Chapter: Twenty-four: Sweet Revenge

163 5 0
                                    

<:: Sweet Revenge ::>

Niinx POV

Bago pa makalabas si Lion King ay tinawag ko siya.

"Lion King ! Ay !" Nadala ako sa mga sinasabi ng isipan ko! Naku .. Nagalit ko yata.

"What did you just called me?" Nakikita ko na ang mga fangs niya !

"Er- I mean. Sandali lang naman. Gusto kong kausapin si Sir Haymitch. Pero gusto ko munang maka usap sina kuya at dad." Sabi ko sa kanya. Lalo nang kumunot ang noo niya. Hindi ba niya gets.. Slow. Tch.

"Ang ibig kong sabihin. Bago ko kausapin si Sir Haymi---".

"Call Him DAD !!" ahh.. diniinan pa niya talaga ang word na 'dad' Okay payn !

"So pwedi na ba akong makawala dito?" Tanong ko sa kanya.

"Okay. But just make sure of it. Mahahanap parin kita." Sinenyasan niya ang mga tauhan niya na parang agents. Tch. Dapat nag cu-costume sila na parang nasa jungle para Lion King's soldier ang dating. *laughs*

"You're laughing. It seems na may kalokuhan kang gagawin yata?" Sabi niya. Ganun na ba ako kahalata? Nakita ko si Max na parang hinahanap ang mga kasama niya.  Wala na ang Lion King's friends!

"Kahit meron pa. Sabi mo nga diba.Mahahanap mo parin ako. Forgot already?" Napanganga siya sa sinabi ko. Nang nakalabas na ako sumakay ako sa taxi.. Habang nasa taxi ako nakita ko ang tarantado na si Miggy. Ha !! Akala niya makakatakas siya sakin nevah!

"Manong dito na lang po." Nagbayad na ako at bumaba na. Nakita ko siya na pumasok sa isang mamahaling bar. Manwhore talaga ang tarantado na to! Pumasok din ako sa bar. May itinatak ang lakaking malaki ang katawan sa kamay ko. Bawat pag pasok ko tinitingnan kong may tatak ba sa kamay ko. Cool. Pero dapat makapaghiganti muna ako. Nakita ko siya agad nasa isang daku siya na may pangalan na VIP at maraming babaeng nagkukumpulan sa kanya at may mga kasama din siyang mga lalaking katulad niya din. Tsk. aanhin ang gwapo kong tarantado. Tch.

"Hoy tarantado !" Bigla siyang napalingon sa kinarorounan ko. Busy kasi sa pakikipaghalikan kahit sino na lang ang hinahalikan niyang fling. Ewwness ! Nagulat siya nang nakita niya ako.

" What are you doing here ?" Sabi niya sakin na may pagkagulat pa din.

"Wow pare bagong chics mo? Ganda ah." Sabi ng lalaki na kasama niya.

"Pakilala naman kami dyan." Sabi pa ng isa. Binigyan ko lang sila ng boring look ko.

"I'm here to give a sweet kind of revenge." Kinuha ko ang bote ng alak at ibinuhos ko sa ulo niya.

"Sh*t !" Miggy.

"Nagustuhan mo ba? * laughs* Bye ! *insert flying kiss*" Nakita ko ang mukha niya na galit na galit. Nang nakalabas na'ko may narinig akong sigaw

"Aaaaaaah! *bottle crash* Ganyan ka na ba huh? parang wala lang may nangyari na umiiyak ka pa kanina!! " Bago ako lumabas ng tuluyan ay sinilip ko muna siya. Nakita ko si Miggy na binabasag niya ang mga bote at sumisigaw na naiinis. Buti nga sayo. Pero akala ng iba double meaning ang mga pinagsasabi ng tarantado na yun. Makaalis na nga.. Teka..

"Kuya?" Nabigla ako. Papasok dito si Kuya sa bar ? Nakita niya ako. Parang maiiyak na naman ako.

" Sis !?" Kuya Lester hug me. Parang na miss ko rin siya.

"Niinx wag ka nang magalit sa amin ni Jeez. Kapatid pa rin ang trato namin sayo. Walang magbabago." Nakita ko naman ang malungkot na itsura ni Kuya.

"Sorry Kuya.. Can we go home? I need to talk to the three of you." Me.

"Good. Let's go." Nang nakapasok na kami sa kotse ni Kuya bigla kaming nagkatinginan alam niyo ba yun ang itsura na may gusto siyang malaman.

"Bakit ka nasa bar?" Sabay pa talaga kami ni Kuya.

"May pinuntahan lang akong tao na may kasalanan sakin kanina . Eh ikaw?" Napaka tahimik naman ni kuya.

" Magpapakalasing sana. Gusto ko munang makalimutan ang mga problema sa pamilya natin. Lalong-lalo na sa disisyon ni Dad na ibigay ka na sa totoo mong ama." Parang kumirot naman ang puso ko.

"K-kuya.. ganyan mo talaga ako ma mi-miss? Mahal mo talaga ako kuya noh.." Sabi ko na maluluha na. Ano ba ! Hindi naman ako iyakin eh. At hindi ako mabilis ma touch. Pero ano ngayon? Unfair naman oh!

"Hindi ah.. Wala na kasi kaming iinisin ni Jeez. Wala na kaming babantayan sa mga mangyayaring kalokohan sa bahay." Pambihira ! Kong saan ba naman ako na touch umipal pa ang abno kong kuya. Tsk.

"Tara na nga ! Pangit ka pa rin." Sabi ko kay kuya Lester.

"Pero Sis.. Jeez and Dad will be happy for you. " Hindi na ako nag. response sa sinabi ni Kuya Lester. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Napagod ako sa takbo at kakaiyak. Nakakatawa. Takbo ako ng takbo, lalapit parin pala ako kina Dad at Kuya. Clap. Clap.. Tanga na ako.


×××××××××××××××××××××××××××

Thanks for reading! Free to comment and vote kahit nega okay lang po.

#ghostPrincess
#revenge

&quot;The Ghost Princess&quot; (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon