➡43: Blue Eye

5.4K 95 1
                                    

   Author's Pov:

   Sobrang natakot sina kirby sa narinig na matinding sigaw na galing sa ilalim ng dagat at sa nangyaring pagkidlat ng ilang beses, lumayo sila dahil ang dagat unti unti nang lumaki, na para bang may sariling buhay ang mga ito,,,

Nag-aalala na sila sa mga kaibigan nila sa loob kung ano na ang nangyayari, ramdam na ramdam din nila angmalalakas na lindol at mga nagbagsakang mga malalaking bato sa ilalim ng karagatan,,,

Sa kabila naman madali lang nakuha nina kazumi ang mga magical ring nila kasi wala namang nagbabantay dito, at yung mga nakakalaban nila mga isda lang medyo nahihirapan sila sa pagpatay sa mga ito pero nagawa naman nila, yun nga lang marami narin silang mga sugat sa katawan, dahil sa mga atake na hindi nila naiiwasan, pero nagtataka sila kung anong ang nangyayari, magkakasama na sila pero may kulang si zumi at zayne hindi pa nagpapakita sa kanila,,,

Nang may biglang nagpakita na napakalaking ahas na kulay pula napakahaba din nito, galit na galit itong nakatingin sa kanila, agad silang sinugod nito pero madali lang din nilang naiiwasan,,,

Sobrang bilis ng galaw nito hindi na nila halos makita hanggang sa bigla nalang silang pinuluputan nito kaya napasigaw sila dahil din sa sobrang higpit ng pagkakapulupot nito sa kanila,,,

"Mga hangal kayo ang dapat sa inyo mamatay"- sabi nito at tinapon sila sa mga matitinik na halaman, napasigaw sila sa sakit pero agad din silang tumayo kahit umaagos na ang mga dugo nila,,,

  Nahihirapan na silang kumilos dahil sa sakit na nararamdaman nila at dahil narin sa mga malalaking sugat sa katawan nila, bigla silang pinatamaan ng buntot nito kaya tumilapon sila sa matitinik ding halaman, napasigaw ulit sila,,,

Nilapitan sila ng ahas at pinuluputan napasigaw nanaman sila dahil sa hindi na sila makahinga, akmang tutuklawin na sila nito pero dumating si zayne at pinaulanan nya ito ng maraming blades kaya bumagsak ito at nabitawan sila,,,

Hindi na sila halos makatayo sa sobrang panghihina, nakita din ni zayne ang napakaraming sugat nito sa katawan at dugong umaagos, napatingin sila kay zayne at nanlaki ang mga mata nagtataka sila kung bakit naging iba ang anyo nito,,,

"Si zumi nasan?"- tanong nya,,,

"Wala pa sya"- sagot ni luke,,,

"Zayne zayne naririnig mo ba ako tulungan mo ako"- nadinig nila ang panghihingi ni zumi nga tulong, bigla nanamang nagsibagsakan ang mga malalaking bato galing sa kweba,,,

"Mauna na kayo hindi na ninyo kaya pa ako nalang ang magliligtas kay zumi"- sabi ni zayne,,,

"Zayne marami ka naring sugat at napakalalim rin"- sabi ni kenna,,,

"Ito wag nyo tong iwala ha, nalason ako kanina hindi ko pa nagagamot, sige na umalis na kayo lumaki na ang dagat, guguho narin ang mga kweba, mauna na kayo tulungan nyo sina kirby sa labas"- sabi ni zayne,,,

"Masusunod pero mag-iingat ka hihintayin ka namin dun"- sabi ni kazumi,,,

"Dali na bumabagsak na ang mga bato kailangan na ako ni zumi"- sabi ni zayne at lumangoy na ng mabilis papunta dun sa kweba kung saan naroroon si zumi,,,

Pero napapalibutan na ito ng mga bumabagsak na bato, kaya agad nyang ginamit ang kapangyarihan nya para matanggal ang mga batong nakatakip sa lagusan, hanggang sa matanggal na nga nya ito, at nanlaki ang mga mata nya ng makita nya si zumi na pinuluputan ng isang napakalaking ahas na kagaya nung umatake kina kazumi,,,

"Zumi"- tawag nya kaya napatingin si zumi sa kanya na may maraming malalaking sugat sa katawan,,,

Dahil sa pagmamadali nya naglabas nalang sya ng malakas na kidlat at pinatama ito sa ahas kaya namatay ito at nabitawan nya si zumi, sobrang daming sugat na ni zumi sa katawan pero mas malala ang sa kanya kasi umiikot na ang paningin nya,,,

TAOTD: The Golden QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon