Dedicated po sa inyo. We really like your stories kaya eto kami nainspire ring magsulat. Salamat sa pagsusulat at pagbabahagi ng iyong talento. Sana maapreciate niyo po ito.
This story is a product of our wide imagination. Hope you'll learn how to bare with us.
*
“ Ikaw ba ‘yan Iya?!”
“ Ha? Si Iya Guevarra ‘yan?”
Dinig na dinig ko ang mga bulungan nila pagdaan ko. Malamang ay nagulat sila sa akin ngayon. Suot-suot ko ngayon, ang aking bagong biling crop top. Kapares nito ay isang gray denim shorts at wedge booties na binili ko pa sa Forever21. Sa aking suot ngayon, pormang-porma ang aking long legs at define na define mala hour glass na katawan ko.
Patuloy pa rin silang nagbubulungan. Kung dati ay wala lang ako, ngayon center of attention na ako. Anong akala nila? Habang buhay nakong jologs? Kung ‘yan ang iniisip nila, pwes nagkamali sila.
Taas-noo akong pumasok sa room. Lahat ng mga mata nila ay napako sa akin. Maganda ako talaga kaso jologs at hindi ako palaayos dati. Kaya siguro ako hindi napapansin ng taong gusto ko. Pero ngayon, eto na ako, pinapakita ang kagandahang matagal tinago.
Nilibot ko ang tingin ko sa room. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin pwera lang kay Callan, ang taong gusto ko at ang rason kung bakit ako nagbago.
Nakaupo siya sa second to the last row, malapit siya sa bintana kaya nakita ko agad ang maamo niyang mukha. Ah! Si Callan nga pala, maputi, gwapo, mayaman, nasa kanya na ang lahat! Mahilig sya sa photography, isa siyang swimmer at napakagaling niyang magpiano! Favorites niya? Alam ko lahat kung ano. Navy Blue. Carbonara. Pizza. Movies and music. Ayaw niya sa mga pusa kasi allergic siya sa mga ito, oh diba? Bagay na bagay talaga kami! Ang stalker lang ng peg noh? Grade 3 pa lang ako noong una ko siyang nagustuhan. Parang ewan gusto ko lang talaga siya. His eyes and smile, nakamamatay! Kaya lang dahil sa kapangitan ko, hindi niya ako napansin like ever.
“ Miss Guevarra, uupo ba kayo o tatayo na lang dyan?” muli akong bumalik sa realidad nang marinig ko ang boses ng prof. Agad-agad ko namang nakita ang vacant seat sa harapan ni Callan. Ang swerte ko talaga ngayon, there’s a vacant seat sa harapan ni Callan! Tingnan lang natin kung hindi niya ako mapansin. Kabado ako ngunit go lang ng go! Lumapit ako sa kanya.
“Uhmm, do you mind?” tanong ko sa kanya with of course smile pang-extra ganda points sa kanya. Ibinalin niya ang kanyang tingin sa akin. Ako naman, natameme at kulang na lang tumulo ang laway ko.
“No, not at all.” Sagot niya at binigyan ako ng isang ngiti. Tila tumigil ang mundo ko sa ngiting iyon. Parang nakikipagkarera ang puso ko kay Petrang kabayo.
“Thanks! I’m Iya by the way.” Sagot ko. I tried to be a bit formal para hindi halata na halos mamatatay na ko sa kilig.
“I’m Callan, you look so familiar to me, have we met?”tanong niya. Like haleeer, schoolmate kaya tayo for the last 17896324619 years. OMG, namumukhaan niya raw ako? Tama ba ang dinig ko?!
“Ah, yeah schoolmate tayo pero hindi mo ako siguro namumukhaan kasi medyo baluga pa ako noon. Umandergo kasi ako sa evolution of monkeys! Ahahha tao na ako ngayon! Ahaha”sagot ko sa kanya pero pabulong na lang yung ‘baluga’ na part.
Magsasalita pa sana ako nang biglang mag-announce ang prof na may quiz. Napanganga naman ako. This past few days kasi puro about sa transformation ko lang ang inatupag ko. May quiz pala?
Matapos ng nakakahemorage na quiz, eh sa wakas natapos na rin. Sakto naman na wala na akong next class. Inayos ko na ang gamit ko at umalis nang room. Pauwi na sana ako nang maalala ko na may kailangan pa kong ayusin sa thesis ko. Dali-dali akong pumasok sa library lalo’t na isang oras na lang at magsasara na ito.
Kaunti lang ang tao sa library. ‘Yan kasi inatupag pa ang pagpapaganda, tuloy nakalimutan na ayusin ang thesis. Umupo ako sa isang sulok, nakita ko ang iba na tapos na sa kanilang thesis samantalang ako ay marami pang gagawin. Sus, ako pa! Kaya ko ‘to!
Halos manlumo ako sa nakita ko. Grabe ang daming mali at dapat baguhin. Di bale na maganda naman ako eh.
*
Mag-aalasingko na nang matapos ako. Naku, baka masaraduhan ako nito. Nagmamadali akong lumabas ng library at agad tumungo sa gate. Mas mabilis pa nga ata ako kay Flash sa pagtakbo ko ngayon.
Nang malapit na ako sa gate, biglang umulan. Grabe, timing lang ang pagbuhos ng ulan. Pero wala na akong choice, wala akong payong at malapit ng magsara.
Susugod na sana ako sa ulan nang may biglang humila sa akin sa isang madilim na silid. Hindi ko siya namukhaan pero ang amoy niya kabisado ko. Talagang siguradong sigurado ako na si Callan iyon!
“You need to know something.” pagmamadaling sabi ni Callan.
Tinitigan ko siya. Eto na ba ‘yun? Eto na ba yung pinapangarap ko? Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Pamilyar ‘to na eksena. Di ko alam na mangyayari rin ‘to sa akin. Grabe, eto na ‘yung pinakahihintay ko.
Lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko ‘to ineexpect ha pero grabe, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pipikit na lang ako.
Ginawa ko nga ang iniisip ko. Nakakapagtaka lang at walang nangyari. Namulat ako nang ilagay niya ang jacket niya sa balikat ko at sinabing:
“ Iya, may tagos ka.”
-End