[8]

5 1 4
                                    

"Zack?"

"Oy. Ikaw pala yan."

Hindi. Hindi ako to. Anong ginagawa niya dito?

"Bakit ka nandito?"

Tanong niya.

"Paki mo."

Tinarayan ko siya at umupo ako sa gilid. Nyemas ang sakit ng likod ko.

Dami ko pang alam na dito ako mag-basa ng wattpad eh. dapat pala sa bahay nalang ako, kaso tinatamad pa ako umuwi sa bahay ang ingay eh. Lalo na si kuya.

Kinuha ko phone ko. Nagbasa-basa lang sa wattpad. Emeged.

"Wala ka bang gagawin diyan?"

Napahinto ako sa pag-babasa.

Anong sabi ni Zack? Diko narinig kinikilig kasi ako sa binabasa ko.

"Ha?"

Tumingin siya sakin ng masama.

"Wala ka bang gagawin?"

"Anong gagawin ko?"

"Tss. Wala ka bang gagawin sa pintuan?"

"Anong magagawa ko eh sa naka-lock yan."

"Anong silbe ng phone mo?"

"Phone ko? Ayun naubusan ng load diba ang swerte?"

"Tss."

"Psh." Ayun nalang sinagot ko.

Tumuon ako sa pagbabasa ko. Napatigil ako sa pagbabasa ng may tumawag sa phone ko. Waaah!

Kevin Calling...

Sinagot ko agad.

[Patima nasan ka ba?!]

"Mygad! may tumawag rin sakin. Puntahan mo ako sa room ko nakulong ako. Ngayon na!"

[Tss. Wag na. Diyan ka nalang matulog.]

"Ano?! Baliw ka?! Sumbong kita kay moma! Puntahan mo ako dito baka ma-rape ako ng di-oras."

Tinignan ko si zack kumunot noo niya at tinignan ako ng masama.

[Marerape ka ba diyan?]

"Oo may kasama ako.. Kaibigan mo."

[Sino?]

"Ano? Magchichikahan tayo? Bilisan mo puntahan muna ako!"

In-end call ko na yung phone ko. Dami pang satsat.

"Rape?"

Tinignan ko si zack.

"Biro ko lang yun. Para puntahan niya agad ako dito."

"Si kevin?"

"Paano mo alam?"

"Sabi ko na nga ba."

Ha? May sinabi ba siya sakin?

"Anong sinabi mo?"

"May Relasyon kayong dalawa. Tama?"

Napalaki yung mata ko. Srsly? Relasyon with kuya? Stupid.

"Relasyon?!"

"Yep. Ayaw pa mo?"

"Kilabutan ka nga."

"Don't be scared. Alam kong secret lang yung relasyon niyo. Kaya Isesecret ko narin."

Hindi ako makasalita. Bwisit. Anong pinagsasabi nitong lalaki nato?

"Ano? SR kayo?"

"Stupid. Ano yung sr?"

Ang TANGA Ko! [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon