Bakit parang nakapikit ako? Ano ba yan nakatulog na naman ako. Pero bakit parang hindi ako nakasubsob sa lamesa sa harapan ko.? Ano na ba nanyare?
Makadilat na nga
--.o
"Hello sleeping beauty."
Gosh.!!
Bakit katabi ko si ralph sa study area ?????
" Sorry kung nabigla kita"
Hindi ko alam isasagot ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Tulala.
"Flowers for you"
Totoo ba talaga to? isip-isp ko.
"Hindi mo ba nagustuhan?"
"Ah, Eh...,,. hindi...
"Cge papalitan ko na lng ano ba gusto mo?"
"Eh, ndi sa ganun, ibig kong sabihin nagustuhan ko"
Dear lord, tulungan mo ko. Nasa harap ko crush ko at binibigyan ako ng flowers...Wala na akong ginawa kundi mapalunok sa kaba.
" Ganun ba, so pwede ka bang yayain maglunch?"
"Kasi..."
"Treat ko, sige na di pa ko kumakain nagutom ako sa last exam namin"
"Halika na, please" Ralph hindi mo kelangan maki-usap.
Yes! Super Yes! ^_^
____________
"Yes! Yes! Ralph yes!
"Hoy Cas gising!"
Hmm? bakit gising sagot sa'kin ni ralph?
"Isang yes mo pa jan hindi na sa cheeks kita i-kikiss. O ano magye-yes ka pa? "
Shit, panaginip lang ba lahat ng yun?
Naman ee.. Kainis! Parang totoo.
Niyuyugyog ako ni Mike.
Inayos ko ung buhok kong parang bruha ng nakakalat sa mukha ko.
" Sino naman yang Ralph na yan na niye-yes mo?"
"Ha? E wala un, nadala lang ata ako sa story na binabasa ko kanina bago ako makaidlip dito." Sabay tago ko sa diary ko at mahirap na pakilamero tong isang to.
" Halika uwi na tayo alas-dos na oh."
"Sige saglit lang ligpit ko lang gamit ko."
Kapag may time tong mokong na to sumasabay siya ng uwi sa'kin. Mapilit e. Iisa lang kasi way namin sa pag-uwi. Bale nauuna lang ako bumaba ng kaunti sa kanya.
**************************************
yours truly +_+ hindi pa ako makagawa ng continuation ee, busy muna ako sa pagchro-chrochet. Sideline ba XD...
pls.stndby
BINABASA MO ANG
Be My Forever
Teen Fiction"Hello sleeping beauty." Gosh.!! Bakit katabi ko si Ralph sa study area ????? " Sorry kung nabigla kita" paumanhin niya sa akin. Hindi ko alam isasagot ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Tulala. "Flowers for you" mahinang sambit niya. Totoo ba tala...