[1] Welcome back

44 2 0
                                    

Aish! Nasaan na sila moma at dada. Ang tagal nila grabe alam nila ngayon na ako dadating sa pinas dapat hindi pinapahintay yung beauty ko! Nakakainis.

"Patimaaaaa!"

Napatingin ako kung sina moma at dada yun. Well sila na nga yun.

Nginitian ko sila at lumapit na para yakapin sila!

Waaah namiss ko na yakapin si moma at dada. Naiiyak ako charot. Haha.

"Patima ikaw na ba yan? Gumanda ka na anak ah dami pinagbago"

Si dada talaga mapagbiro panget ba ako sa paningin niya? Maganda naman ako ah. Matagal na! Ngayon lang ba siya nainform? Well ngayon nainform na siya haha.

"Matagal na ako maganda dada noh.. ang bad mo" Biro kong sabi kay dada.

"Ngayon ka lang ba naiform? Well ngayon naiform ka na na bad ang dada mo? Hahaha"

Nakikigaya na si dada sa 'WELL' ko hahaha nahawa sakin e. Well ganda ko kasi e. Papalag?

"Patima matagal na talaga bad ang dada mo noh tsura niya kinabait niya na yan"

Kaloka kawindang ang sinabi ni moma hahaha hindi mo kinaya bes.

"Ay oo nga noh bad na talaga si dada matagal na hahaha charot.." Biro ko kay dada. "moma tara na uwi na tayo pagod na ako e"

"O'sige tara na kanina pa naghihintay si kevin sa labas" moma.

"Ha? Uso pumasok sa loob noh.. nahiya pa siya?"

Kaloka! Ayaw pa pumasok. Naghintay pa sa labas siguro may hinihintay yun.

"Baka galit ka pa sa kanya daw e. Kaya hindi nalang siya pumasok sa loob ng 'naia'.."

So? Nahihiya pa siya sakin? Well tama yun! Kasabwat siya sa ex-boyfriend ko at siya pa ang nag 'dare' kunno huh.. kaasar nasisira lang beauty ko.

"Well... tara na uwi na tayo pagod na ako moma"

Pumunta na kami sa kotse pagbukas ko sa kotse nandun si kevin sa backseat sa harap ako umupo ayoko siya makatabi naaasar ako.

"Moma matulog muna ako gisingin muna lang ako pag nasa bahay na tayo"

"Sige anak halatang pagod ka nga"

Duuuh? Pinaghintay nila ako ng matagal sa NAIA kaazar.

Tumango nalang ako kay moma at pumikit na ako hanggang sa makatulog na ako.

"Pat gising"

Napadilat ako kung sino nag-gising sakin tss siya pa nag-gising sakin. Kapal niya.

Hindi ko siya pinansin at bumaba na ako sa kotse.

"Arf arf" tinignan ko yung aso parang familiar yung aso sakin. "Arf arf"

Waaaah si kicksie ang husky ko ang laki-laki naaaa!

Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya kinissan ko siya ang laki niya naaa! Haha naalagaan talaga siya ng mabuti dito. Babawi ako aso kong maganda na tulad ko. Well hahaha

"Kicksie musta? Ang laki muna ah hahaha babawi ako sayo ha? Bukas punta tayo sa MOA okay? Pagod pa si mommy pat ngayon.. Haha ang laki muna talaga"

"Inalagaan ko siya ng mabuti"

Napatingin ako sa likod ko. Si kevin buraot pala.

Tinignan ko lang siya tapos kinuha si kicksie para pumasok na ako sa maganda kong bahay. Haha.

"Patima anak" Tinignan ko si dada.

"Po?"

"Ah wala.. haha sige umakyat kana sa kwarto mo para mag pahinga"

Ang TANGA Ko! [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon