PROLOGUE
Isang buwan na ang nakalipas simula nang aminin sakin si Jin na "oppa" din ang nagmamay-ari ng puso niya at wala ng pag-asang magkagusto siya sakin unless He will change his heart. Pucha ! Ba't ang sakit pa din?!?
Sa tuwing naaalala ko lahat ng fangirling ko noon sa kanya na halos patayin ko na yung ibang fangirls niya , mga oras na nagiging hokage ako kapag nandiyan siya at mga segundong inuulit ulit ko ang performance niya habang palihim na nagtutumbling ang puso ko. Lahat ng yun ay kailangan ko nang ibaon sa land of forgotten.
Kahit hindi "kami" , kailangan kong mag move on na parang tanga para sa ikatatahimik ng kaluluwa ko. Pero paano ko nga ba gagawin yun kung sa tuwing may sayaw kami ay makikita ko siya at ang masakit pa dun , mga landian nilang dalawa ni kuya Nam :( Dun ko lang na realize na iba na ang shytype na Jin na nakilala ko. Iba din kasi ang PDA nila ni kuya Nam . Minsan naiisip ko , kung ako kaya syota niya at lalaki tung si Jin , ganun din kaya siya lumandi sakin? Shet! Ba't bigla na naman ako inatake ng pagkahokage ko? GHAAD! I hate drugs !
**
Ngayon ay ang unang araw nang aking pagmomove-on ! Umupo ako habang nakatitig sa salamin. Iba na ang Mina na nakilala niyo . Hindi na ako ang dating masayahin at makulit na Mina. Magiging cold-hearted lady na ako simula ngayon.
Naglagay ako ng makapal na eyeliner with matching bloody red lips. I transform myself into a bitch-like look. Tinignan ko sarili ko sa salamin , " What the fvck?!?", inexpect ko na kamukha ko na si Hyuna pero ba't ganito ? Mukha akong prostitute ! Agad akong tumayo at naghilamos ng mukha.
Tangina! ang hirap tanggalin ng make up na 'to! Ba't ba kasi ginaya ko pa yung mga karakter sa nababasa ko na NAGMAHAL , NASAKTAN , NAGING BITCH , NAG MOVE ON ? Hindi ko man lang naisip na wala palang powers ang mga make-up para makapag move on ka sa taong hindi kayo.
*Phone ringing*
"Oh Nana, Napatawag ka?", sabi ko ng masagot ang tawag.
[Ano gawa mo?]
" eto , nagmomove-on kay Senpai !"
[HAHAHA! Hindi ka pa din nakakapag move-on ?!? Isang buwan na ang nakalipas teh! Tinamaan kana ata ni kupido !]
"Tumahimik ka , Bitch-mode ako ngayon! Kung wala ka ng sasabihin -- "
[Teka wag mo munang ibaba !]
"Ano nanaman kailangan mo?"
[ Samahan mo naman ako , gala tayo. May chika ako sayo ! Wala ka namang gagawin diba? ]
Hindi ko na sinagot at binabaan siya ng tawag. Nagbihis ako para samahan ang panget kahit hindi ko siya ininform . Actually wala naman akong pake sa ichichika niya sakin kasi for sure mensu nanaman yun gusto ko lang talaga umalis ng bahay para makaiwas sa mga utos.
** SM **
" Nakahanap na ako ng bagong Senpai natin !" , wika ni Mina ng magkita kami sa food court na abot tenga ang ngiti dahil dumating ako.
" Anak ng tokwa! Hindi pa nga ako nakakamove on sa isa may bago agad? ", sagot ko.
" Ano ka ba? Mapeperahan narin 'to !"
" Akin na yung number !", agad kong sagot.
Bahala na kung bayot man ulit yan ang mahalaga makakabawas sa pagiging dukha ko kahit di ko pa alam kung paano siya mapeperahan.
" Baliw! Nasa contacts mo ang number niya! Saka hindi natin siya type , pero marami nang nagkakatype sa kanya. *evil smile* "
Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Nana. "Kung nasa contacts ko , it means kilala ko siya? "
"Yup ! Member din siya ng fab armies. " Pagkabanggit niya ng grupong yun ay mukhang alam ko na kung sino.
"Si Jimmy? ", Siya lang kasi ang naisip ko na member ng fab armies na may maraming fangirls maliban kay Jin. At yeah , he's really not our type. My ideal guy is manly at may magandang katawan at mukha , Jimmy is the opposite . Mas mabuti na yun nang hindi na ako mafall at masaktan muli. We're quite close to each other at nafefeel ko na din na siya yung susunod na aamin after ni Jin.
"Bingo ! ", ani niya.
"Paano natin peperahan yan?", tanong ko
" Duh , andami na niyang fangirls ngayon so tayo ang magbabantay sa kanya at magpapabayad sa kung sino man ang magpapapicture sa kanya tuwing may event. Kahit limang piso lang bawat shot , pag maraming fangirls mas maraming pera . Oh diba ! Ano deal?"
Sus akala ko kung ano, eh ang liit lang naman pala ng makukuha kong pera diyan. Akala ko libo-libo ang kikitain ko. Pfft pero keri na , atleast may pera kahit katiting lang.
"DEAL!"
****
Nasa couch ako habang nag fefacebook. Nagscascan ako ng nga events na upcoming this year like dance cover contest, kpop cosplay etc. Excited na ako sa next event na sasalihan namin, kahit hindi man kami manalo, magkakapera pa rin kami ni Nana. *evil laugh*
Sa kalagitnaan ng pagscroscroll ko ay biglang may nag pop out ;
You have 1 friend requestNang ma check kung sino yun ,
O_O
Jimmy K. Dekka
Teka ba't nag friend request tong bayot na 'to ? Mukhang friends na ata kami sa fb noon pa diba? O baka gumawa siya ng bagong account o accidenteng inunfriend niya ako?
Hays, damn curiousity , naputol tuloy yung pagscascan ko para sa bagong negosyo namin ni Nana. Nag message ako sa group chat ng agency namin.
ME: Hoy Jimmy , ba't ka nag friend request sakin ? Friends na tayo sa fb diba?
Jimmy: Ha? Anong friend request yang sinasabi mo ah?
Scrineenshot ko pa para sa kanya saka sinend sa group chat.
Jimmy: Luh? Papaano?
Me: Aba malay ko ? Ako ba nagmamay-ari ng account mo?
Jimmy: Pero impossibleng mag send ako ng request eh kaka-open ko lang ng phone ko. At hindi pa ako nakakacheck ng facebook. Messenger yung una kong inopen tapos nagbungad sakin yung chat mo.
Ha? Eh ano 'to multo? O baka doppelganger ?
Inaccept ko yung request saka viniew yung profile.
Yung pangalan nilang dalawa ay kopyang-kopya pati profile picture. Pero mukhang kakagawa pa lang ng account na 'to eh.
Me: Gumawa ka ng bagong account no?
Jimmy: Ulol! Ba't ako gagawa ng bago? Wala naman akong issue sa account na 'to ?
Kung hindi si Jimmy ito , eh sino?
Ina : OMG ! Poser yung nag friend request sa'yo Mina !
Me: poser?
BINABASA MO ANG
POSER (Senpai Is A Lie Book 2)
Historia CortaI don't know his face but I like him . . .