Chapter 1: Reminiscing

7 1 0
                                    


Alex's POV

Malayo pa lang natatanaw ko na ang kahoy na gate ng lumang bahay namin. Isa lang ang iniisip ko, buhay probinsyana na naman ako.

"Ate may mga Tilapias pa kaya sa fish pond natin?" Tanong ng kapatid ko.

"Siguro?" Sagot ko. Sa dinami raming pwedeng itanong saken, yun pa yung hindi ko masagot.

"Oo naman bunso." Singit ni Mama, mukhang narinig ang pag uusap namin."Hindi naman pinabayaan ni Mang Sofeo ang farm natin habang na sa London tayo." dagdag pa nito.

"Excited na po akong mamingwit ulit Ma!" Nakangiting sabi ng 9yrs. Old kong kapatid.

Siguro nagtataka kayo kung bat may fish pond. Actually yung bahay namin parang isang small farm. Bakit? Kasi nga may fish pond, may piggery, at ang dami naming mga manok,as in, eh mala bahay yung henhouse namin dito.
Ito kasi ang negosyo ni Mama dito sa probinsya namin.
At ang bahay namin medyo malayo sa mga tao. Dadaan ka muna sa napakaraming puno ng niyog(niyogan) bago mo marating ang gate. At alam kong isa ito sa mga assets ng small farm namin na nagpaganda rito.

Maya-maya'y huminto na yung sasakyan namin.

"Andito na tayo mga anak,baba na!"nakangiting sabi ni Mama samin.

"Halika na ate!" Bigla akong hinila pagkababa ko ng sasakyan.

"Ano ba Joshua! Mamaya na yang fish pond, ayusin muna natin yung mga gamit natin" angal ko sa kanya.

"Okay."pasimangot niyang sinabi. Ganyan ang kapatid ko pag inuudlot ang excitement niya. Wala siyang magagawa, ako ang Ate.

Nauna na akong pumasok sa bahay namin. Habang hila-hila ko ang maleta ko, mariin kong tinitigan ang bawat detalye ang loob ng bahay, walang pinagbago, ang ganda pa rin ng bahay namin dahil sa native style nito. Napakapresko sa pakiramdam. Lalo pa't malapit lang ang dagat.

"Iha, kelangan mo ba ng tulong?"

"Lolo Sofeo!mano po." Sabay kuha ko sa kamay niya para magmano.

Bata pa lang kami si Lolo Sofeo na ang naging katulong ni Mama sa farm. Hindi man siya namin kaano-ano pero tinuring na namin siyang lolo ng kapatid ko.
Matagal na siyang nagsisilbi dito kaya naging parte na rin siya ng pamilya.

"Dalagang dalaga ka na iha, at napakaganda pa, Halika na't tulungan na kita."

"Wag na po, kayang kaya ko na po ito,magaan lang naman po tong maleta ko Lo." Pagtatanggi ko.

"Oh siya, sige, Ikaw ang bahala iha, basta kapag kelangan mo ng tulong, hanapin mo lang ako ha."

"Sige po Lo" tapos ningitian ko ito.

Nang makatalikod na si Lolo ay pumanhik na ko ng hagdan para maidala na ang mga gamit ko sa kwarto ko. May tatlong kwarto dito sa second floor ng bahay, at mula sa hagdan akin ang pikadulo.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sakin ang amoy ng alikabok.

"Okay, kelangan kong maglinis, di ako makakasurvive sa ganito."

Habang binubuksan ko ang mga kurtina, bumabalik sakin ang mga alaala ko sa kwarto kong to. Two years kaming wala dito. Mag sesecond year high school ako nun nung lumipat kami sa London dahil gusto ni Papa na dun kami tumira. At ngayon bumalik kami dito sa San Lazaro, dito sa probinsya namin sa di malaman na dahilan.

Meron akong maliit na teres dito sa kwarto ko, at nakaharap ito sa dagat.

"Nandito na naman ako sa pinakapaborito kong spot dito sa bahay, namiss ko to"
habang dinadamdam ko ang dumadamping hangin sa balat ko.Umupo ako sa upuan, dito ako nagsimula at bumuo ng pangarap ko. Whenever na mapaupo o mapatambay ako sa teres na to,kung saan saan ako dinadala ng imahinasyon ko. Oo, dreamer ako,mahilig akong mangarap. Dito ko sinasayng ang oras ko sa pag iisip.

Bago pa ko lamunin ng imahinasyon ko at sa pag rereminisce, bumalik na ako sa loob para simulan na ang paglilinis.

Uunahin ko ang mga frames ko"

At naghanap na nga ako ng basahan at pumanhik sa Cr para basain ito.

Habang pinupunasan ko ang mga frames ko, tinititigan ko ang mga medalya ko. Ito ang mga proofs na achiever ako sa klase. Lagi akong Top 1 nun simula Grade 1 hanggang sa makatungtong ako ng high school. At madami talaga akong tagahanga sa school.
"Naalala pa kaya ako ng mga dating kaklase ko dito? Kamusta na kaya yung mga kababata ko dito, si Cassy kaya, alam niya kayang umuwi na kami dito?"

"Siguro"pabulong kong sinabi. Kinakausap ko sarili ko.
Dakilang baliw talaga ako.

Nung matapos ko nang linisin ang mga frames tska mga gamit dito sa kwarto ay pinagpag ko na ang bedsheet ,kumot at mga unan ko. "Napalitan ba to?" Kunot noo kong inamoy ang mga to. Hindi naman ako nabigo, bagong palit ito, naamoy ko ang Downy.

Biglang bumukas ang pinto, "Anak, tapos ka na ba? halika na sa baba, baka gutom ka na" si Mama

"Sige ma, maliligo lang po ako tapos bababa na po ako."

"Sige, bilisan mo, baka ubusin ng kapatid mo ang merienda."

"Opo ma."At sinarado na niya ang pinto.

Kinuha ko na ang tuwalya ko sa maleta ko para maligo. Bigla kong naisip, lima ang school dito sa bayan namin, dalawang private, at tatlong public.

"Hala, san kaya ako i eenroll ni Mama?" Inaamin ko kinakabahan ako. Self adjustment na naman kase to.






Dear Heart, Why Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon