"Lene!!!! Nasan ka na ba??? Kanina pa kami naghihintay sayo dito. Super puno ang bar!!!!". Pag iimporma ni Flor sa kanya na para bang nanalo sa lotto.
Si Flor ay naging kaklase nila noong college sila. Naging malapit na kaibigan nila dahil sa pagiging mahiyain nito. Maputi ito kaysa sakanya. Si Trina kasi ay morena lang.
Parang nag gluta pero natural skin talaga yun. At ang nagustuhan nila ay ang mga labi nitong natural ang pagkakapula na parang nag lipstick. Mabait si Flor. Parang di makabasag pinggan. Lagi nga itong binubully nuon na parang pagong. Laging nakatago sa shell. Bukod sa may salamin ito, may braces pa! Sinabihan nga nila na wag na mag salamin. Mag contact lens nalang pero ayaw niya dahil komportable naman daw ito sa ganon kaya hinayaan nalang nila. Tahimik lang din ito. Maganda si Flor kung marunong lang mag ayos ng sarili.
"Naku Flor ah! Para namang may bago sa balita mo!" Sagot ni Yam sa kanya na parang matatawa sa kaibigan. Papunta na siya sa bar na itinayo nilang magkakaibigan nung gumraduate sila sa kolehiyo. Business Management ang kursong kinuha nilang tatlo. Siya, si Trina, at si Flor. Si Kuya Elmo naman ay HRM ang tinapos. Mahilig talaga ito magluto. Kaya nung magtapos sila 2 years ago, ay napagkasunduan nila na magtayo ng negosyo. At ito nga ang bar na iyon, ang "Just Chillin". Mula nung itayo nila ito ay dinadagsa na ng mga tao. Lalo na pag gabe. Mga nag nanight out at gustong mag relax. Karamihan ay mga college students. May live band din tuwing gabe.
"Bago to! kung dati ay marami, ngayon, supeeeeeeeeeerrr dami!!" naiimagine ni Yam na tumatalon talon sa tuwa si Flor. kaya natatawa na lamang siya na napapailing.
Mahigit isang taon nang nag ooperate ang bar nila. At nagpaplano silang magkakaibigan na magdagdag ng isa pang branch. Mula noong itayo nila ang bar na to ay laging dinadagsa. Si kuya Elmo ang laging nakatambay sa kusina dahil nga sa mahilig talaga yon magluto. Hindi lang kase puro alcoholic drinks ang nandon. Meron din silang ibat ibang foods para sa mga hindi umiinom na gusto lang tumambay.
"Oo na! Hahahah. Papunta nako jan. Just give me half an hour and I'll be there. I'll hang up. Magdadrive pako." At inend na nya ang tawag.
POV ko.
Sino pa nga ba? Edi ako! Duh! Ako bida dito. Joke! 😄
Hayyy. Nakakatuwa naman dahil nagbunga ang pinaghirapan namin. We can say that we are successful at our age. Mula nung gumradweyt kami ng college pinagsama namin ang ipon namin para magtayo ng negosyo. Syempre medyo kulang yung pera namin kaya with the help na din ng parents namin. Hheheheh. Gusto nga ni papa na dun nalang ako magtrabaho sa company namin. Ehh, pwede rin naman pero mas masaya pag magkakasama kami ng mga super friends ko. Okay lang naman kay papa eh. Isa pa, mas patok ang ganitong negosyo. Pag ma stress si papa, pwede siya mag unwind dito. Ehehheeh. Syempre may bayad. Negosyo kaya to. 😂
Malapit nako sa bar. Hindi paman ako nakakalapit, kitang kita na nga na puno talaga. Baka 3 months from now, sisimulan na namin ang second branch. Nakakatuwa lamang. Wehehehe. Kami na!
So, bumaba nako ng kotse at pumasok ng bar. Tama ang nababasa ninyo. Marunong nako mag drive. Yaay!! Mula kasi nung makapagtapos ako sa college, tinuruan nako ni papa mag drive para just in case daw may emergency ehh marunong ako magmaneho. Kay nung birthday ko last year, kotse niregalo nya skin. Wehehheh! Color blue pa! My favorite!!! So yun, Dumiretso agad ako sa office naming magkakaibigan.
"There you are!" Si trina.
Nakipagbeso-beso nako sa kanilang lahat. Ambabakla nga eh. Sino pa ba naka imbento? Edi si Kuya Elms. Hahahah! Speaking of him,
"Where's Kuya Elmo?" Tanong ko sa kanila.
"Tinatanong pa ba yan? San pa ngaba, edi sa paborito nyang tambayan!" Sagot ni Flor.
BINABASA MO ANG
I Love You, Mayang!
Teen FictionThis is about the two teenagers who fell apart for how many years because of LOVE. LOVE din kaya ang dahilan kung bakit magtagpo ulit ang landas nila o sadyang mabait lang si Dora na ipahiram ang mapa nya para magtagpo ang dalawa? 😂