[3] Kuya

14 3 0
                                    

Kevin POV

"Tara na kevin"

Sabi ko 'kuya' ang itawag niya sakin ngayon. Ngayon lang naman

"Maglalakad lang tayo.."



Tinignan niya ako ng masama.


"Nababaliw ka ba kevin?! Ang layo-layo ng mall! Duuuh!"


Sarap talaga pag-tripan to si patima. Haha. Namiss ko to ang asaran ko sa kaniya.


"Excercise ka lang naman ang taba-taba muna lawlaw na bilbil mo.."

Pft. Haha tumitingin lang ako sa daanan ayaw ko tignan mukha niya nakakatawa haha


"Seryoso?" Tinignan niya yung tiyan niya. "Kahit hindi pa naman lawlaw ang bilbil ko! Inggit ka lang naman kasi wala kang abs"


"Seryoso? May abs ka? Kalokohan! ang lakas lakas mong kumain may abs ka pa?"

"Bakit?! Totoo naman ah! Pakita ko pa sayo e"

"Wag na kadiri ka"


"Sus! Ma-iinggit ka lang naman hindi mandidiri. Kalokohan! Don't me"



"Seryoso patima? Ako? Ma-iinggit sa abs mo? Mag-kamatayan pa tayo baka ikaw ang inggit na inggit sakin. Haha tatawanan nalang kita"

"Bakit ba kita kinakausap? Huh? Hindi pa naman tayo bati ah! Bahala ka sa buhay mo!"

Nilagpasan niya ako. hahaha kita mo talo rin naman siya sa asaran haha Teka asaran ba yun? Inggitan ata yun eh o kaya payabangan.. haha

Humanap ako ng taxi ang layo-layo ng mall tapos lalakarin lang namin?

Nang makahanap ako ng taxi sumakay na ako

"Manong pahabol yung babaeng naka-orange"

Tinignan ni manong tapos tumango nalang sakin

"Patima sakay ka na.. hindi tayo maglalakad binibiro lang kita.."

Haha kaka-awa naman kapatid ko.

Sumakay siya na nakabusangot ang mukha. Hahaha dinamdam niya ata yung sinabi ko kanina.

Nang makarating na kami sa mall nakabusangot parin ang mukha.

"Patima kain muna tayo nagugutom na rin ako"

"Kuya.."

"H-ha? Ano yung sinabi mo?"

"May sinabi ako?"

"Ah. Wala"

"Tara na kain na tayo"

Hinila niya ako sa Chowking.

"Kuya chaofan yung sakin ah"

"S-sige"

Potek kevin bakit nauutal ka pag-tinatawag ka ng kapatid mo ng 'kuya'? First time lang ba? Huh? Huh? Tsk tsk.

Nang maka-order na ako tinignan ko si patima may kumakausap na lalaki sa kaniya. Sino sila? Lumapit na ako kay patima.

"Sino kayo?" Tinignan ko sila ng masama.

"Sino ka rin?" Tinignan niya ako ng masama.

"Si kevin. Sino ka ba huh?"

"Wag mo na ako kilalanin. Sino ka ba para ganyanin mo ako huh?"

Ang TANGA Ko! [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon