Kabanata 02

5.3K 116 3
                                    

"Hunter Santilian, the man who can't be moved." Ani Courtney habang titig na titig sa mga mata niya.

Ngumisi siya. Tama ito, hindi siya makaalis kung saan siya iniwan ni Jimena. Habang ito masaya siya naman ay nagdurusa. But who cares, it was his punishment.

"Hindi matatapos ang mundo dahil lang iniwan ka niya, Hunter. You know what I mean, right?"

Nangunot ang noo niya. Is she a stalker? Sabagay, lumaganap noon ang balita tungkol sa kanila ni Jimena. Kung paano niya pineke ang kasal nila. Isa iyons adahilan kung bakit nagalit sa kanya ang kanyang ama. His father wants to disown him because of that incident, tapos ito na naman ang panibagong issue. Ang viral video kung saan sinampal siya ni Courtney at pinagbintangan na nabuntis niya ito. Galit na galit ang tatay niya at pinagbantaan siyang kung hindi niya aayusin ang buhay niya ay mawawalan siya ng mana. He is thirty years old but he didn't know what he wants in life. Noong una alam niyang gusto niyang magkampamilya at itama ang lahat sa kanila ni Jimena. Pero ngayon? Gusto na lang niyang maglaho na parang bula. He wants to dissapear, that's why he always tried to commit suicide, too bad all his attempts failed. He didn't know why. Siguro ay ayaw ng Diyos sa katulad niyang makasalanan. Baka ams gusto nitong mabuhay siya upang mas pagbayaran ang ginawa niya kay Jimena.

"Jimena shattered me into pieces." Aniya.

Lumapit si Courtney sa kanya, halos ilang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa.

"Ang sabi ko hindi kita type, but here I am... waiting for you to look back on me,"

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"What do you mean?" aniya.

Sa halip na sumagot ay hinalikan siya ni Courtney. What's with this girl? Gumanti naman siya ng halik. He agressively kiss her. Hinapit niya ang batok nito upang mas lumalim ang halik, ngunit itinulak siya nito.

"I-I'm sorry..." anito na tila ba nahimasmasan sa nangyari. Mahinang sinampal nito ang noo saka siya tinalikuran. "I'm sorry, Hunter. I'm really sorry. Nadala lang ako." Kinagat pa nito ang labi.

Natawa naman siya.

"I knew it. You have a crush on me."

Sa tuwing maalala ni Courtney ang nangyari sa kanila ni Hunter noong isang gabi ay hindi niya mapigilan na hindi mamula. She was able to kiss Hunter---her first love. Hindi totoo ang sinabi niyang hindi niya ito type. Kaya nga ito ang pinuntirya nila noon sa mall dahil gusto niyang magpapansin kay Hunter. Kay Hunter lang naman ang balak nila pero may ibang nag-video sa kanila at nag-viral pa ang video. Sobra-sobrang atensyon ang nakuha niya.

"Tulala ka na naman?" ani Maxene. Isa sa mga kaibigan niya. Inilapag nito ang isang basong orange juice at pizza. Kumuha naman siya ng isa.

"Inaalala ko lang ang nangyari noong isang gabi." Aniya saka kinagat ang pizza. Kumuha rin ng isa si Maxene.

"Gustong-gusto? Baka naman hindi ka niyan makatulog!" inirapan siya ng kaibigan.

College pa lang sila nang una niyang magustuhan si Hunter. He was so famous. At walang hindi nakakakilala sa kanya. Varsity player ito ng school nila at halos lahat ata ng cheer leaders doon ay nabingwit na ni Hunter. But when he met Jaime Benitez, itinigil nito lahat ng kalokohan nito. Hanggang maka-graduate ang mga ito ay sila pa rin. Hanggang isang araw nakita na lang niya itong iba na ang kasama. She knew the difference between Jaime and her twin sister Jimena. Mas maganda ang katawan ni Jimena kaysa sa kapatid. Also Jimena was the fierce one, and Jaime has this angelic vibe. Nalaman niyang pineke ni Hunter ang kasal nila ni Jimena, and now he's head over heels to Jimena. Hindi na niya malaman kung gaano na siya katagal hibang kay Hunter. But who counts, walang bilang ang lahat ng iyon lalo na ngayon na napapansin na siya ng taong mahal niya.

Loving Hunter SantilianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon