linis time!

14 0 0
                                    

lumabas ako ng bahay kinaumagahan. May tree house pala dito. Bat di ko to nakita nung dumating kami?? Nasa gilid lang naman ng bahay.

ganda ng pagkakagawa. May hagdan pa talaga!

Maakyat nga..

Uubb booo! Uub booo! Ayos tong ubo ko ah! Galing! ubo nga naman! Hahahaha

Maalikabok naman kase talaga!

hmmm. Linisin ko kaya??

So kumuha ako ng feather duster sa loob ng bahay at dalidaling lumabas.

Linis banda rito, linis banda ron.

ilang oras din ako naglinis. woohh!!! Kapagod!! Atleast kahit papano luminis. Dito nako tatambay!

Naupo na muna ko sa upuan dito. Ayos talaga tong bahay na nabili ni papa.

hmm. Anu kaya feeling ng may humahalik sayo habang nagpapahinga?? Masubukan nga..

Uuhmm.. mwahhpx. Mwahh. buti abot ang balikat. Hahaha!

''anu yang ginagawa mo??''

''ay butiki!!!'' Siraulo tong unggoy na to!

''bat mu hinahalikan sarili mu?''

''ikaw ba mi balak atakehin ako sa puso?? Wag mu kong ginugulat ng ganyan!!!!''

''sorry. Nakita kasi kita na umakyat dito e.di ko alam sinasapian kana pala ng masamang spiritu!!''

''masamang spiritu ka jan!!che! Eh anu naman kung hinahalikan ku sarili ko??''

''bakit, gusto mo na may humahalik sayo??''

''uo. eh ano naman sayo??''

''pano nalang kung ibang tao nakakita sayo dito? Baka marape kapa!''

''umalis ka na nga!! Ke aga2, binibwisit mokong unggoy ka!''

''yoko nga! Dito na muna ko.''

''bahala ka nga jan!'' Tumayo nako at aakmang aalis.

''oh? San ka pupunta?'' Hinawakan nya siko ko.

''maghahanap ng magkikiss!!!''

'' siraulo ka ba? Gusto mo talaga ma rape no?''

''eh ano sayo? Sarili ko naman to!''

''tigas ng ulo !''

''aray! Bat ka ba namimitik ng noo? Masakit kaya!''

''sige. Gusto mo talaga na may humahalik sayo??? Available ako ngayon. pwede mu naman ako pakiusapan eh!'' aba't!!

''neknek mo! chansingan mo pa ko eh!''

''ah! pag ibang tao pwede, pag ako hindi?? If i know, gustong gusto mo ang halik ko...'' xD

''aba! Ano ka hellu? Hahaha! Feeling ka din eh ! Jan kana nga!''

''ops! Ops! Di pa kita nahahalikan. Ako lang pwede. Yung iba hindi.''

''seryoso ka??''

''uo . Diba gusto mo na may humahalik sayo? Swerte mo, libri ako ngayon.'' XD

''Wag na! yoko sayo!''

''bakit naman?''

Napaatras ako. Humahakbang sya papunta sakin eh. emeged!

''jan ka lang! Wag kang kikilos!''

''ano gagawin mu? huhulihin moko? Pulis kana??''

sige padin sya sa paghakbang.

Lagot! Napasandal nako sa dingding.

''stop! sisigaw ako!''

''sige. Magigising lahat, ikaw din.'' napalunok nako! Shet!

Super lapit na ng mukha nya!

''anu? Ready ka na?''

''aahh .ahhm.. anu...'' shet naman! Nauutal ako!

napapikit nako! Nakakaduling!uugghh!! Nanlalambot mga tuhod ko.

Pinaikot nya braso nya sa bewang ko. Kung hindi baka natumba nako.

'' after this kiss, sabihin mo lang kung gusto mo pa. pagbibigyan kita..'' pabulong nyang sabi na halos di ko marinig sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang mabibingi ako!

At naramdaman ko na lang na lumapat ang bibig nya sa bibig ko..

Nasa langit na ba ko???

Uuggh!! Ke aga-aga! parang may tumigas sa dibdib ko. Beyen!! Nag iinit ako.

Gumagalaw bibig nya. ang dila nya pilit binubuka ang bibig ko para makapasok..

So I opened my mouth at hinayaang makapasok dila nya.

Di man ako expert dito, pero ginagaya ko ginagawa nya. I moved my lips. I even explore his mouth with my tongue. Ang fresh pa! Kaka toothbrush lang yata. Bawat halik nya parang nawawala energy ko. kaya napakapit ako sa batok nya.

napaka gentle nyang humalik.

''uhhmmm..'' di ko na alam kung sino umungol samin

''kung alam mo lang yam kung gano ako nahihirapan..''

Di ko alam sasabihin ko. Nahiya ako bigla.

hinawakan nya magkabilang pisngi ko at dinampian ng isang napaka sweet na halik..

''maligo kana yam. Nangangamoy kana.'' XD

''Siraulo to! Tse!'' Tinulak ko xa at tumakbo nako papasok ng bahay.

humalakhak pa ang mokong!! uugh! Nakakahiya!!!!!!!!!!!!

Magdamag ako sa bahay. Di ako lumabas.nanuod lang ako ng tv, natulog, kumain. Haays!! Boring!!

Gabe nanaman! Ambilis! Wala ako halos ginawa.

''anak! Bumaba kana at kakain na tayo..''

''ge ma! Sunod nako''

gaya ng dati, madaming ulam! Hahaha. Wag naman sana akong tumaba!

''ma, naalala mo si Carlo, yung kaklase ko dati? Nandito pala sya.''

''ay, oo anak! di ko ba nasabi? sila  ang may ari ng rest house na to. Binenta ng papa nya kasi sayang lang daw walang titira. Malapit lang din dito bahay nila. Naging magkaibigan pa nga kami ng mama nya. Haha. Biruin mu yun anak? ke bait na batang yan si Carlo. Gwapo pa!''

''ha? Eh bat ngayun mu lang sinabi ma??''

''naku iha, kaibigan ko nung college yung mama ni Carlo. Mabait talaga yun.'' si tita

''Magkakilala din pala kayo tita.''

''yes iha. Mabait na bata yang si Carlo. Gwapo na, mayaman pa! Hehe''

''bagay kayo anak. Maganda ka, gwapo sya.''

'ma naman! Pangit kaya nun! siraulo pa!'

'haha! Basta anak, mag aral muna ha? May tamang panahon para jan.'

'syempre naman ma!'

'good. Lets eat.''

Pagkatapos kumain, pumasok nako sa kwarto. Inoff ku na ang ilaw. nakatanaw sa labas ng bintana.

Teka, parang pamilyar yung nasa terasa di kalayuan. Bumangon ako at lumapit sa bintana.

Ha? Si carlo? Dun bahay nila ? ang laki naman? Parang mansyon!

Pero anu ginagawa nya sa terrace nila? parang may hawak na baso. Umiinom? Umiinom xa?

Kelan pa xa natuto uminom? Kahit pa wine lang yun. Alak padin yun.

Nakikita kaya nya ko mula dun?

Parang dito sya nakatingin.

Imposible naman siguro.

Mi problema yata sya. Anu kaya yun?

bukas punta ako sa kanila. Di ko pa pala sya napapasalamatan sa pag sagip sakin. May naisip ako. Heheh. Tulog na ko..

I Love You, Mayang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon