baby steps

8 0 0
                                    


"minsan kasi hindi mo naman mapipili kung kanino ka mahuhulog"

Sebastian Terence Aliaga

Natawa na lang si Blue ng biglang nag walkout si Raj ng nakasimangot, ako naman napa untog na lang ng ulo sa lamesa ko. "Teka meron ata ngayon at iritable, sundan ko lang" Wika ni Blue at tumayo na siya para sundan si Raj.

Sa pag kakaalam ko hindi masyadong nangangausap si Raj ng mga bago at ang dinidikitan lang niya ay mga kaibigan niya mag mula bata siya at ngayon ko lang narealize na tatlong taon din pala sinayang ko edi sana friends na kami ngayon kung umoo lang ako at sumama kay Blue kahit minsan.

Kasi naman kung alam ko lang na tropa pala niya si Raj edi hindi ako mahirap ayain diba? DIBA? ang laking SAYANG. Pero hindi kaya sign na ito? Dad signed up sa exclusive firm nila.... Siguro naman kahit friendship eh magkaroon na kami kaso ngayon pa lang nakikita ko na baka mahirap siyang maging kaclose.

Tsaka isa pa, may kumakalat din na bali balita na tomboy daw siya dahil babae lang din nababalitan nilang nakakasama niya pero ewan ko ba bakit sa tagal ng mga taon na kilala ko siya, ni minsan di naman talaga kami nag karoon ng pormal na usapan, ngayon lang tas ganto ba. Haaaaay Sebastian Terence ginto na naging bato pa.


"So you've heard" Sambit ni Dad during dinner. Tumango lang ako habang kumakain.  I wasn't sure what to say either anyway besides magandang publicity for the company kung malalaman nila na ang 1 in a Million Records ay kasama na ngayon ng YDG corporation. "I thought it was a good opportunity both for our family and the company. I consulted a few friends and YDG has been talking me into joining them the past year. Ayaw ko naman ipass up din yung pagkakataon kaya after a formal meeting with the board ayun..."

Kitang kita ko yung ngiti niya. Ako man gusto ko tumayo at yakapin siya para lang sabihin na 'THANK YOU DADDY' kaso ang awkward naman lalo na pag nalaman niya na dahil lang sa finally makakausap ko na at makakasama yung babaeng matagal ko nang gusto at matagal na hanggang tingin lang ako. Isa pa, malalaman niya gano katorpe anak niya kaya di bale na lang.

"I'm done" Matipid kong sabi at nginitian sila ni mommy pagkatayo. "Tatapusin ko lang po homeworks ko"

Nerd na kung nerd pero never kong gugustuhin na bumaba ng top 5 ang ranking ko tsaka isa pa, papakilala daw ako bukas ni Blue sa friends niya kaya the faster I'm done with my school works, the faster I get to bed and the faster tomorrow comes. Taena, dinaig ko pa kinikilig na batang excited mag field trip.


Buong araw halos di mawala yung ngiti ko, masyado akong excited para mamayang hapon dahil after school makaksama ko na sila sa tambayan nila... Makakasama ko na siya. Kahit siguro mga kasection ko napansin yung nag pipigil na ngiti sa mga labi ko. Oo na, bakla na pakinggan pero wala eh, ganun talaga pag may gusto ka at hirap kang gumawa ng moves.

"Oh, mukang good mood ka ah" Sambit ni Blue bago umupo sa designated seat niya sa may banda likod na row, tumango lang ako sakanya at napatingin sa may labas. Dun ko naman napansin na kasabay niya pala naglakad sa corridor after lunch si Raj at nakatingin to sakin. Alam mo ano yung weird? Nakasimangot siya nung nakita ako pero ako naman, poker face at nag tatago ng kilig dahil second time this week na naka eye to eye ko siya ng mahigit three seconds.

Dalawang subject na lang at uwian na, which also means, makaksama ko na si Raj. Ewan ko ba talaga bakit ganto na lang ako ka excited eh kung tutuusin di ko naman talaga siya kilala at kahit gusto ko maasar sa inaasta niya feeling ko ako din naman kasi yung may mali eh sinungitan ako ng konti, hindi ko man sadya medyo nasungitan ko din naman kasi siya at isa pa di nga ako sure sa ugali niya eh so hindi ko rin masasabi bakit ganun siya... tanong ko kaya si Blue....


"Ginagawa niyan dito?" Mataray na sabi ni Raj habang nakairap saakin. Hindi ko talaga gets bakit init ng dugo nun sakin eh kung tutuusin eto na talaga first official meeting namin.

"Alessandra, calm down girl. Be a good puppy" Sambit naman ng lalaking katabi niya habang dahan dahang tinataptap ang ulo ni Raj na minasamaan lang niya ng tingin sabay suntok sa braso at ayun walk out nanaman. I guess isa din reason bakit siya ganyan eh mukang medyo spoiled siya sa mga kaibigan niya. Siya lang nag iisang babae sa group of friends nila.

"Gago ka talaga Mal" Someone from my left uttered while shaking his head. "Pagpasenyahan mo na si Raj, mabait naman yun eh... pag tulog" at nagsi tawanan sila, ako naman napangiti na lang. "I'm Third but I think you already know that, we've been classmates a few times before already" Sabi nito at tumango lang ako. Oo kilala ko siya by name and face pero tulad ng lahat ng andito bukod kay Blue, puro first time ko sila makilala talaga at muka naman silang mababait. "Teka lang ah? Papakalmahin ko lang yung tigre" Sabi ni Third at sinundan si Raj sa kabilang kwarto. Sa totoo lang ang cool nga eh, may sarili silang unit kung saan pwede silang mag hangout lang or kung may nangangailan sakanila ng place to stay pero di ko maiwasan maibalin ulit yung tingin ko sa naka bukas na pintong pinasukan ng dalawa. Ayaw ko man aminin pero nag selos ako ng konti, hindi naman dahil sa nag iisip ako ng iba pero mukang malayo layo pa tatahakin kong daan kung gusto kong maging mag kaibigan kami.

"Anyway you met Raj, pretty sure you know her already. Ingat ingat kung may chix ka pre ah, magaling mansulot ng babae yun" At nag tawanan nanaman sila. Tomboy nga kaya talaga si Raj? Pero parang hindi naman siguro. Wag naman sana, baka lalo ako mawalan ng pagasa.

"That bastard who keeps making fun of Raj is Malcolm Light..." Ngumiti naman ito sakin at tila sumaludo gamit ang pointer fingire niya. "the one on his left busy playing with his phone is Dwight- tol pwede din kasi ibaba ang phone at magpahinga paminsan minsa. puro ka na lang clash of clans eh" Ni hindi man lang ito nilingon ng kausap at gamit ng isang kamay naka dirty finger sign na agad kay Blue na tumawa lang. "Yon naman kanina si Third, ang kuya kuya naming lahat, aaaand baby boy bunso is probably still on his way here" At sakto naman nag bukas ang pinto ng condo.

Isa namang lalaki, mas bata samin lahat at base sa uniform na suot niya same school as ours pero freshman nga lang dahil dun sa kulay ng necktie. Naka salamin it at ngumit ng konti sakin. Siguro medyo naweirdohan din na may bagong tao. "That's Krissler" Tinapik ni Blue ang balikat ko at nginitian ko lang pabalik yung bata.

"Well guys, this is Sebastian Terence Aliaga, youngest child of Uncle Tom from 1 in a Million Records, and our newest member!"

--

Blue on the media. :<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Getting the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon