Chapter 2: My Cute Cousin

5 1 0
                                    

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako kaagad katulad ng sinabi ni Mama para mag merienda. Mamaya ko na itutuloy ang pag aayos ng kwarto ko.

Tiningnan ko ang orasan.  9oclock ng umaga pa lang pala.

"Hi, Ate!" Bati ng kapatid ko. Nakabungisngis ito,parang may ginawa na hindi ko magugustuhan.

Inirapan ko na lang ito at tumingin sa mesa.

"Sorry,Ate!" Biglang tumakbo si Joshua. Tuwang tuwa pa talaga siya sa ginawa niya.

"Ma?!," pasigaw kong tinawag si Mama.

Inubos lang naman ni Joshua ang buko pie na merienda. Dapat pati box kinain na lang niya. Nakakaasar, paborito ko pa naman yun.

"Grrrrlll.." ang tiyan ko.

"Gutom na kooo."

Hindi ata narinig ni Mama ang sigaw ko kaya pumunta na lang ako ng kusina para maghanap ng makakain. May nakita akong cheese whiz at tinapay sa ref kaya yun na lang ang tinira ko.

Maya-maya'y may lumitaw na girl sa harap ko. Morena siya, probinsiyanang probinsiya ang mukha, pero ang cute cute niya,  yung pag ka chubby niya ang nagdala. Ang sarap pisilin yung chubby cheeks niya.

"Hi Ate!" Nakangiting bati niya saken.

"Mikay?! Ikaw ba yan?!"  Hala, ang cute niya ngumiti.

"Oo Ate, two years ka lang nawala nakalimutan mo na kaagad ang cute na mukhang to?" Nagpout siya.

"Mikaaay! Ikaw nga! Ang cute cute mo na! Di kita nakilala! Kung di lang dahil sa height mo!." Nakilala ko naman talaga siya kaagad, gusto ko lang siyang asarin.

"Grabeeee?!,alam kong di ako tumangkad Ate, wag mo namang ipamukhaa?!" Sabay yakap sa akin.

Pinagtawanan ko lang siya at inalok ng pagkain. Kumain naman ito, and ang takaw takaw niya, kaya siguro ang chubby niya. Buti pa siya tumataba, samantalang ako,kain din naman ng kain pero di tumataba.

Naubos namin ang isang balot ng loaf ng di namin namamalayan. Kwento kasi siya ng kwento. At ako? Tuwang tuwa naman ako sa kanya. Ang daldal kasi niya.

"Ate san ka pala mag eenroll?" Tanong nito habang kumukuha ng tubig sa dispenser.

"Di ko pa nga alam Mik, depende kay Mama." Well, bigla nga akong napaisip sa tanong niya.

"Ate, first year high school na ko,dun ka na lang sa school na pag eenrollan ko, para magkasama tayo Ate!" Pag aaya niya. Kitang kita sa mukha niya na gusto niya talaga na sa iisang school lang kami mag aaral.

"Uhmmm..eehhh" sa totoo lang ayoko pang mag decide at that time. Halleeer?, kakarating ko pa lang may jet lag pa kong nararamdaman.

"Sige na Ate!? Pleeeeeaaase?" Pagmamakaawa nito.

"Uhmm, sige sasabihin ko kay Mama." at bumigay na nga ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Heart, Why Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon