Sabado ngayon. Si papa mukhang busy. Nag hahanap na naman ng bagong kotse. Ewan ko kung sino gagamit ng bago.
"Oh pa. Bibili ulit ng kotse?" Tanong ko kay Papa. Kasi tumitingin sya sa Internet kung magkano at pumipili.
"Oo para may service kayo pag pasok nyo" nagulat ako T_T
"Eh pa sino naman ang mag dadrive?" Tanong ko kay papa.
"Mag hihire tayo para may driver na kayo" deeeeym. Pwede naman mag commute nalang e
"Ah ok" nakayuko kong sabi kay papa.
***
Pagsapit ng Monday
Di ako nakapasok kasi sa ang sakit ng ulo ko. Di ko kayang pumasok . Tanghali na ko nagising. Kaya pag baba ko. May nasilip akong kulay Red na kotse
"Ma kanino yan?" Tanong ko kay mama na nag loloptop habang bukas ang t.v. walang naman kaming bisita
"Ayan na yung bagong kotse. Yan yung gagamitin mo pag pasok" napatulala ako
"Nga pala nak. Natanggap na ko sa trabaho ko. Sa Office" whaaat? Mag tatrabaho ulit si mama . Eh sino na kasama namin ni kuya pag wala sila?
Oo malaki na kami pero di kami sanay na walang mas matanda na kasama dito sa bahay
"Nag hire na ko ng katulong dito. Sa friday pa sya pupunta dito. Mabait naman sya" ayos ah mukhang nabigyan kami ng malaking blessing ni Lord
"Girl pasabi kay Ms. Kaya di ako nakapasok kasi masakit ulo ko" text ko kay Anne para sabihin sa adviser namin kung bat di ako nakapasok.
"Ok sige. Get well" di ko na nireplyan si Anne. Baka mamaya nag kaklase na sila
Mga bandang hapon. Umuwi na si Papa. Nagmano ako
"Pa, sino po sya?" Tanong ko kay papa na may lalaking kasama
"Si Danny. Sya yung magiging Driver mo" whaaat? Agad agad?
"Hi po" bati ko don kay Kuya Danny
"Starting tomorrow. Sya na mag hahatid sundo sayo" ay grabehan oh!
Napatango nalang ako sa harap ni Papa.
***
Kinabukasan. Papasok na ko. Di na masakit ulo ko. Pagka baba ko. Naka uniform na ko. At sinilip ko yung bintana. Nakatayo at nag hihintay na si kuya Danny. Yung luma gagamitin. Mas mabuti. Kay Papa yung Bago. Tapos si kuya Motor sa kanya.
"Oh ma bakit di mo pinapasok at pina upo si kuya Danny?" Tanong ko kay Mama
"Ayaw na. Ok lang daw sa kanya" nahihiya pa ata to si kuya e.
Pagkalabas ko agad ako binati ni kuya Danny
"Good morning ma'am" natatawa na ko pero pinipilit ko. Kaya nginitian ko nalang sya. At binuksan na nya yung pinto sa Passenger seat. Kung maka 'ma'am' di naman ako yung mismo amo nya.
Pumasok na ko sa loob "Ay kuya. Wag mo na po ako tawaging Ma'am. Di naman po ako mismo yung amo mo e." Sabi ko sa kanya. Di kasi sanay na tawaging ganyan e. Napatango at ngumiti nalang sya.
BINABASA MO ANG
I Want Him Back
Teen FictionAng story na 'to ay, may isang girl na mahal nya yung boy at si boy mahal nya din . Pero sinayang ni boy yung pagmamahal ni girl sa kanya. Then hinahabol at nagsisisi si boy. May Second Chance pa ba?