IMAGINATION💬
Imagination. Ang isang bagay na masarap gawin. Lalo na't kung sawi ka. Kung hopeless romantic ka. O kaya wala kang lovelife.
Ako, lagi akong nagi-imagine.
Tungkol saan? Kanino? Ano?
Sige. K-kwentuhan ko kayo. :)
Kathy!! Kathy ko!! Sigaw ni Dan, bestfriend ko at ang pinaka mamahal ko. Haay. Hanggang pagiging gbf na lang ata ako.
Ano nanamang problema mo?! JanMaykel naman eh. Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya at habang ng s-sketch ng pangarap kong bahay pagnakagraduate na ako sa college.
Kasalukuyan akong nakadapa sa kama ko. At itong si Dan, naggugulo.
Sus. Papatulong nanaman siguro sa liligawan niya. Ang sakit sakin na tumulong sa kanya.
Pero kahit masakit, parang ok na rin. Atlest, napapasaya ko siya.
Papatulong lang sana ako dito sa sulat para kay Mikka. Saka, di ako JanMaykel ano!? Pero teka, ano yung JanMaykel? Hehe. Sabi niya ng tumabi siya sa pagkakadapa ko sa kama.
Sus. Maka react ka naman parang alam na alam mo yung JanMaykel. Pero totoo naman ah?! AnJAN ka, pag MAYKELangan. Sows! Tsk. Patingin nga ako nang sulat mo kay Mikka. Sabi ko at hinablot ang hawak niyang papel.
Too my deerest Mikka,
I loved you.Okay. Eto palang ang nasusulat niya.
Maiksi man at di tama ang spelling, panimula at grammar niya, alam na alam ko ang gusto niya ipahiwatig.
At masakit yun.
Huy Kathy! Okay ka lang?! Aligagang tanong niya at punas sa pingi kong basang basa na ng luha.
Umiiyak na pala ako.
H-ha? W-wala. Na disappoint kasi ako na, yung grammar mo! Saka yung spelling mo kaloka! Haha! Lie. Haha.
Pshh. Tumigil ka nga. Wag kana magsinungaling. Sabi niya ng humiga na siya sa kama at tumngin sa mga glow in the dark stars na nasa ceiling. At napatingin ako sa sinabi niya. Naiinggit ka lang eh noh? Kasi siya, binibigyan ko. Tas ikaw hindi. Hmm. At pumikit siya.
Letse kang lalaki ka!!
Habang nakapikit siya, nag imagine ako.
Na, pano kaya kung kami.
Kung hindi si Mikka ang nililigawan niya at ako yun.
Masaya kaya kami??
~~~~
Kathy ko!! Sabi ni Dan, haay. Kami na!! After all these years na nangangarap akong maging kami, nagkatotoo na nga!
Why Dan ko?! Sigaw ko pabalik. Nasa kitchen ako ng bahay nila. Nagluluto ng lunch.
Akala ko umuwi kana! Ikaw talaga! Bigla bigla ka nalag nawawala sa paningin ko! Ayoko ng ganon! Sabi niya sabay yakap mula sa likod ko at hinalkan ako sa leeg.
Omygosh. Nakakakiliti.
Hinampas ko nga.
Ikaw ah! Namumuro ka sa halik. Sa leeg ko pa ah?! Sabi ko habang nakaharap na sa kanya. Sinabit ko narin yung kamay ko sa leeg niya.
Nagpout siya. Aww. Ang cute ng baby ko! Sagutin mo na kasi ako. Sagutin mo na ako sa proposal ko.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Tsk. Baby, one year pa bago tayo matapos sa college. Magta-trabaho pa tayo. Marami pa tayong dapat gawin. Saka--
Mga bata pa tayo. Gets ko naman yun eh. Ang sakin lang, mabakuran na kita. Para sakin kana talaga. Sabi niya sabay yakap sakin.
Sayo naman talaga ako eh. Bulong ko sa kanya. At bumitiw sa yakap. Pinatay ko yung kalan at hinila siya paakyat sa kwarto niya.
Humiga lang kami. At pinikit ang mga mata.
~~~~~
Minulat ko na ang mga mata ko.
Ay, nakatulog na pala ako.
Haay. Nag imagine nanaman pala ako.
Tungkol samin.
Nasa harap ko si Dan. Natutulog rin pala siya. At magkayakapan kami.
Waw lang ha?
Napangiti ako dun.
At hinaplos ko ang pisngi nya.
I love you.... Sabi ko.
Minulat niya yung mga mata niya, ngumiti at sinabing.. I love you too..
Huh?! Ano daw??
D-dan?? May narinig akong boses. Pamilyar.
K-kathy? At isa pang pamilyar na boses.
Napatingin ako sa mga nagsasalita.
Nagulat ako.
Sina Mikka at Jeron—manliligaw ko.
Naiiyak si Mikka at nalulungkot ang mga mata ni Jeron.
Sorry Mikka!! Gusto kong sabihin.
At kay Jeron, kahit na di ko siya mahal, appreciate ko parin yung mga effort niya.
Umalis sila parehas.
Ginising ko si Dan. At sinabi kong lahat sa kanya.
Ano?! Si Mikka?! Bakit?!
At tumayo na siya at umalis.
Iniwan niya ako.
After all, imagination lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
KathNiel One Shots
Fanfiction"Different Heartbreaking and kilig scenes, through throwbacks"