I love you~~Goodbye

16 0 0
                                    

Araw-araw magkasama silang pumapasok sa paaralan ,kumakain ,nag-aaral, nagkukulitan hanggang sa dumating ang punto na M.U. na sila. Pagdating ng kaarawan ni Enzo ay niyaya niya si Mishei na pumunta sa salu-salo upang ipakilala sa kanyang ina at mga kamag-anak. At dun pagkatapos ipakilala ay nagpropose si Enzo ky Mishei. Sinagot.naman siya ni Mishei at nagging sila. Nang matapos ang buong araw na salu-salo ay inihatid ni Enzo pauwi si Mishei. Pagpasok na pagpasok ni Mishei sa bahay nila ay biglang tumunog ang kanyang telepono.

Tita Indie calling......

Mishei: Hello, Good Evening po tita,bakit po?

Tita Indie: (umiiyak) Neng, s-s-si Enzo kasi, eh....

Mishei: (naguguluhan) Bakit po kayo umiiyak? Ano po’ng nangyari kay Enzo?

Tita Indie: Nabaril sa Enzo...tumama ang bala sa kanyang ulo.

Mishei: Ho!

Nalaglag niya ang kanyang telepono at umiyak. Tumakbo siya papunta sa bahay nina Enzo at nakita niya ang nakahandusay na katawan nito na puno ng dugo. Dinala nila ito sa ospital pero patay na ito pagdating doon. Ganun na lamang ang lungkot na nadarama ni Mishei. Para bang binagsakan siya ng langit at lupa. Hindi niya nakayanan na makita itong walang buhay kaya umalis na lamang siya. Makalipas ang 5 araw ay nailibing na si Enzo. Umuwi si Mishei na umiiyak at nagwala ito.

Mishei: Enzo,bakit mo ko iniwan. Akala ko sabi mo di na tayo magkakahiwalay ulit. Pero ba’t ganon? Bigla-bigla ka na lang nawala ha, bakit?

Napaupo na lamang siya sa kanyang kama hawak-hawak ang gitara na ibinigay sa kanya ni Enzo. Pero biglang lumakas ang hangin at may nakita siya, si Enzo.

Mishei: Enzo?

Enzo: Huwag ka ng malungkot. Kahit wala na ako sa mundo, isipin mo pag hawak mo ang gitara na yan, nariyan ako sa tabi mo, nakikinig. Dapat ipangko mo sa akin na aalagaan mo ang sarili mo.

Mishei:Pero...

Enzo: ipangako mo! (at naglaho ito)

Mishei: Pangako Enzo,pangako.

Simula noon, naging masaya na ulit ang buhay ni Mishei kasama ang kanyang mga kabarkada sa kabila ng mga nangyari. Hindi na siya nagmahal muli at nangako sa kanyang sarili na si Enzo lang ang gusto niya. Nagtapos siya ng Architectural Engineering sa La Salle at nakatanggap ng diploma. Pagkababa niya sa entablado ay nakita niya ulit si Enzo na nakatayo at naghabilin sa kanya ng huling tatlong salita. I LOVE YOU.

Gitara (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon