Kabanata 01

9.1K 146 0
                                    

Muling tinungga ni Hunter ang alak na hawak niya. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Panay bote ng walang laman na alak ang naroon, ilang mga sigarilyo at pakete ng marijuana. Yes, he takes weeds, doon na lang kasi siya sumasaya, doon pakiramdam niya ay buhay siya. Katulad nang kwartong ito ang buhay niya, patapon. He was so devastated to the point that he commited suicide so many times, but all his attempt failed.

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang kaibigan niyang si Chance. Chance Sandoval is his long time friend, ito ang katuwang niya noon at lalo na ngayon. Iiling-iling na pumasok ito habang may hawak na itim na garbage bag. Isa-isang pinulot nito ang kalat habang siya ay mataman lang na nakatingin sa kaibigan.

"You look like hell. Para kang ermitanyo. Can't you shave?" Chance looked at him with disgust.

Sa halip na sumagot ay muli siyang tumungga ng alak.

"Damn, Hunter, can't you moved? Jimena is happy now, you should also be." Anito saka siya tinabihan.

How can he be happy if he's still inlove with her?

"I can't... everytime I see her face, regrets are filling my heart. That should be me, Chance. Ako dapat ang pakakasalan niya. If I wasn't a jerk."

Tinapik ni Chance ang balikat niya saka inagaw ang bote na hawak niya.

"One day, someone will change your perspective, from bitter to sweet, from broken to complete."

Ipinikit ni Hunter ang mga mata saka isinandal ang ulo sa sofa. It's been years yet his heart is still longing for Jimena Benitez. Paano ba muling tumayo kung wala nang dahilan pa para magsimulang muli? They started as fuck buddies, noong una ay hindi naman niya ito gusto but as the time goes by... Jimena started to invade his being. But he cannot accept it. Hindi siya iniwan ni Jimena kahit na ilang beses na niyang ipinakita na dapat na siyang iwan. Noong mga panahon na iba't ibang babae na ang dinadala niya sa bahay nila ay wala pa rin siyang narinig sa dalaga. At noong handa na siyang aminin dito na mahal niya ito ay saka naman lalong nagulo ang lahat. Nalaman nito lahat ng kasinungalingan niya. Lumayo ito at noong muli silang nagkita. She wasn't the vulnerable and naive Jimena he knew. And what hurts the most?

She was inlove to someone else... someone's who's better than him.

"Hunter, I have an idea." Ani Chance. Nangunot naman ang noo niya nang bigla siyang hilahin ni Chance at itulak patungo sa banyo. "Shower first, Man. You stink."

Wala siyang nagawa kundi ang maligo. He even shaved, tama nga ang kaibigan nagmumukha na siyang ermitanyo. At nang matapos ay naabutan niya si Chance ay nakaupo na ito sa sofa at halatang pagod na pagod. Wala na rin ang mga nagkalat na bote at hindi na amoy sigarilyo ang kwarto niya.

"Hell, puwede na akong maging katulong mo. Sa susunod nga matuto kang maglinis. You know that I can't stand dirty places."

"Okay, okay. Just stop nagging me like you're my mother."

Sabay na silang lumabas ng kanyang condo. Sa kotse na ni Chance sila sumakay, habang nagmamaneho ay abala pa rin ang isip niya kay Jimena. How can he forget when she give him so much to remember? Walang araw na hindi niya pinupuntahan ang bahay nito. Sinusulyapan niya si Jimena sa malayo upang mabuhay siyang muli. Para siyang buhay ngunit unti-unting namamatay. Maybe that was his punishment for hurting Jimena. Kung sana lang ay kaya niyang ibalik ang kahapon kung saan masaya sila at siya pa ang mahal nito pero alam niyang sa panaginip na lang iyon mangyayari. Masakit man isipin ngunit hanggang alaala na lang ang lahat ng iyon.

Mahinang tapik ni Chance ang nakapagpabalik sa kanyang wisyo. Nasa harap na sila ng Olympus. Nangunot ang noo niya, may access pala siya sa bar na ito? Exclusive bar ito at hindi puwedeng pumasok akung hindi member. He heard that it cost millions to be a member on this club. Wow, Chance, ikaw na talaga. Nang makapasok sila ay sumalubong sa mata niya ang nakakahilong disco light, hindi gaanong matao ang bar marahil ay dahil iilan rin ang member. Isang lalaking nakasuot ng itim na Armani suit ang lumapit sa kanila. Nag-fist bump si Chance at ang lalaki.

Loving Hunter SantilianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon