Project
: a task or problem in school that requires careful work over a long period of time.
©Ate MerriamGrade 5 ako. Nagkaroon kami ng isang project. Unlike other projects na madali ko lang natatapos at naipapass, kakaiba ang isang ito. Simple nga lang gawin, pero mahirap para sa akin.
Narito ang project details. (Isinulat sa chalkboard)
Project: Family Tree
Materials:
-1/2 illustration board
-pictures of family members
-brief description of each family member
Deadline: Monday 8AMPauwi na ako noong araw na iyon. Kasabay ko si Lola. Kasi nga diba teacher din siya sa public school na pinapasukan ko. Grade 3 teacher si Lola.
Iniisip ko ang project na pinagagawa sa amin. May problema kasi. Hindi ko naman kilala ang mga magulang ko. Wala ngang picture nila sa bahay, kaya di ko rin kilala kahit pagmumukha nila.
Naisipan kong tanungin si Lola.
"Lola. May project kami."
Sabi ko habang nasa jeepney na kami. 15 minutes ang biyahe mula sa eskwelahan pauwi ng bahay at nagsisimula nang maka-idlip si Lola dulot ng pagod sa maghapong pagtuturo."Huh? Ano yun Apo?"
Tanong niya. Sumilip siya saglit sa labas ng bintana ng jeep to check kung naka-lagpas na ba kami. Saka palang siya tumingin sakin."Family Tree daw po Lola."
Tiningnan niya lang ako. Tila natigilan. Nag-isip si Lola. Alam ko iyon dahil kumukunot ang noo niya.
Nate-tense din siya sapagkat sumilip siya sa wristwatch niya kahit alam niya naman ang oras. Ganoon si lola, alam niya palagi kung anong oras na kahit walang orasan. Palamuti lang sa kanyang braso ang wristwatch.
"Lola."
Sabi ko, makaraan ang isang minuto. Sinubukan kong kunin ulit ang atensyon niya. Tumingin siya sakin."Ashley, ilang taon ka na nga ulit?"
Tanong niya."Ten years old na po ako Lola. Bakit po?"
Sagot ko. Nalito ako kung bakit niya iyon tinatanong.Tumingin siyang muli sa orasan. Nag-isip bago muling tumingin sa akin.
"Sampung taon ka na?"
Tanong niya ulit."Opo Lola. Diba nag-ice cream tayo nung summer, nung birthday ko, May 13 po Lola."
Ang weird ni lola, paulit-ulit. Para bang 'not paying attention' na palagi niyang sinasabi sa akin nung naging teacher ko siya sa grade 3. Ngayon, mukhang lutang ang isip niya."Anong araw na ngayon?"
"Friday po Lola."
"Apo may naalala ako."
Sabi niya.Ang weird talaga ni Lola noong araw na iyon. Para bang nakatingin siya sa akin pero iba ang nakikita niya. Para bang biglang siyang naging aligaga at malungkot.
"Ano po ang naalala mo?"
Hinawakan niya ang kamay ko bago siya nagsalita.
"Birthday ngayon ng Lolo mo."Noong araw na iyon, hindi kami dumiretso umuwi. Pumunta kami sa sementeryo upang dalawin ang Lolo ko na hindi ko naman personally nakilala. Nagsindi si Lola ng kandila. Nang pauwi na kami, napansin kong mapula ang mga mata ni Lola. Umiyak siya.
Hapunan noong gabing iyon, hindi ko kinausap si Lola tungkol sa project ko na Family Tree. Tahimik lang kaming kumain ng lamig na kanin at ulam mula sa karinderya.
Kakaibang experience iyon dahil, sa unang pagkakataon, hindi nagtanong si Lola kung kumusta ang araw ko. Kung anong natutunan ko sa school. Kakaiba dahil napaka-tahimik. Kakaiba dahil first time ko kumain ng ulam mula sa karinderya.
BINABASA MO ANG
Aswang Diaries
FantasyHeto nga pala ang mga sintomas na posibleng Aswang ka. 1. Biglaang pagkahilo 2. Bipolar disorder 3. Crush mo si Daniel Padilla 4. Nagigising ka ng alanganin. 5. Misteryoso ang pinagmulan ng pamilya mo. Kung tumpak sayo ang limang sinyales na ito, ma...