Chapter 4 - Treasure Chest

284 10 3
                                    

"Think of happy thoughts, and you will fly."
©Peter Pan

______________

Normal ba na lumilipad ang tao?
Sagot: Hindi.

Normal ba na lumilipad ang mga aswang?
Sagot: Ewan ko.

Kahit ilang beses ko ulitin sa isipan ko ang nangyari kahapon, parang hindi ko pa rin kayang aminin na totoo ngang naka-lipad ako.

Ganito ang nangyari.

Sabado. Kakatapos ko lang mag-linis ng kuwarto ko. Ten o'clock na. Nagugutom na ako kaya bumaba ako sa kusina upang mag-handa ng makakain. Bitbit ko pababa ng hagdanan ang dalawang malalaking plastic bag na naglalaman ng basura mula sa paglilinis (mostly papel at ginupit na magazines) at mga quiz paper na may score na zero na nanggaling pa sa kailalaiman ng kama ko.

Nasa kusina na ako at nag-iisip kung ano ang kakainin ko nang mapansin kong bitbit ko pa ang mga plastic ng basura. Tinitigan ko pa ito na parang timang at isang ginupit na gwapong mukha ni James reid ang naka-ngiti sa akin mula sa loob ng plastic. Tumalikod ako at tinahak ang makipot na hallway papunta sa likod ng bahay.

Idineposito ko ang mga basura sa malaking trash-bin na ibinigay ng isang politikong tumakbo noong eleksyon (natalo siya) at bumalik na sa loob ng bahay. Habang nasa makipot ngunit mahabang hallway pabalik sa kitchen, (sosyalerang froglet, Oo may hallway nga kami) Ini-imagine ko na ang mga ingredients ng sinigang na lulutuin ko, nang bigla kong napansin na bukas ang pintuan ng kwarto ni Lola.

"Lola naman, tanghaling tapat, huwag ka na munang mag-multo."
Tawag ko sa hangin. Pinag-papawisan pa ako at gusto ko na ring maligo.

"Lola, sino namang nagbukas ng kuwarto mo? Aswang?"
Pabiro kong sabi, habang pinipilit na itulak paalis ang munting kaba sa dibdib ko.

Inilahad ko ang isang kamay para abutin ang doorknob ng pinto ni Lola. Iniiwasan kong tingan ang kuwarto niya sapagkat nami-miss ko lang siya at ipinag-babawal niya naman ang pag-pasok dito, ngunit napansin kong makapal na alikabok roon sa sahig.

"Lola, gusto mo bang linisan ko rin ang kuwarto mo?"
Tanong ko sa hangin. Siyempre, walang sumagot.

"Not now Lola, nagugutom na po ako. Maglulu--

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang isang kaluskos ang marinig ko mula sa loob ng kuwarto.

Mabilis kong isinara ang pinto nito at tumakbo papunta sa kusina. Parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Hinanap ng mga mata ko ang kutsilyo, upang i-defend ang sarili ko in case na may magnanakaw sa kuwarto ni Lola. Hindi ko mahanap ang kutsilyo kaya inabot nang kamay ko ang pinaka-malapit na kasangkapan sa kusina. Isang tinidor.

Like seriously, tinidor? Inisip kong balikan ang cellphone ko sa kuwarto sa taas upang tumawag sa 911, pero naisip ko din na wala ako sa USA at low-bat na ang cellphone ko dahil sa pagpapa-tugtog habang naglilinis.

Matapang kong nilapitan muli ang kuwarto ni Lola. On the way, inabot ko ang bilao at ginawa itong shield. Kung mamamatay ako, gusto kong isipin ng mga tao na ipinagtanggol ko ang buhay ko. Anyway, dahan-dahan kong idinikit ang tenga ko sa pinto ni Lola upang i-make sure na hindi ko lang guni-guni ang narinig ko.

Three seconds. Five seconds. Ten seconds. Thirty seconds. One minute. Walang ingay. Nag-over-react lang pala ako. Guni-guni ko lang ang narinig ko.

"Lola naman, huwag mo kong tinata--

"KRRIIKKK!"

Napa-talon ako palayo sa pinto. Ramdam ko ang puso ko na umakyat sa lalamunan ko. "thump-thump-thump" baliw na tibok nito.

Aswang DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon