v

6.1K 191 6
                                    


Kainis!

Kasalukuyang nanginginig ang nakakuyom na kamay ko ngayon dahil sa sobra galit at inis nang maalala ang paglalapat ng mga labi namin ni Poseidon.

Hinalikan nya ako... at naiinis ako.

Ang hayop na gagong 'yun. Wag lang syang magpapakita sa'kin na putangna sya, babasagan ko sya ng hinaharap ng walang hiya sya. Nakakapagsala ang puta, dami kong mura.

Binuksan ko na ang pinto ng apartment ko at labis na nagtaka dahil di 'yun nakalock. Tanda ko kasing nilock ko ito bago ako umalis.

Hindi kaya nakalimutan ni Ricky nai-lock ang pinto nang umalis sya kanina?

Nandito pa kasi sya kanina bago ako umalis. May konti pa kasi syang sinat kaninang umaga kaya naman sinabi ko na magpahinga pa sya bago umalis.

Pagpagpasok ko nang apartment, sumalubong agad sa tenga ko ang malakas na tunog ng tv.

He's still here. Masayang isip ko.

Mabilis na tinahak ko ang madilim na daan papunta sa sala. Patay kasi ang ilaw at tanging liwanag lang na nanggagaling sa tv ang nakikita ko.

Mabilis akong umikot papunta sa harap ng sofa para tingnan kung sino ang nanunuod. At hindi ako binigo ng nakita ko.

"Ricky." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Natutulog ito ng nakaupo at may yakap na unan sa tyan. Hawak pa nito ang remote at nakataas ang paa sa center table. Di ko maiwasang mapangiti sa nasilayan ko.

Lumapit ako sa kinauupuan nya at matiim na tinitigan ang mukha nya, "Dami mo nang tulog, mahal na prinsipe." Sabi ko at sinundot ang nakakunot nitong noo.

Napabuntong-hininga muna ako bago ko marahang ginapang ang daliri ko pababa sa labi nya.

"Baka mas lalo ka pang gumwapo nyan, mas lalo kitang..." Mahalin. Bulong ko pa at pinadaan ang hintuturo ko sa ibabang labi nya.

Kelan ko kaya masasabi sa'yo ang totoong nararamdaman ko? Hindi. Ang itanong ko dapat ay mabibigyan kaya ako ng pagkakataon na masabi ang mga katagang iyon?

Oh damn, I want to kiss him again.

Gusto ko sana maramdaman muli ang paglalapat ng mga labi namin.

Gusto ko ring mabura sa alaala ko ang pakiramdam ng labi ni Poseidon. Hayop kasi talaga nun, eh. Just when I finally had my first kiss with Ricky, bigla syang susulpot at buburahin iyon.

Nakakainis. Nakakasuklam. Nakakaburaot. Parang gusto kong patayin si Poseidon sa sobrang galit.

Pero mas naiinis ako sa sarili ko.

Naiinis ako dahil wala naman akong karapatan magalit. Wala naman kasi akong pinagkaiba sa kay Poseidon. Di rin ginusto ni Ricky ang ginawa ko dahil wala syang kaalam-alam. At sa oras na malaman nya ang ginawa ko sa kanya, sigurado na magagalit sya at kasusuklaman din ako tulad ng nararamdaman ko kay Poseidon ngayon.

I'm so stupid.

Di ko na dapat sya hinalikan. Edi sana di ako nakakaramdam ng guilt ngayon. Kinuha ko ang pinakamahalagang ala-ala ng taong mahal ko. Nadala ako ng selos at selfishness ko. Di ko na naisip ang kahalagahan ng halik na iyon para kay Ricky. Masyado naging sarado ang isipan ko.

"You're here."

Napaigtad ako nang biglang magsalita si Ricky. Doon ko lang napansin na mulat na ang mata nya.

Binigyan ko sya ng isang pilit na ngiti, "I-I was about to wake you up." Pagpapaliwanag ko kung bakit sobrang lapit ko sa kanya. Napansin ko ang pagkunot ng noo nya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. "B-Bakit nandito ka pa?"

Falling In Love With RickyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon