Part 1

24 0 0
                                    

Halik sa hangin BY :GIRLNAMED DENISE

Hello guys sana magustuhan nyo yung second story ko...😀😀😀






Isa akong matahimik na tao mapag isa at yung tipo ng estudyante na ang mga kaibigan ko ay Libro, Papel, at Lapis lang wala masyadong kilala at ..Laging Rank one sa classroom..Laging nahuhuli sa library dahil sa pag- aaral ng mabuti.

Pero nabago ang lahat sa buhay ko ng makilala kita isang napaka kakaibang pagbabago.

Nasa ikaapat na ako ng lebel ng pag-aaral at malapit na para tumuntung sa college... ang palagi kong tambayan sa school sa halos apat na taon ay ang Library..ang isang kwarto na nagbibigay sakin ng kasiyahan na kahit sa ibay nagbibigay lamang ng kabagutan dahil sa kwartong ito nakukuha ko ang ibat-ibang klasi ng  parangal sa akademik..na nagdadala naman ng lubos na kasiyahan sa aking buong pamilya...

Sa halos apat na taon ko sa paaraang pinag aaralan ko..ay bigla kitang napansin..na datiy di naman kita nakikita o nakakasalubong manlang..
Diko alam pero sa tuwing nkikita kita parang nag iiba ang pakiramdam ko..
Nakikita kita tuwing alas 3 ng hapon sa kabilang classroom malapit saming silid aralan ang ganda ng ngiti at mapupungay mong mga mata, minsan naman nakikita kitang pumipitas ng bulaklak o di kayay naka upo malapit sa gym nakatingin sa ibang kabataan na naglalaro naka unipormi ka din at halos kasing edad lang kita...

Sa hindi ko alam na dahilan parang may nag uudyok o tumutulak sakin na ikay kausapin.. yun bang maging kaibigan...parang panatag ang loob ko sayo ..kayat gustong gusto kitang kausapin at makilala.

Gustong Gusto kitang lapitan upang makipag kilala o di kayay makipag kaiban, Ngunit sa tuwing lalapit ako nagkaka wrong timing. Lagi akong tinatawag, May ginagawa o di kayay uutusan ng guro..bat kaya ganun parang ayaw ata ng tadhana na makilala kita..

Nakisabay ako sa daloy ng panahon, nakikita lang kita araw - araw di kita malapitan dahil nga sa daming nangyayari kapag gusto kitang lapitan o kausapin nagtataka nga din ako eh pero, sabi ko sa sarili ko okay lang yan baka ganun lang talaga. Makikilala din kita sa tamang oras at panahon..

Isang araw nakita kitang naglalakad sa Garden ng paaralan habang ako naka upo sa bleachers sabi ko kakausapin kita kaya lang ayun nanaman di naman kita malalapitan kasi nga tinawag ako ng adviser namin may iiutus nanaman ata hay nako ,sabi ko ano bayan parang ayaw talaga ata ng tadhana na makilala kita pero umaasa parin akong makikilala kita at makakausap.

Hindi ko alam sa sarili kng bakit gusto kitang maka usap at makilala, yung tipng gusto kung maging malapit tayo sa isat isa..di naman akong ganitong tao pero ewan ko ba kung bat ako nagkakaganito..siguro kasi wala manlang din akong kaibigan ni kahit isa ..baka gusto lang ng katawan ko na mag karoon ako ng kaibigan na makaka usap ko at makabahagiaan ng mga problema.

Halik sa HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon