil sa parang pagkawala ng drive ko'ng magsulat. Medyo nadala ako dun sa nangyari sa 1st published book ko. It was released in 2015. That's 2 years pero wala nang sumunod hanggang ngayon. May approved pa naman ako. So far,wala ako balita kung ano na ang nangyari. Pero sabi,ipa-publish din naman pero wala yon nga,nganga hanggang ngayon. Samantalang yong mga nahuli pa sa akin,naka-dalawa hanggang lima na yata. Di ko din naman alam kung ilang volume yong lumabas. Out of stock daw. Siguro nga. Di ko din alam kung bumenta ba o ano. Pero marami pang naghahanap hanggang ngayon. Sad to say, wala nang mahanap na kopya.

At gagamitin ko na ang page na ito na sana kahit wala pa akong bagong release lalo na sa PHR,puwede po bang pakiabangan nyo sakali at may ilalabas din? Dagdagan niyo na ang lakas ng loob ko. Aandap-andap kasi. Sana itong kaydaming reads,ma-translate sa pagtangkilik niyo.

By the way po,may mga nais makaalam kung paano ko ito nagawa...hmmm,its just a fiction. Pero yes,di ko ito magawa kung di ko pinagana ang imahinasyon ko at saka,oo na,nanood din po. Di maiwasan yon kapag ganito ang tema.hahaha...

So there,wala na po aking masabi kundi marami pong salamat nang bonggang-bongga. Isa-submit ko ito and let's hope na makapasa☺☺☺

Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon