iv

5.7K 202 13
                                    

Kasalukuyan ako ngayong nakakaramdam ng saya at lungkot habang malaya kong pinagmamasdan ang mukha ng lalaking itinitibok ng puso ko.

Saya dahil kasama ko na naman sya dito sa apartment ko habang walang malay na nakahiga sa kama ko. At lungkot naman dahil kahit kasama ko sya, ibang tao ang tumatakbo sa isipan nya.

"Carlo." Muling pagbanggit na naman nya sa pangalan ng taong mahal nya. Pailang beses na ba ito? Hindi ko na nabilang.

Hindi ko narin mabilang kung lang beses na rin bang tumulo ang mga luha ko. Kanina pa ako nandito sa tabi nya dahil di ko sya maiwan sa kalagayan nya ngayon.

Nang matapos kasi ang nangyari kanina sa abandonadong classroom, agad na akong umuwi at naisipang wag na umattend ng klase.

Kinagabihan, bigla nalang nya akong kinatok sa apartment ko sa di malamang kadahilanan. Namalayan ko na lang na inaapoy na pala sya ng lagnat.

Ibinaling ko ang paningin ko sa orasan dito sa loob ng kwarto ko.

Ala-una na nang umaga ngunit hanggang ngayon di parin ako dalawin ng antok. Sobra kasi akong nag-alala kay Ricky kaya di ko sya maisipang iwan mag-isa dito.

"Carlo."

Agad kong pinahid ang luha na lumandas sa pisngi ko nang muli na namang nagsalita si Ricky mula sa pagtulog.

Simula nang dumating sya dito kanina, bukam-bibig na nya ang pangalan ni Carlo. Maging sa pagtulog nya ay hanap nya parin ito. Di ko tuloy maiwasang magselos at hangarin na sana pangalan ko naman ang marinig kong lumabas sa bibig nya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya para palitan ang tuwalya na kanina pang nakapatong sa ulo nya. Nawalan na kasi ng init iyon.

Aalisin ko na sana 'yung tuwalya nang bigla na lang hawakan ni Ricky ang kamay ko. Tiningnan ko sya sa pag-aakalang nagising ko sya ngunit nanatili syang walang malay at nakapikit.

"C-Carlo..." Pag-ungol nya.

"Enough." Mahinang sabi ko kahit na alam ko namang tulog sya.

Di ko kasi maiwasang maawa sa kanya. Kapag natutulog ka, di mo muna dapat dinadamdam ang sakit. Oras iyon para makapagpahinga ka sa mga bagay-bagay. Ngunit sya, hanggang sa pagtulog nya ay ginagambala parin sya ng nararamdaman nya para sa tao na di sya kailanman mamahalin pabalik.

"B-Be mine." Patuloy na pag-ungol nya.

Umupo naman ako sa tabi nya at hinaplos ang buhok nya, "Ricky, enough." Bulong ko.

Humigpit ang paghawak nya sa kamay ko. Nanginginig ang mga ito na para bang nilalamig sya.

Tinitigan ko ang mukha nya.

Di ko maiwasang isipin na napakagwapo nya. Panigurado na kung di lang sya wirdo at ilap sa mga tao, maraming babae ang magkakagusto sa kanya.

Lumipat ang tingin ko sa labi nya na kahit kelan ay di ko pa nahagkan. Kaya ba hindi nya ako hayaang halikan sya ay dahil ayaw nyang burahin sa ala-ala nya ang paglalapat ng labi nila ni Carlo?

Inilapit ko mukha ko sa mukha nya. Sobrang lapit na halos magdikit na ang mga labi namin.

Nagseselos kasi ako. Sobra.

Hindi naman nya malalaman itong gagawin ko dahil malalim naman ang tulog nya. Gusto ko lang naman maranasan ang pakiramdam ng labi nya.

Napakaselfish na tao ni Ricky. At sa kabila ng pagiging makasarili nya, hindi ako nagreklamo. Kahit di nya ako binibigyan ng konsiderasyon, hinayaan ko sya.

Ilang beses na ako nagpaubaya kaya hindi naman masama na sa pagkakataong ito ako naman ang maging selfish hindi ba?

Pinikit ko muna ang aking mata bag tuluyang ilapat ang labi ko sa labi nya. Kasabay noon ang pagdagsa ng kaligayahan sa dibdib ko. Di rin matatawaran ang bilis ng tibok ng puso ko.

Falling In Love With RickyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon