Eksaktong dalawang linggo na mula ng sabihin ni Hunter ang makalglag panty nitong linya na "Make me forget." Hindi niya alam kung anong pakay nito o gagamitin ba siya nitong rebound, but who cares? This was her plan anyway, ang makalapit sa puso ni Hunter. Kailangan niyang gumawa ng effort kung gusto niyang makalimot ang binata. Tumunog ang kanyang iPhone at hindi siya nagkamali si Hunter nga ang tumatawag. Excited na sinagot niya iyon.
"Where are you?" tanong nito.
"Nandito lang ako sa bahay. I was waiting to your call." Nahihiyang pag-amin niya.
Hunter chuckled on the other line.
"Let's have dinner?"
"Okay. Magbibihis lang ako."
"See ya." Anito saka binaba ang tawag.
Mabilis pa sa alas kwatrong nagtungo siya sa kanyang kwarto. Sinundan naman siya ni Maxene na ngayon ay umiinom naman ng Zagu.
"Hinay-hinay lang, Arki, ha? Ayokong masaktan ka sa huli." Paalala nito.
"Ang totoong nagmamahal nasasaktan."
Umirap ito saka ibinaba ang hawak na inumin at mabilis na kinotongan siya sa ulo.
"Nagkakaroon ka na ba ng sakit? Unti-unti ka ng nagiging tanga dahil sa pag-ibig na 'yan."
"Max, ito ang plano 'di ba? We succeed napansin na niya ako. You should be happy because I'm happy."
"Hunter will be your downfall, Arki. Be careful, mahirap mahulog sa taong hindi ka handang saluhin. Masakit ang mahulog sa sahig."
"Negatron as it's finest!" aniya. Kinuha niya ang paborito niyang wrap up dress at tinernuhan ng two inch sandals niya. Muli niyang kinulot ang dulo ng kanyang buhok.
Nang makarinig ng busina sa labas ay mabilis siyang nagpaalam sa kaibigan saka lumabas na. Naroon na si Hunter at naghihintay sa kanya. He was all smiles, nakasuot pa ito ng three piece suit.
"I'm sorry, kagagaling ko lang kasi sa meeting." Anito saka siya pinagbuksan ng pintuan.
Habang nasa byahe ay nagkukuwentuhan silang dalawa. Nakabalik na pala siya sa kompanya nila. Good thing. Mukhang nakatulong ang pag-uusap nila noon ng tatay nito. Binawi na rin ng ama nito ang public apology na hinihingi.
"Saan mo gustong kumain?" He asked.
"I'm craving for pasta."
"Okay, pasta it is."
Hunter likes to spoil her. Simula noong nag-usap sila sa downtown ay naging mas malapit ito sa kanya. Araw-araw siyang dinadalaw nito, kung minsan ay nanonood sila ng sine sa bahay. Madalas ay pupunta ito sa kanila tapos ay magluluto siya o kaya naman magro-roadtrip sila hanggang madaling araw. Walang araw na hindi sila magkasama at mukhang nasasanay na siya ro'n.
Tumigil sila sa Paprika. Pagkababa ng sasakyan ay namataan na agad niya ang pamikyar na pigura. It was...
"Jimena." Narinig niyang sabi ni Hunter. His face softened.
Hinawakan niya ang braso ni Hunter ngunit hindi iyon pinansin ng binata sa halip ay nauna itong pumasok at mabilis na lumapit sa gawi ni Jimena. Agad naman niya itong sinundan.
"Hunter, let's go." Hinawakan niya si Hunter sa braso.
"Ji, please, let's talk." Anito na hindi pinansin ang sinabi niya.
"Hunter, wala naman na tayong dapat pag-usapan pa."
"I-I just want to..."
"Hunter," hinawakan nito ang kamay ni Hunter. Napalunok naman siya sa ginawa nito. "I'm happy. Please be happy as well. I have family now. You see, i'm pregnant to my second baby." Halata ang saya sa boses ni Jimena. "Take care and be happy. That's what I want... and please do it. Be happy, live again." Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. A genuine smile.

BINABASA MO ANG
Loving Hunter Santilian
General FictionHe's a mess.. a complete mess. He's broken, devastated, a total wreck. He's ruthless. But I know he just wanted to be loved. And I would do everything for him to love me back, kaya kong itaya ang lahat mahalin niya lang ako. Kaya ng magkaroon ako ng...