Chapter Thirty-nine: Boredom Strikes

158 8 0
                                    

Chapter Thirty- nine.


<:: Boredom Strike ::>

Niinx POV

Hindi ako makatulog dahil sa mga nangyari kanina. Napa-oo ako ni Tito Steve. At hindi ko na pweding bawiin pa yun dahil baka sabihin nila na wala akong isang salita. Nababagot na talaga ako. Gusto ko na maging maayos na ang lahat. Wala naman sigurong mawawala kong i-try ko. Sila na ang bahalang umitindi kong hindi nila ako feel. Hindi ko naman talaga gustong makasama sa grupo nila. Hay naku. Kailangan ko nang stress reliever ngayon. Miss ko na ang dating ako. Ang walang takot, adventurous, ang pagiging Ghost.

Napabangon ako at tahimik na naglalakad pa baba. Pero napahinto ako sa labas nang kwarto nina Max. Silang mga Heirs.


" Miggy tabi tayo, takot ako sa mumu eh." Sabi ni Lee kay Miggy napa-isip ako bigla sa narinig ko.

"Ang bading mo talaga Lee. Ayaw ni Wats ang mga ganyan." Sagot ni Miggy sa kanya. Hay nakakainis talaga. Bakit pa ba ako nakikinig dito.

"Miggy naman oh. Sabi daw nila may nagpapakita daw dito. " Sabi ni Lee.

"Naniwala ka naman sa mga katulong nina Tito Hey. Alam kasi nila na takot ka" Clifford said.

"Makapag-salita si Miggy parang hindi natakot noon sa Ghost princess na'yon." Biglang singit ni Max. Oo nga naalala ko ang pangyayari na iyon. Ang duwag niya din. Pero I realize, pina-nindigan talaga nila ang tawagin akong Ghost Princess.

"Oo nga. Mas duwag kapa nga nun sakin Miggy eh." Sabi ni Lee.

"Past is past guys. Hindi naman tutuo ang babaeng yun eh. Kong alam ko lang kong sino siya. Kahit ano pa siya kaganda dudurugin ko siya." Pagpapaliwanag ni Miggy. Dudurugin? Ha ! Kong hahayaan kitang durugin ako.


" Whatever." Matipid na sabi ni Max.

"Kaya ikaw Lee. Magpaka-lalaki ka na." Sabi ni Miggy. Hangang ngayon ang yabang parin ng Miggy na'to. Gusto kong i- try kong may isang salita nga siya na hindi na siya natatakot.

"Eeeh. Hindi naman sila siguro magsasabi nun kong hindi tutuo!" Sabi ni Lee. Duwag talaga.

"Alin dun?" Sabi ni Fritz.

" Na may namatay daw na maid dito dahil dito na siya tumanda sa bahay nina Tito Hey. Wala na daw kasi siyang pamilya. Huhu" Ang duwag talaga nang Lee na'to. Hmm. Ano kaya gagawin ko boring kasi ako eh.

"Joke lang yun." Sabi no Fritz.

"Anong Joke! Baka biglang lumabas ang Lola Aning na yun sa atin ! Waah!" Binigyan talaga ako nang ideya nang duwag na ito. HAHA. I'm back. Just wait at makikita niyo si Lola Aning.

Bumalik ako sa aking kwarto, naghanap nang pwedi kong gamitin. Kinuha ko ang flashlight at hinanap ang main switch nang mansyon.

"Nasan na ba yun?" Sabi ko habang naghahanap kong nasaan ang main switch.

"Niinx !"

"Ay Duwag! Bernadeth?! " Akala ko mabubuking na'ko nito. Si Bernadeth lang pala.

"Niinx may hinahanap ka?" Sabi niya.

" Nasaan ang main switch dito?" Sabi ko sa kanya.

"Nandun malapit sa stock room . Bakit po Mam?" Tanong niya.

"Secret lang natin to ha." Tumango naman siya .

"Ano po yun mam?" Tanong niya ulit

"May kasalanan sakin ang mga Heirs kaya gusto ko silang sindakin. Kaya kapag may sasabihan ka nito malalagot ka sakin." I warned her. Agad naman siyang tumango.

"Upo! Upo! Cross my heart. Nanduon po! Sige matutulog na ako. " Nag bow siya at tumakbo na agad. Mapagkakatiwalaan naman siya.

"Ah. Bernadeth!" Tawag ko ulit sa kanya. Agad naman siyang huminto sa pagtakbo.

"Yes po?" Sabat niya.

"Nasaan ang daraanan papuntang kisame?" Tanong ko sa kanya.


"PO?! Ah. Sorry po. Seryuso po kayo? Aakyat kayo nang kisame?" Sabi niya na may pagka-gulat na hindi siya makapaniwalang gagawin ko yun.

"Just tell me. Nasaan?" I said na parang bored na talaga ako.

"Malapit po sa kwarto nina manong guard. " Tumango ako at sinenyasan ko siya na umalis na.

"Sige po." Tumakbo na talaga siya.


Pumunta muna ako sa generator nang mansyon alam ko na kapag pinatay ko ang main switch ay agad nilang pa-aandarin ang generator. Alam niyo na siguro, tutal wala naman si Papsi dito eh. Sinira ko yung main component nang generator na nag bibigay nang electricity. May alam din naman ako tungkol dito dahil napanuod ko sa youtube kong ano ang hindi makapag-papagana sa generator. Pagkatapos nun ay pumunta ako sa may daraanan ng kesame bubuksan ko na ito para pag switch ko nito ay magmamadali akong aakyat papuntang kesame.

Pagkatapos kong i-off ang switch ay naririnig ko na ang mga ingay nila. May parang nagulat at naririnig ko rin dito ang ingay ni Lee. Ang duwag talaga. Humanda kayo sa'kin ngayong gabi. Haha.

Nakadapa ako na humahakbang sa itaas ng kisame papunta sa kwarto nila. And oh! Nasa kwarto parin sila.

"Ito na ! Ito na yun. Sabi ko sa inyo eh !" Sabi ni Lee na parang naiiyak na. Hahaha

"Can you please shut up !?" Sabi ni Max sa kanya . Okay magsisimula na ako. Ready go. Ehem. Ehem..

"Alam niyo ba na ayoko sa mga lalaking manloloko!?" Sabi ko galing sa kisame ang boses ko syempre parang monster talaga.

"Aaaaaaaaaaah!" Naririnig ko ang sigaw nila.

"Hindi niyo ba alam na na-aamoy ko ang amoy nang lalaking manloloko?" Sabi ko sa kanila. Ano kaya ang itsura nila.

"L-lola Aning kaw ba yan? P-pangalan mo si Lola Aning?" Tanong ni Clifford na natatakot.

"Oo! Bakit niyo ako nakilala!?" Sabi ko.


"Aaaaaaah!" tch. Ang duwag talaga nila.

"Takbo!!" Sabi ni Miggy. Ayan. Diyan ka lang naman magaling Miggy sa takbohan. Hahaha

"Lalaking naka red. Alam mo ba na ikaw ang naamoy kohhh?" Sabi ko.

"Waaaah! tulungan niyo kami! *bag! bag! Naka-lock ang pintuan ! Tuloooooong!!" Haha. Natatawa na ako dito promise. Oh. Nasaan na ang tapang mo ngayon Miggy ha.

"Sa bintana tayo lalabas." Ideya ni Clifford.

"Ang taas kaya kong tatalon tayo galing sa bintana." Sabi ni Max.

" Bahala na ! Aaaaaaaaaaaaaaah!" Narinig ko na lang na may bumagsak sa lupa. Agad-agad akong nagmadali papunta sa aking kwarto. Binutasan ko ang kisame na nasa kwarto ko para kong hahanapin man nila ako agad makaka eskapo ako.


"Miggy !!" Naririnig ko parin ang sigaw nila. Ano kaya ang nangyari kay Miggy.

"Miggy ! Samagot ka !! Oh sh*t! " Sigaw ni Max sa ilalim. Hindi ko na narinig pa kong nakasagot si Clifford. Agad naman akong nakarating sa kwarto ko. Pero nang naka apak na ako sa sahig ng aking kwarto. Nagulat ako. No! Hindi lang gulat. Kundi super gulat!


"What's the meaning of this young lady?!" Ah-oh. Hindi tama 'to. Parang pinag-sisihan ko na ang ginawa ko ngayong gabi.

"Kuya Jeez, Kuya Lester and Butler Raphael. Please don't tell this to Paps." Tiningnan lang nila ako na parang may napakalaking kasalanan akong nagawa. Oo na. May kasalanan nga ako.









At bigla ko nalang na alala si Miggy. Ano kaya ang nangyari sa kanya. Huli ko na lang na alala. Na mataas ang kwarto nila at ------




.

Oh Niinx ! What you have done !?









×××××××××××××××××××××××××××××





#boredomstrikes
#ghostPrincess

@niinx26

&quot;The Ghost Princess&quot; (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon