Secrets are things we give to others to keep for us.
-Elbert Hubbard______________________
So ayun nga.
Lumipad ako kahapon.Hindi ako sigurado kung ano ang dapat kong maramdaman. Takot? Saya? Pagka-mangha? Galit? Pagkasabik?
Bukod sa insidenteng lutang-ere, naka-lutang pa rin ang isip ko.
Hindi ako makatulog kagabi. Bukod sa sunod nang sunod sakin ang orange na pusa na si Garfield, isang pangit na pangitain ang liham na nasa ilalim ng unan ko.
Matapos kong madiskubre ito kahapon sa ilalim ng antigong kahon ni Lola, parang multo ang mga nilalaman nito na nakakapit pa rin sa isip ko.
Dapat ba akong magalit kay Lola sa pagtatago ng mga sekreto niya mula sakin? Dapat ba akong mamangha sa panibagong natuklasan ko na to? O dapat ba akong matakot sa komplikasyon na nabanggit ni Lola sa liham?
Nakatulog ako nang nakamulat ang mata.
Kaninang umaga napaka-tahimik ng bahay. Siyempre, nag-iisa lang naman ako dito. At ang bagong sampa na pusa.
Pero kakaiba ang katahimikan.7:00 AM na. Wala naman pasok kasi weekend. Araw ng simba. Bihira lang ako magsimba, sa tuwing may okasyon lamang o kapag pinipilit ako ni Lola. Wala naman okasyon, hindi piyesta, at wala naman si Lola para pilitin ako.
Nakahiga lang ako sa kama hanggang sa makarinig ako ng ingay."PRRRRRR."
Mula sa sahig nakatitig sa akin ang orange na pusa na si Garfield. Tapos hinimas himas nito ang tiyan niya na tila ba sinasabing nagugutom na siya.
Napa-isip ako. Saan nagmula ang pusang Ito? Bakit ngayon ko lang siya nakita at feel at home siya sa bahay? Bakit para bang may pakiramdam ako na magsasama kami ng matagal-tagal?
"Garfield. Shoo!"
"MEOW?"
"Lumabas ka sa kwarto ko. Shoo!"
"MEOW?"
Sisigawan ko na sana ito nang bigla itong tumayo, pumihit at naglakad palabas ng pintuan.
Naglakad ito palabas ng pintuan ng kuwarto ko.
BUKAS ANG PINTUAN NG KUWARTO KO.Napa-balikwas ako. Mabilis na hinanap ng aking mga kamay ang isang patalim sa ilalim ng matres ng kama ko.
Isang kitchen knife na sin-haba ng braso ko. Isang chef's knife.Tumayo ako mula sa kama at itinutok sa pintuan ang kutsilyo. Deja Vu. Ganitong ganito ang pangyayari kahapon. Ngunit sa halip na kutsilyo, tinidor ang hawak ko kahapon ng madiskubre ko ang bukas na pinto ni Lola. Ano kaya ang naghihintay sa akin sa labas ng kuwarto ko?
Palaging sarado ang pinto ng kuwarto ko. As in. Locked. Naka-kandado. Sarado. Simula ng namatay si Lola, bilin ito ng mga kapitbahay namin na tsismosa. Mahirap na. Magandang babae ako.
"May tao ba Diyan?"
Tanong ko sa hangin.Walang sumagot.
Napa-isip ako. Kung bukas ang pintuan ng kuwarto ko, ibig sabihin ay may pumasok dito. At kung may pumasok sa kuwarto ko, BAKA NANDITO PA SIYA.
Pumihit ako at pinagmasdan ang apat na sulok ng silid. Sarado ang mga bintana. Sarado ang mga aparador. Maayos ang mga gamit. Mukhang hindi naman ako nanakawan. At mukhang hindi naman magtatago sa ilalim ng kama ang magnanakaw.
O hindi nga ba?
Yumuko ako at sinilip ang ilalim ng kama. Wala. Nilinis ko pa lang ito kahapon at nagsiksikan dito ang mga kahon ng damit at lumang sapatos.
BINABASA MO ANG
Aswang Diaries
FantasyHeto nga pala ang mga sintomas na posibleng Aswang ka. 1. Biglaang pagkahilo 2. Bipolar disorder 3. Crush mo si Daniel Padilla 4. Nagigising ka ng alanganin. 5. Misteryoso ang pinagmulan ng pamilya mo. Kung tumpak sayo ang limang sinyales na ito, ma...