"taga hawaii ka ba? kasi haw-aii wish na akin ka"
elementary. grade 2.
Ano nga ba talaga basehan para malaman na nag start na ang feelings mo para sa isang tao?
ano nga ba talaga ang basehan para masabi mong.. wow. ang ganda niya
ano nga ba talaga ang basehan para maramdaman yung tipong... she's the one!I was minding my usual business, unang araw ng pasukan ng time na yun after all. Ano nga ba paki ko sa mga classmates ko? Wala naman masyado. Hindi naman kasi ako kasing outgoing as most of them. I've always been the type who would rather stay at home and play or read books. Basta mag mula bata ako, taong bahay na talaga ako.
Sa school naman, sure I know a few people here and there but not much of those who I can say na tipong, bestfriends ko na talaga. Tahimik din kasi ako at umiiwas makipag socialize, maybe because even as a kid mas priority ko na din ang mag aral. Panggulo lang magkaroon ng madaming kalaro.
Nasa may swings ako nun at pinapanuod lang mga classmates ko nung recess ng mahagilap ng paningin ko ang isang batang babae. She's new that's for sure. Hard to approach ang aura niya kung titignan pano ba naman hindi kasi ngumingiti at andun lang tahimik din na kumakain ng cookies niya. Iniisip ko kung lalapitan ko ba siya pero para san pa? Hindi ko din naman alam ano sasabihin ko eh.
Di nag tagal may dalawang batang lalaking lumapit sakanya. Namumukaan ko sila, one of them naging classmate ko since preschool pero di ko din siya masyadong nakakausap kahit dati. Ang alam ko pangalan nung isa ay Malcolm at yung isa naman ay Nico? Or Third.. Something like that, napansin ko na nabawasan ang pagsimangot nung batang babae at napalitan ng ngiti.
I felt as if my heart skipped a beat that time. Ang ganda niya pag nakangiti at mukang kakilala nga niya yung dalawa kasi maya maya kasabay na nilang nag lalaro eto at panay ang tawanan nila.
From that time on, wala na akong ibang nakita kundi siya.
elementary. grade 6.
Eversince she transferred to our school para bang wala na akong ibang napansin na babae kundi siya. Compared to others, she's quite noisy, nosy even. kaibigan ng lahat sa tingin ko nga mas madami pa siyang naging friends compared sakin na magmula preschool kaklase na majority ng students sa paaralan na to.
pero sometime ng second quarter biglang may nagiba. She started being quiet, smiled less, minsan tulala sa klase. Nakakapag alala naman talaga na someone as bubbly as her biglang mag kakaganun.
highschool. freshman year.
Hindi ko alam pero hindi lang ako ang nakapansin. Ang laki na ng pinag bago niya at nag start lahat yun nung grade six kami. After sixth grade lalo siyang tumahimik, smiled and talked less everyday. Bilang na bilang na lang din ang mga taong kinakausap niya, at ako naman? ayun ganun parin, laging sa malayo lang nakatingin.
Madalas ko naiisp ng panahon na to. Pagibig na kaya? sayang di pareho ang nadarama yun na sana ang simula. Bat ba kasi saksakan ng torpe... Torpe nga ba? Kasi kung oo, ako na hari ng lahat ng torpe pati ba naman kasi simpleng pag bati di ko magawa. Titignan ko siya tas pag mapapatingin siya pabalik sakin, sympre nerbyos mararamdaman ng lolo niyo. Ayun, tingin sa iba okaya kunwari may ibang ginagawa. Minsan umiirap din kuno kaso napagtataasan lang ako ng kilay at mas lalo akong nawawalan ng pagasa makapasok sa munting mundo niya.
highschool. senior year. present time.
Kung akala niyo matinik na sa chix ang mga lalaki ng AldeVore Academy pwes nag kakamali kayo. Dahil ang babaeng matagal ko ng pinapangarap na makausap man lang... ayun... mas matinik pa sa mahigit sa kalahati ng populasyon ng kalalakihan ng eskwelahan namin.
But the thing is, she still puts on make up (natural lang tignan), babae parin naman siya manamit, kahit buhok nga niya never siyang umabot sa point ng boycut pero may times na kakaiba trip niya at pumapasok ng iba't iba kulay ng buhok. One time she dyed her hair fiery red then let it fade to a bright orange tas recently dip dye ng pink before she had it cut off and now, blue. I guess kung normal school to malamang hindi uubra yun but sabi nga this is AldeVore Academy school of the Elite and sadyang they try to promote self expression so hair colors don't bother us much but to an extent, kahit tattoos although kelangan 18 and above ka na para di mapatawag at pwersahing ipatanggal.
Going back, ayun nga. So much has changed pero ang pagtingin ko sakanya ganun parin.
Haaay Raven Alessandra Jean Dela Torre... Kelan mo kaya ako mapapansin?
Ano ba kelangan ko gawin para pansinin mo din?Pero sabagay sino ba ako?
Isa lang hamak na taga hanga mo.
BINABASA MO ANG
Getting the Girl
Teen FictionSabi nila "love your enemies", awayin kaya kita para mahalin mo ko? written by: enigmaticknight start date: june 13, 2016 (11:32PM) end date: all ideas are based off of my imagination and inspired by songs so anything that may seem or feel familiar...