My First or True Love 21

27 8 0
                                    

...21 <3

"Very good!" - Nathaniel

"Anong very good?" - tanong ko kay Nathaniel na may pagtataka.

"Very good! Kasi ngumiti ka na"

"Ahh, oo. Salamat sayo"

"Wag mo nang masyadong isipin ang bagay na yan. Sayang ang magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo na hindi mo na napapansin dahil sa kaiisip mo sa iisang bagay lang. Mas pahalagahan mo ang mga bagay sa kasalukuyan na mas pinapahalagahan ka at pinapasaya pati ang iyong pamilya"

"Sang-ayon ako dyan sa sinabi mo. Dahil sa pag-aalala at pag-iisip ko lagi nitong aking problema, hindi ko na napapansin ang ibang magagandang bagay ngayon sa aking buhay. Simula ngayon, hindi ko na ibubuhos ang lahat ng oras ko sa pamomroblema ng bagay na yan. Tatlong buwan na ang nagdaan, kung kinalimutan na nya ako, wala na akong magagawa"

"Very good!" - ^_^

"Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kasi at least, pinaramdam nya sa akin kung paano magmahal at mahalin"

"Very good! Very good!" - ^___^

"Alam moIsang very good na lang, ihahatid na talaga kita sa mental hospital"

"Aju joh-eun"

"Ha?"

"Secret...Baka ihatid mo ko sa mental hospital" - ^_____^

"Ai, ewan ko sayo"

Napasarap ang kwentuhan naming dalawa ni Nathaniel. Medyo malalim na ang gabi nung nakauwi na sya.

Kinabukasan, sa paaralan, sabay-sabay kaming kumain ng lunch nina Yelina at Veron.

Hindi namin alam kung nasaan si Roxie. Pagkatapos kasi ng last subject namin sa umaga, bigla itong nawala.

My First or True LOVE ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon