P R O L O G U E

19 1 0
                                    

Noong bata pa lang tayo may kanya kanya tayong kalaro. Kumbaga hindi magiging masaya, exciting, o kumpleto ang childhood natin kung wala man lang tayong naging kalaro't kasama sa paglalaro ng mga laruan natin. At kahit papaano, sila yung hindi mo makakalimutan lumipas man ang panahon dahil naging parte sila ng buhay mo.

Sa pakikipaglaro natin dun natin natututunan kung paano magshare o maging mapagbigay sa kapwa kalaro natin.

Dun din natin natututunan kung paano makibagay.

Naandun din yung pagiging mapagpasensya sa mga hindi mo nakakasundo (pwera na lang kung bully ka talaga) para wala ng gulo, syempre papagalitan ka ng parents mo pag nakipag away ka diba?

At yung pinakaimportante sa lahat ay ang pagiging mapagparaya. Natututo tayong magparaya o magbigay daan sa kapwa kalaro natin para sa ikakasaya nila. Syempre gagawin mo yung lahat ng mga yun para magustuhan ka nila at maging maganda ang impression nila sayo.

Alam ko kahit nasa ganung stage pa lang tayo, natututunan nating gawin ang lahat ng ito ng hindi natin namamalayan, syempre bata pa lang tayo, anung malay natin. Basta ang alam lang natin ay iyon ang tama at dapat gawin base sa turo ng ating mga magulang o mga nakakatanda sa atin.

Pero di ba na irerelate din natin tong mga small things nato sa mga bagay na minsan nang naging big deal satin ngayong hindi na tayo bata?

Pero minsan kahit alam natin na yung mga small things na yun ang mga basic steps para iresulba ang mga problema, sinasadya nating balewalain to para maipangtanggol ang sarili natin kahit wala tayo sa lugar o di kaya'y makuha ang gusto kahit alam mong hindi ito para sayo. At ang pinakamalupit sa lahat ay ang angkinin ang alam mong pagmamay-ari ng iba.

Date started: June 17,2016

Dear Heart, Why Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon