Chapter 2: Bagong GUPIT

28 1 0
                                    

 Final Examination namin pala ngayon sa FINANCE 3. Instead na mag-review  ako eto nasa labas ako ng room para makita siya.

   Kinikilig ako, kasi feeling ko ( hahaha! feeling ko lang naman to ha walang basag trip) na ako ang dahilan kung bakit madalas din siyang nasa labas kapag pareho pang wala ang mga prof namin. At syempre pa soundtrip effect lang ako, nakakabit lng ang headset habang nakatingin sa malayo kuno. haha XD

Nasabi ko ba na magkatabi lng ang room namin every Fin 3 ang class ko?

haha... sa lagay ba namang ito hindi pa ba halata XD. 

Nice, bagong gupit siya ngayon. Hay, kahit pa ata kalbuhin siya magiging cute pa rin siya sa paningin ko. ^^ At mukhang easing-easy lang para sa kanya ang magiging exam nila.

Tsk! Yan na prof nila di bale titignan ko na lang siya habang nageexam. :)

Ang galing talaga niya imagine keri niya ang accountacy samantalang ako 2nd year hindi ko na nameet required grade para mamaintain sa course na un kaya 3rd year financial management ako ngaun.

 Haha! Mag self-pity ba XDD

___________

": Ui Cas sabay na tayo umuwi." Sabi ni Mike habang pilit na humahabol sa akin pababa ng hagdan.

"Bilis mo naman maglakad" sabay akbay sakin.  

" e bakit kelangan magbagal" singhal ko sa kanya. 

"taray naman nito, musta exam?" 

"Syempre sisiw...he..he" 

" Maka sisiw to wagas." 

"hehe...ako pa." taas noo kong sabi sa kanya pero sa totoo lang mukhang dehado ako ngayon sa exam. >.<

 "Ikaw na talaga magaling na maganda pa." 

 "Ewan ko sa'yo, Mauna na ko" Sabay lakad takbo sa grounds ng school. 

"kung kaya mo kong iwan," sagot ni mike.

 Mukha kaming mga baliw na naghahabulan. Tawa na lang kami nang tawa nang mapansin ko malapit sa gate na nakatingin si Ralph Roy Chua (pangalan ni Mr. Chinito) pero sabay ding nagbawi ng tingin.

"Mike, naman kasi tumigil ka na nga," inis kong sabi sa kanya kasi pakiramdam ko nabadtrip si crush ko.  :(

 Ralph's POV

Hindi minsan kundi maraming beses ko nang tinitignan si Casandra. Pero eto hanggang tingin lang. Akala ko nga eh chance ko nang lapitan sya sa study area nun habang nakikinig ng kung ano sa phone niya kung hindi lang sa pambasagtrip kong mga kaklase na paturo ng paturo.

 Fourth year ako nun at may practice game ako ng basketball ng una ko siyang mapansin . Second year siya nun at nakapang P.E. Nandun sila sa may bench nang mga kaklase niya nagpapahinga kasi kagagaling lang ata nilang maglaro ng volleyball. Un kasi ang tinitake nila sa P.E. 

Maliwanag pa sa alaala ko ang mga pangyayari na naging dahilan kung bakit ako nagkaroon ng pagtingin sa kanya.

"O dito pasa mo dito bola."

"Ralph ano ba mag focus ka sa game!" sigaw ni coach.

"umph.Yes coach!" sagot ko. Kapagod talaga pero nasisiyahan naman akong maglaro.

"Ano ba habulin ang bola!"

Sobrang intense ng laro namin nang hindi ko napansin ung pagbato ng bola dahil saglit akong napatingin sa sapatos ko. Nak nang ngaun pa natanggal sa pagkakasintas.

*Booogsh*

"Ung girl tinamaan ng bola!" 

O-0 Hala. Sabay tingin ko sa likuran ko.

Dumugo ilong ng girl. At dahil sa direksyon ko ibinato ung bola kaya naman ako ang mas malapit sa kanya. Ako na ang unang nag-alok ng tulong.

"Miss sorry sa nangyari. Halika samahan kita sa clinic." alok ko sa kanya.

"Ah.. eh.." nauutal na sagot niya. 

"Ui kuya tama sige ihatid mo na sya" sagot ng kaklase niya.

"Oo nga kuya cute" sabad ng isa at talagang mukhang kinikilig. Naririnig ko pang pinipilit nila si Casandra. 

"O halika na." Inalalayan ko na siyang tumayo habang nakatakip pa rin ung tissue sa ilong niya.

While the nurse is attending her, dun ako nagkachance na pagmasdan siya at ewan ko ba parang bigla na lang nagkaroon ng kakaibang liwanag sa paligid niya na siyang nagpatingkad sa ganda niya. She got a long hair and I think she's 5'4 in height at tamang pangangatawan.

"Cas ok na pwede ka nang umuwi, deretso uwi na ha." sabi ni nurse james.

"Ok nurse, your wish is my command" pabirong sagot ni Cas.

" O, Sabi ni nurse ok na daw ako kuya." nakangiting pagsabi niya sa'kin.

" Pwedeng wag na lng kuya tawag mo sa kin. Tawagin mo na lang akong Ra....

*Blagsssh*

"Cas ok ka lang ba? San masakit sayo? Saan? Saan paa mo ba? O sa  likod ? Baka  dito sa braso?"

"Ok na ako" sagot ni Casandra.

"Halika na hatid na kita pauwi." At sabay na silang lumabas ng clinic at naiwan ako doon na nakatanga lang.

Sino naman ung asungot na yun. Hinatak na lang ang Casandra ko basta basta. Ok ka pre ha. 

Well yun nga ang first meeting namin ni Casandra at ayun patuloy lang ako sa pagiging torpe ko.

At ang masakit nun parang hindi nya na naaalala ung pangyayaring un. >.<

Hala tama na tong pag rereminisce ko. Back to present ko dito pa rin ako sa usual spot ko mga 3rd table away from my love..  

At usual na naka- black rim eyeglass para ndi ako masyadong pansin kasama ng mga libro ko sa accounting. Mas inspired akong mag-aral habang nakikita siya. Kaso ngayon hindi ako naiinspire na babadtrip ako. Ung panggulong lalaking yun oo ung lalaking nanghatak kay labs ko sa clinic nandun at katabi si Cas at mukhang nagkakatuwaan sila.. Ayon sa research ko dati palang magkaklase tong dalawa at mag best friend pa. >.< hurrrghh..

At dahil na rin sa halos taon kong lihim na pagsunod sunod at pakikinig manliligaw na din pala at laking pasalamat ko dahil mukhang hindi gusto ni Cas tong kumag na'to.

Be My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon