Magandang umaga! Ako nga pala si Indira Gail Candelario. Pero kilala ako sa palayaw kong “Indie”. Ako’y 17 na taong gulang, lampa pero saksaksan naman sa katalinuhan, ‘di, joke lang pero lampa talaga ako. Pero ‘di naman ako boploks. Third year high school na ako ngayon sa Saint Monica’s Academy at ako ay…
Indie: OMG! Male-late na ako.! O_O (Kinuha ni Indie ang kanyang tuwalya sabay halik sa lahat ng picture ng isang lalaki sa kanyang kwarto)
Opo, nakuha niyo man o hindi, inaamin ko na hopeless romantic ako. Pero hindi ako obsess noh! Ako lamang ay isang simpleng dalaga na umibig. At ang maswerteng lalakeng ito na bumihag sa aking puso ay walang iba kundi si Chace Villaceran ng III-St. James. Sayang nga eh, hindi kami magkaklase pero at least magkatabi lang ang klasrom namin. Wahahaha! Pero yun nga lang siya ang pinapangarap at kinababaliwan ng mga babae sa school namin kaya marami kami, yung iba nga biente kwatro oras nakatutok. Kaya binabawi ko na ang evil laugh ko. Ahahahhaw.
Naku ang aga-aga ang dal-dal- dal-dal ko na. Oo, madaldal ako pero selfie lang at syempre sa BFF ko rin.
Niccolo: Indie. Tama na. Mabubura na yang mukha ni Chace sa kaka hahalik mo sa litrato niya. Obsess rin tayo pag may time.
Siya yon, si Niccolo Apolinario. Bespren ko simula ‘nung mga fetus pa kami kasi BFF rin ang mga nanay namin.. Medyo geekish siya at loser sa paningin ng iba pero ‘pag nakilala mo na siya nang lubusan, masasabi mo na medyo cool pala siya. Medyo nga lang.
Niccolo: Ang tagal mo ah, 6:45 na kaya…
Indie: Ayh, sorry naman kasi. Mahirap naman kasing gawin lahat within 10 mins.
Niccolo: ‘Sus! Palusot ka pa, kasalanan mo rin naman kung ba’t ang late mo na gumising, alam mo namang may kakaibang morning ritwal ka pa. (Picture of Indie kissing Chace’s pic) Tara na nga, mahuhuli na naman tayo nito eh.
Sa School…
Ito yung school namin. St. Monica''s High School
Sa high school, kailangan matuto kang lumugar kung sa’ng estado ka napapabilang. Kaya naman di maiiwasang magkaroon ng social tiers at siyempre, expected na ang nasa itaas ay ang mga magaganda, gwapo at athletic na sikat sa school namin gaya ng mga jocks (zoom in sa jocks na nambubully sa mga nerd): sila ‘yung tipong sporty at nambubully,ang mean girls (zoom in sa mean girls) o mas kilala sa tawag na “VIXENS”: sila ang mga sosyalera, chikadora, bungangera, feelingera--- lahat na lang ata ng “ra” sila na. Sa gitnang tier naman napapabilang ang mga matatalino (zoom in sa mga nerds). Sila ‘yung mga hindi physically attractive pero sikat pa rin kasi naman, mga pangalan nila halos ang laman ng mga bulletin board. Kasali na rin dito ang mga bookworm, club presidents at academic achievers. Dito napapabilang ang bestfriend kong si Niccolo at kapatid kong si Val. Ako? Nasa pangatlong tier lang ako napapabilang. Nandito ‘yung tinuturing na mga “nobody” sa paaralan kasi “passive lang kami at sumasang-ayon sa opinion ng iba. Sino pa ba nakalimutan ko… Hmmm...
Fangirl: Andito na silaaa!!!
(nagkakagulo ang mga girls)
Ahh... oo, sila pala ang mga crush ng bayan. Si Gabe, Jethro at ito, familiar na mukha niya sa inyo---ang pinakamamahal kong si Chace. Magkakabarkada sila at as expected, sa unang tier sila napapabilang. Mga mayayaman, pogi at mababait pa. Kahit nasa pinakaunang tier sila, di sila hambog, di gaya ng ibang jocks.
Niccolo: huy! Nakita mo lang si Chace, tumulo na laway mo.
Indie: Hindi ah.*tss… Tara na nga.
Lunch break…
Calling Niccolo…
(sa cp ni Indie, si Chace ang wallpaper)