Start.

61 3 4
                                    

------

We are in a Relationship!

Ang TV reality variety show kung saan ang mga nagvolunteer na mga artista, singer, dancer o kahit sino na nasa showbiz ay maghahanap ng kanyang magiging karelasyon na non-showbiz.

Dapat ay edad 20-30 lamang ang pwede dito. at tanging tatlong couples lang ang kailangan para sa season 2 nito. At bawat couples ay kailangan  magtagal ng 5 buwan o higit pa.

Oo season 2 na. Naging mataas ang rating ng show na ito noong season 1 kaya muling nagbabalik ang...

WE ARE IN A RELATIONSHIP!

New couples:

Kenneth Yap (actor)- Isang chef ang kanyang napiling maging girlfriend. At iyon ay si Kath Santos

*Kath Santos picture*

Jen Flores (Singer & Model)- Isang nurse ang kanyang napiling maging boyfriend. at iyon ay si Karl Pineda.

*Karl Pineda picture*

Bench Briones (Vocalist & Model)- Isang graduating student ang kanyang napiling maging girlfriend.

At abangan kung sino iyon.

"WAAAAAAAHHH!! Wala na! talo na ko." nakakabinging sigaw ni Janice matapos nyang panuorin yung bagong show tuwing sabado at linggo.

"Huy! ang ingay mo." sita saknya ng bestfriend nyang si Dennise

"Eh kasi naman! hindi ako yung napiling maging girlfriend ni Kenneth. Hmmp." padabog syang humiga sa kama nya at niyakap ang unan nya.

"Umasa ka naman kasi. Diba sabi nya sa interview nya dun na yung pipiliin nyang babae ay pasok sa standards nya? unfortunately hindi ka pasok. hehe. joke lang bestfriend!" sabi ni Dennise sa bestfriend nya at tinuloy ang pagfe-facebook.

Sa kanyang facebook naman ay ang daming post tungkol sa babaeng napili ni Bench Briones.Madaming nagtatanong kung sino ang magiging girlfriend nito. hmmm. nacurious tuloy sya kung sino si Bench.

"Hey, sino si Bench?" tanong nya.

7 months palang ang nakakalipas simula nung bumalik sya dito sa Pilipinas. Pero sa 7 months na yun ay para namang wala syang naririnig tungkol kay Bench Briones. Pero mas madalas din kasi syang nanonood sa cable kaya siguro hindi nya ito nakikita sa TV.

"Si Bench? Vocalist sya sa bandang  THE COOLERS . Ang gwapo kaya nun! at ang ganda pa ng boses" tila mas lalo naman syang nacurious kung sino si Bench Briones.

Nagopen sya ng isa pang tab at sinearch ang pangalang Bench Briones. Agad nyang tiningnan ang pictures nito. Hindi nga nagkakamali ang bestfriend nya, gwapo nga talaga ito!

Sunod naman ay tiningnan nya ang information about sa vocalist na iyon.

BENCH RAYVEN BRIONES

Age: 24 yrs old

Occupation: Vocalist / Model

Birthday: September 15 1989

Gender: Male

Citizenship: Filipino

"Huy! Ano yan? ikaw ha, interesado ka kay Bench noh!? Haha!"inasar sya ni Janice nang makita sya nitong binabasa ang mga info tungkol kay Bench

Hindi nya kasi namalayan na nasa likod na pala nya si Janice.

"Hindi noh. ahm sabi mo kasi maganda yung boses nya..kaya tiningnan ko." sabi ni Dennise kay Janice at agad na tinaggal ang tab na iyon.

Tinawanan lang sya ng bestfriend nya at nahiga ulit sa kama.

Hindi kasi sanay si Dennise na inaasar sa lalaki. Syempre tulad ng iba, nagkaka-crush din sya. Pero salungat ang pinapakita nya. Hindi sya yung babaeng pinapapakita o pinapaparamdam na may gusto sya sa isang lalaki.

"Hay na'ko! wag ka ng mahiya..hindi lang naman ikaw ang interesado sakanya eh." sabi ni Janice ngunit hindi na ito pinansin ni Dennise dahil mas tinutok na lamang nya ang kanyang atensyon sa pagfe-facebook.

We are in a RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon