My First or True LOVE 15

99 9 0
                                    

 ...15 <3

pagkatapos ng mga sigawan, tulakan at kaguluhan kanina sa pagdating ng isang sikat na korean star na si Nathaniel Park, balik klase na ang lahat.

"WAH!" (Veron)

"AI! KABAYO!" >_< (Stephanie)

"hehehe...pasensya. nagulat ba kita?" :)

"hindi naman. sobrang gulat lang!"

"ikaw kasi, tulala ka naman kasi dyan sa upuan mo. hindi ka pa rin ba makapaniwala sa nangyaring pagsalo sayo ni Nathaniel Park kanina?" :)

"oo. isa din yan sa iniisip ko ngayon"

"hmmm, si Ethaniel na naman ba?"

hindi ko sinagot si Veron at yumuko lang. hindi ko na naman kasi kailangang sumagot dahil tama naman talaga sya at alam na din nya yun.

"hay...sya na lang palagi ang nasa isipan mo. pag wala kang magawa, binabasa mo na naman yung sulat na ibinigay nya sayo. paulit-ulit na lang Stephanie. hindi ka ba nagsasawa sa kababasa mo nyan?"

"paano naman ako magsasawa Veron? alam mo naman kung ano sya sa buhay ko" :(

hinawakan ko ang necklace na ibinigay ni Ethaniel sa akin at tinignan ito.

"isa pa yan! naku Stephanie! baka sa kakatitig mo dyan sa kwintas na yan ay matunaw na yan dyan"

"sobrang miss na miss ko na talaga kasi sya Veron. sinabi nya kasi sa akin bago sila umalis, kapag namimiss ko sya, hawakan ko lang ng mahigpit at tignan ang necklace na binigay nya sa akin at isipin ko lang daw na kasama ko sya dito sa tabi ko."

"alam mo Stephanie? sa totoo lang, pag nakikita kitang lagi ka na lang ganyan, naaawa ako sayo" :(

"bakit naman?"

"anong bakit naman?? isipin mo nga ito. sa higit na tatlong buwang ka nyang iniwan dito sa Pilipinas, hindi man lang sya nakapagpadala man lang sayo ng sulat or, let say dahil modern world na tayo ngayon, hindi sya nagte-text, tawag o mag-e-mail man lang sya sayo sa fb o kaya sa yahoo. wala syang paramdam sayo sa loob ng higit na tatlong buwan kahit isa! kung mahal ka nga nya, kahit man lang siguro isa o dalawang beses man lang sa isang buwan sya magparamdam sayo. gagawin nya lahat malaman lang nya kung ano na ang nangyayari ng buhay mo dito!"

"ewan ko Veron. hindi ko na alam. hindi ko masasabi sayo kung tama ka ba o mali. tanging masasabi ko lang sayo ngayon, sobrang mahal na mahal ko sya kaya handa akong magtiis at masaktan para lang sa kanya. may tiwala ako sa kanya" :(

"siguraduhin mo yang tiwa-tiwala na yan Steph. baka hindi na pala yun mapagkakatiwalaan"

sana nga...sana nga talagang mapagkakatiwalaan kita Ethaniel :'(

*****

pagkatapos ng klase, lumabas na agad ako ng classroom na nanlulumo pa rin. nakayuko lang talaga ako hanggang sa paglabas ko ng gate ng school. at dahil nga sa nakayuko lang talaga ako, hindi ko na namalayan na...

++BUGS!!++

nakabunggo ako! ('~')

"ay! naku! naku! sorry po! sorry! hindi ko po sinasadya!"

nakayuko pa rin ako dahil sa sobrang hiya! ang tanga-tanga ko talaga. hindi tumitingin sa dinadaanan.

"no. its alright miss"

My First or True LOVE ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon