Chapter 5: Summer Vacation

3 0 0
                                    

Cassandra's POV

"Please pwede bang dito naman ako mag summer vacation..." pagmamaktol ko kay mama.

"Bahala kang magpaliwanag sa lolo't lola mo." sagot niya sa'kin habang naghihiwa ng gulay sa lamesa. 

Pssh! Hindi naman sa ayaw kong pasyalan ung grandparents ko ang kaso naakakainis kasi hindi na naman ako makakasali sa swimming get away ng tropa. Naman kasi eh!

"Leng leng! Tigilan mo nga yan, mahiwa kama'y ko sa ginagawa mo!"  saway sa'kin ni mama.

Sa inis ko hindi ko napapansing niyuyugyog ko na pala ung table namin. >.<  Dinagdagan pa niya ng leng-leng na pagtawag sa kin. 

"Ma naman wag mo na rin kasi ako tawagin ng ganun!" hindi ko na talaga mapigilan ang inis ko kaya padabog akong tumakbo sa kwarto. 

Iniisip niyo siguro na ang maldita ko no?  Hindi naman ako laging ganito.Nakakainis lang kasi na since grade school never pa ako nakasama sa swimming ng mga kaibigan ko lagi na lang akong umuuwing probinsya tuwing summer, dun kasama ko namang magswimming yung kambal kong cousins kaso nga lang nakaka out of place. Nag-uusap sila ng sila lang ang nagkakaintindihan :(  Ewan ko ba naman kasi kung bakit hindi ko matutunan yung salita nila. Nalala ko pa nung minsang nandun ako.

 "Leng! umuli tayo dyay kayo ti mangga!" sigaw sa'kin ni Mac-mac habang tumatakbo.

 "Wen insan nagadon naluom nan nga bunga..!"sabi naman ni Jerson.

Syempre ako ayun nakatanga lang sa sinabi nila.  Nakita ko na lang na umaakyat na sila ng puno ng mangga at ang sarap ng kain nila sa taas. Ang mga kumag na yun hindi man lang ako binigyan. At pinagtawanan pa ako kesyo hindi raw ako marunong umakyat. And so what! Nung minsan kasing nagtangka ako hindi na ako makababa to the point na umiyak na ako at  dahil dun mas lalo pa nila akong pinagtawanan, mamatay matay pa kamo sila sa kakatawa.. Yung mga yun talaga, napipikon pa rin ako pag naaalala ko ung panahon na yun... Kaya nga wala akong ganang pumunta dun eh madalas nila akong pagtripan.

We can never be royal it don't run in our blood

That kind of lux just ain't for us

We crave a different kind of buzz.....

"Hello?" sagot ko sa phone.

"Ah wala naman. Pero balita ko uuwi ka daw ng probinsya niyo bukas ha" si Mike nasa kabilang linya at nakakahimig ako ng kalokohan.

"Kanino mo naman nalaman aber?" 

"Secret... hehe."

"At nagagawa mo pang tumawa parang sayang saya ka na aalis ako ha!" badtrip pa ring sagot ko panira kasi na moment tong isang to.

"Baby Bes, hindi naman sa ganun tampo ka naman agad."

"Wag mo nga akong tawaging baby mukha ba akong sanggol?" kunwari naiinis ko pa ring sagot pero sa totoo lang eh nangingiti na ako dito.

"ahaha... ayoko nga Baby Bes kooo..." pang-asar pa niya lalo.

"Ay ewan. Kung wala ka namang sasabihing matino ibaba ko na'to."

" Sige ok na matino na po ako, eto good boy na ko ..arrffh .. arfhhf.. with matching kahol pa, naimagine ko tuloy na mukha siyang tuta hahaha.. tumawag kasi sa'kin sila Sarah, Krizel, Jonathan at Alfie. Sama daw sila." 

"Weh!?"  bigla akong naexcite sa narinig ko. Pero paano kaya pamasahe nila?

"Wag ka daw mag alala sa pamasahe nila... "tila nabasa niya iniisip ko " sagot na daw nila mga sarili nila basta pagdating daw dun bahala ka na hahaha.. sagot mo daw pagkain..." explain niya habang tumatawa sa kabilang linya hay naku buti naman. Wala akong pampamasahe sa kanila. 

"Oo ba! no problemo! " yehee mukhang exciting to, hindi na ko mabuburo dun sa dalawang mokong kong pinsan.. yes! yes!  Itong kaibigan ko na ito, minsan iniisip ko baka may sixth sense siya.. haha natataon kasi na nadyan ang presence niya tuwing nababatrip ako.

"May pinapasabi nga pala si Alfie sama daw pinsan niya..ummh Ralph ata pangalan.Sige yun lang bye. Mwah!"

O.O tama ba narinig ko Ralph daw.  Si Mr. Chinito kaya to? Hurgh! hindi hindi.. wag masyado assuming. Maaaring kapangalan lang. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon