"kung hindi mutual ang feelings natin,pwes gagawin kong mutual. ayaw ko din sayo!"
Sebastian Terence Aliaga
Hindi ko alam pero tuwing nakikita ko siyang dadaan sa harap ko napapatalikod na lang ako okaya napapaangat ng librong binabasa ko sabay ngiti. Hindi naman ganun karami friends ko pero hindi rin naman kasi ako yung tipong friendly talaga. I'm quite awkward and find it hard to socialize but if you talk to me, I'm quite nice unless bastos yung way ng pakikipag usap mo then for sure bastos at balbal din akong sasagot sayo and I guess that's how I got a little bit of the 'cold' and bad boy reputation. Pano ba naman, kundi mga babaeng tinatapon ang sarili saiyo, mga lalaki naman na ang yayabang kung makapagsalita kala mo kagwapuhan kala mo ang tatalino ni umabot nga sa top 100 di nila magawa susko po.
Ako nga pala si Sebastian Terence Alfonso Aliaga. Seb or Basty for short, minsan Beans/Bean depende sa trip mo. I don't really mind whatever nickname people give me as long as it's not degrading or anything of the sort. Bunso sa tatlong magkakaptid at ineexpect na susunod sa yapak ng panganay namin na mag mamanage ng company. It's not a problem though since we own a Record Label and I really love music kaya hindi rin problema ng mga magulang ko ang ipilit ang pagpasok ko sa business namin. Gusto ko naman din kasi kahit dati pa.
"Uy Seb. I've been looking all over for you" Bati nung isa kong kaibigan, same age as I am and in the same class. We've been friends for a few years now. Almost three years I guess.
Nagkakilala kami sa isang invite only party sponsored by one of my dad's friends. Wala yung mga kapatid ko, yung isa busy sa college graduating na kasi tas yung isa naman nasa Japan doing god knows what. Nag layas kasi dati, under the influence of his oh-so-beloved-girlfriend na bad news naman talaga. Unang tingin mo pa lang naman kasi sa babaeng yun feeling mo talagang hindi na maganda vibes makukuha mo sakanya.
Well anyway, ayun nga. Sort of a boring party since majority naman dun eh di ko kakilala at around my parents' age. I was standing near the buffet nung lapitan niya ako dahil so far kami lang ata ang halos magkaedad dun at ayun, nalaman naming we go to the same school pero hindi ko siya masyado nakakasama sa campus dahil isa siya sa mga 'sikat' at ayaw ko lang talaga ng atensyon. To be honest, pag sa harap ng di niya masyadong kakilala he looks cold and doesn't smile as much, tangkad din niya kaya pa mysterious effect at sympre hinahabol habol ng mga babae but he doesn't really take them seriously just like most his friends from what I heard. He invites me often to hangout with them the past years pero lagi akong tumatanggi simply because kilala ang tropa niya bilang mga 'bad boys' at ayaw ko mapasama dun. Never ko din naman tinanong kung sino sino mga andun at madalang ko siya makita kasama sila during school hours kahit nga pag break eh.
"Hey Blue" I said putting my books away. Tapos na yung class namin for today, medyo early dismissal since wala yung homeroom teacher namin naka maternity leave ata. Blue is seventy five percent chinese kaya naman ang puti at singkit, obvious na obvious sa muka niya na instik siya hindi lang dahil sa last name niya. "What's up?" I asked casually. Hinila niya yung katabing upuan at napangiti ng malapad na halos mawala na yung mga mata niya.
"Nothing really" He answered back at prenteng prenteng nakaupong nakasandal. "Alam mo na ba?" Napatingin ako sakanya habang sinasara yung backpack ko.
"Ang alin?" Tanong ko dahil wala talaga akong kaalam alam sa sinasabi niya.
"Your Dad is now an official member of our father's exclusive friendship club shit-whatever" Napakunot lang ako ng noo. Pinagsasabi nito? "He agreed to be finally join our advertising firm, kayo baga from now on and officially incharge sa mga jingles and whatsoever" Ah... yun lang pala. "So that means, you can't say no now when I invite you to hangout with us. Dahil mga anak ng firm na yun ay friends din. Matatagal na kami mag kakakilala actually pero I've been inviting you, ikaw lang naman umaayaw"
Nako patay. Mukang mapipilitan akong makisabay sakanila. Taena naman, di pa man din ako magaling sa peer pressure.
Tatanggi na sana ako nang biglang may tumawag galing sa pinto.
"Hoy Asul" Tawag nito at humarap naman si Blue. Nakatitig lang ako sakanya ng di ko namamalayan ng bigla na lang niya ako sinimangutan at out of reflex ay sinamaan ko siya ng tingin at napairap din siya pabalik. "Problema mo?" sabay sabi sakin.
nak ng. kung minamalas ka nga naman, yung crush mo ng ilang taon bad first impression agad. Haaaaaaay ano ba yan Seb. tanga tanga mo talaga minsan.
----
si Basty bes. ang pogi ni Basty bes. bes. bias ko yan bes. si One yan bes.
BINABASA MO ANG
Getting the Girl
Teen FictionSabi nila "love your enemies", awayin kaya kita para mahalin mo ko? written by: enigmaticknight start date: june 13, 2016 (11:32PM) end date: all ideas are based off of my imagination and inspired by songs so anything that may seem or feel familiar...