Chapter 2: The Beginning
"Sandy, were leaving! Sasama ka ba para maghatid sa amin sa airport??" si Mommy.
"Asusual.. kung ipilit ko naman na hindi ako sasama wala pa din naman akong magagawa diba? Kayo pa din naman po ang masusunod e!" masama ang loob na sabi ko.
"Sandy!" saway sakin ni Daddy.
"Fine! Wait for me, I'll just change my clothes!"
I'm Sandy Erisza Romualdez.
The only child of Romualdez family who consider as one of the most influential families here in the Philippines.
Kung mapapansin niyo, masama ang loob ko sa mga magulang ko.
Its all because, they will leave me again para bumalik sila sa Canada.
We have a company branch sa Canada na siyang inaasikaso ng mga parents ko. Since 7 years old, nasanay na ako na hindi maranasan ang pag-aalaga ng isang magulang.
For those years na nabubuhay ako dito sa mundo, business is the only one they care for.
Minsan naiisip ko kung naiisip ba nila na may anak sila, kasi para sakin hindi.
Pero di bale na. Sanay na ako.
Sa 21 years na nabubuhay ako dito sa mundo, nakayanan kong intindihin at alagaan ang sarili ko nang hindi sila kasama.
Pero kahit ganun, mahal ko pa din naman sila.
I consider myself "independent".
I have my own house, a condo unit and a black buggati. I have a lot of money, bukod pa yung binibigay nila at bukod pa yung kinikita ko sa pagmomodel ko.
Yes! I'am a professional model and one of the most favorite model for the cover photo of Z Magazine.
Sabi nga nila lahat nasakin na..
money,
fame,
beauty and brain..
a loving bestfriend and a very supportive manager.
Para saken, sila ang pamilya ko.
Pero mali sila ng sinasabi na nasakin na ang lahat.
"Sandy! Double time.. maiiwan na kami ng flight namin!" si Mommy.
"Why so excited Mom?" iritang sabi ko nang makababa na ako mula sa kwarto ko.
Im just wearing black shorts and a white see-through sleeveles blouse and a pair of flat shoes.
Simple lang akong babae.
Ayoko din na may makakakilala sakin sa daan to take pictures, I don't want that kind of publicity.
"You know Sandy, hindi pwedeng malingat samin ng Mommy mo kahit isang minuto ang company natin sa Canada. Were doing this for you!"
Fine.
Pag pinaandaran na naman ako ni Daddy ng ganyang mga salita, tumatahimik na lang ako.
"Let's go!" si Mommy.
Habang nasa byahe...
"Dad!" tawag ko.
"Bakit?"
"Pwede bang dumaan tayo kina Angela para isama siya maghatid sa inyo sa airport? Para may kasama na din ako pabalik?"
"Sandy! Were in a hurry. Baka maiwan kami ng flight ng Mommy mo!"
Lumingon ako kay Mommy.
"Tama ang Daddy mo! Puntahan mo na lang sa kanila after mo kaming ihatid sa airport!"
![](https://static.wattpad.com/img/image-moderation/blocked-cover.jpg)
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE by DScriptWriter
RomanceSandy Erisza Romualdez came from one of the most influential family while Khen Patrick Dela Cueva is the next soon to be CEO of Dela Cueva Group of Companies. They are both strangers to each other and suffering from heartaches. Pero sa simula pa l...