4:00 am, yan ang saktong oras ng pag gising ko. Nakakapanibago dahil ang gaan ng katawan ko parang di man lang ako nanghina ng mga nakaraang araw.
Nagising ako at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatpos kong maligo agad akong nagsuot ng white tie hem chambrey, MOTO highwaisted hot pad at black wedge ankle boots. Nagbaon din ako ng jacket, leather jacket to be sure. Kinuha ko si Zeyhara, in case of emergency.
Walang ingay akong lumabas ng bahay. Hinanda ko ang itim na helmet na gagamitin ko pagbyahe papunta sa pinagtataguan ng Lolo ko "daw".
Nagising si Alex habang hinahanap ko yung inilalabas ko ang motor niyang itim sa garahe.
"Where are you goin'?" tanong niya.
"Executing our first plan," sabi ko then pinagpatuloy ko ang paglalabas ng motor niya.
"Xands," tawag niya sakin na ikinalingon ko.
Nasa harap ko na siya at tinitignan niya ako.
Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. "Please, take care."
Nagnod na lang ako sa kanya.
_____________________________
Huminto ako sa tapat ng hotel na sinabi sakin ni Red. Sya ang nagbigay ng information sakin na dito nag tatago ang lolo daw namin.
Hindi ko pa tinatanggal ang helmet ko. Napansin kong tumingin ang mga guards sakin. Bumababa na ako sa motor at tinanggal ang helmet na suot ko. Inayos ko naman si Zeyhara na nakasabit sa likod ko at nakakahon.
Dumiretso lang ako at nilampasan ang mga guards.
"Good morning Ma'am how may I help you?" bati sakin ng receptionist ng hotel.
"I've already have a suite here that I reserved and paid online for one week," sabi ko.
"What's your name Ma'am?" tanong sakin ni babae.
Kinuha ko ang I.D ko at cellphone ko sa bulsa. Pinakita ko sakanya ang confirmation coed na natanggap ko galing sa website ng hotel. Pati ang e-mails ng mismong president ng hotel na to.
"I think that's enough proof," sabi ko then nag smile. "I'm taking too much time staying here in the lobby. I want my card now."
Inabot niya na sakin ang card at konting achuchu sorry sorry whatever pa.
Bago ako umakyat iniabot ko sa kanya ang keys ng motor na ginamit ko, "Please park my baby somewhere safe."
Agad kong di-nial ang number ni Ripper ng makapasok ako sa elevator.
~THE CALL~
R: Hello, Scarlet.
S: I'm going to my suite, now did he go out of his?
R: Nope, he's inside.
S: Any guards?
R: Kaalis lang nila. Mamayang before lunch pa uli sila babalik.
S: Good.
~END CALL~
*TING*
Tunog ng elevator. Pagbukas ng pinto pumasok si Swan. Agad ko naman siyang niyakap.
"Wow! I thought matagal pa uli bago kita makita," sabi ko na kunwaring excited masyado.
You know puting up a scene so that pwede syang makadiretso sa suite ko. Cameras are all around we need to put up a good show.
Sunod na tunog ng elevator at nasa floor na kami. Hinila ko si Swan para lumabas ni pinipilit ko syang pumunta sa suite ko.
Pagpasok namin sa suite-4:30- agad niya akong hinila sa bedroom then pinaupo ako sa kama.Binukasan ko ang laptop na dala niya at nagconference call sa iba pang team.
BINABASA MO ANG
Angel of Death [UNDER CONSTRUCTION]
ActionHindi lahat ng anghel may pakpak. Hindi lahat ng anghel nasa langit. Hindi lahat ng anghel ay nabubuhay ayon sa gusto nila. Hindi lahat ng anghel ay gustong makita at makilala ng mga tao. At hindi lahat ng anghel ay mabubuti. Magugustuhan mo kayang...