Kinabukasan, gaya ng pinag usapan, namangka si Yam at Carlo. Mahigit isang oras lang sila sa lake. At niyaya na siya ni Carlo mamalengke para sakto sa tanghalian. Ang binata ang nagprisinta na bibili ng mga pansahog para sa putaheng lulutuin ni manang Kusing, ang tagaluto nila sa bahay.
"Carlo, san ka naman natuto mamalengke?" Tanong ni Yam habang nakatingin sa binata. Pumipili ito ng sibuyas. Iyon nalang ang kulang sa mga bibilhin nila.
"Kay manang Kusing. Sinama niya ko minsan sa pamamalengke. Which is good". Sagot ng binata. "Lika dito, Yam. Kapag bibili ka ng sibuyas, pisilin mo kung matigas o malambot. Pag malambot, wag mo kunin. Pangit yon. Piliin mo yung matigas pa. Gaya nito," kumuha siya ng sibuyas. Pinisil nito iyon. Pinapisil din kay Yam. "Oh, ano sa tingin mo?"
"Malambot nga". Tsaka inamoy. Napangiwi siya. "Tsaka medyo malakas ang amoy?"
"Exactly! Kapag ganyan na ang amoy ng sibuyas at malambot, that means, parang lanta na. Wag mo kunin. Same with potatoes. Mas okay pag matigas din. Kapag sa kamatis naman, pag bibili ka ng maramihan, wag ka bumili ng hinog lahat. Malalanta lang mga yon. Sayang. Pag di mo gagamitin lahat kaagad, yung medyo berde pa ang bilhin mo".
Matamang nakikinig si Yam sa binata. Mukhang sanay na sanay na nga ito mamalengke. Pwede na kami ikasal, father!!
Nyeee!! Marunong lang mamalengke, kasalan na agad?? Haha! Nababaliw na yata ako. Tsk!
Iiling-iling ang dalaga at di namalayan, nakangiti na pala sa isiping iyon.
"Oh, bat ka nakangiti??" Nagtatakang tanong ng binata. "Masyado ka naman yatang natuwa sa mga sinabi ko."
Parang bumalik sa katinuan ang dalaga. "Ha? You were saying??" Wala na. Out of this world na siya!
"Are you okay, Yam? Haha! Wala ka naman sigurong sakit, diba?" Saka sinipat ang noo ng dalaga kung mainit ba. "Alam ko naman na gwapo ako at maappeal pero pwede ba mamaya mo na ko pagpantasyahan?? Baka kung anu pa gawin mo dito at may makakita. Nakakahi---aray!" Sapo-sapo ang braso.
"Sige ituloy mo!" Pinandilatan siya ng dalaga. "Asa ka naman na pagpapantasyaha kita!"
"Napakabayolente mo talaga, Yam." Habang himas sa nasaktan kuno na braso. "Wala naman sakin kung mag daydream ka. Lalo pag ako ang paksa." Sabay ngisi.
"Tse! Over my dead and sexy perfect body! Nevah kitang pagpapantasyahan, no!" Nakapameywang na turan niya sa binata.
"In denial pa siya oh! Halata naman."
"Asa ka men! Magpapantasya nalang ako, mas mabuti pa kung si Sam Concepcion! Matutuwa pako pagkatapos."
Alam ni Carlo na ultimate crush slash idol nito ang naturang artista. Naalala pa niya dati na tuwing may concert si Sam kung saan-saan, laging present ang dalaga. Pwede na nga itong maging gold medalist sa pagiging stalker sa kakasubaybay sa Sam na yun. Kung may diamond medal pa, baka si Yam na ang makasungkit. Ganun ito kahibang sa crush nitong artista.
"Hahaah! Di hamak naman na mas pogi ako dun. Idagdag pa ang pagiging hunk ko. 😏😏 kaya di nako magtataka kung ako na pinalit mo sa artistang yun."
"May bagyo ba na paparating? Di yata ako na inform ni kuya Kim."
Magsasalita pa sana si Carlo nang humirit ang tindera. Sabay silang naplingon.
"Kuuu! Mga batang iree. Ang kukyuut tignan. Bagay na bagay. Parang sa teleserye lang." Halatang kinikilig ang Ale
"Naku ate! Di ko boyfriend ang unggoy na yan no! D siya pasado sa standards ko." Wika ng dalaga.
"Talaga lang ahh?? Kaya pala nung hinalik----arayyyyy! Nakaka strike two kana ha!" Reklamo ng binata dahil kinurot siya ni Yam sa tagiliran.
"Isa pa, ituloy mo lang at makaka strike three kana talaga sakin!" Banta ng dalaga
BINABASA MO ANG
I Love You, Mayang!
Teen FictionThis is about the two teenagers who fell apart for how many years because of LOVE. LOVE din kaya ang dahilan kung bakit magtagpo ulit ang landas nila o sadyang mabait lang si Dora na ipahiram ang mapa nya para magtagpo ang dalawa? 😂